read.cash Log in
@RickzAgripa

@RickzAgripa in May 2021

@RickzAgripa

Sana ang noise.cash ay magtagal pa forever Kasi ito lang ang the best site ever Kaya imbitahin nyo ang inyong brother and sister Isama nyo narin ang iyong mother at father Para lagi kayong magkasama together At sa mga naghahanap ng forever Wag kayong mag alala kasi madami ditong porengerπŸ˜… Kung may talento ka pang dimu nalalaman Dito mo rin ito madidiscover😊 Good night everyone.. πŸ™ Salamat po sa inyo ..😊

@RickzAgripa

Ito yung hinahanap ko dito sa bahay at natagpuan ko din .. di lang alam yung tawag dito .. 🀭pero parang isa din syang uri gagamba .. naalala ko lang kasi kaya hinanap ko , nung bata kasi ako pinaglalaroan ko yan nakakatuwa kasi at kakaiba mahawakan mo lang ng kunti eh sumasayaw sya .. hehe , ang galing diba?

@RickzAgripa

Oras na naman para magluto, ang tawag nito sa amin ay adidas .. sino po ba sainyo ang hindi kumakain nito ? Ung luto na ang tinatanong ko hah?πŸ˜…kasi wala naman tlaga kakain nyan kasi hilaw pa yan🀭... May kilala kasi ako na di kumakain ng luto nyan ang sabi sa akin nadidiri daw sya kasi inaapak daw yan sa ipot .. haha .. arte noh? πŸ€£πŸ˜…

@RickzAgripa

Kapag nasobrahan daw sa kape, magkakaroon ka ng nerbyos At ang gatas naman ay pampalakas Kaya wag mong paghahaloin yung kape at gatas kasi mas lalo lang lalakas yung nerbyos mo ..πŸ€£πŸ˜… Anu kaya kung pwedi yun ihalo sa salabat .. Kasi ang salabat daw nakakaganda ng boses kaya paghinaloan mo ng gatas yung maganda mong boses ay mas lalo pa pang lalakas .. 🀭 Maganda umaga po .. Mag ingay .. 😊

@RickzAgripa

Magandang gabi po .. Ito naman yung gagawin kong pang ulam ngayon matagal nga lang gawin kasi ang tigas ng shell nya .. hindi ko na sasabihin tawag nito dito sa amin baka matawa lang kayo ..🀭 anu po ba tawag nyan sa inyo ?😊

@RickzAgripa

Nakikita nyo po ba yung nasa larawan ?yan ay may sabaw ng niyog. Madalas akong umiinom nito kasi maganda daw sa kalusugan.. nakakatulong ito para malinis ang ating kidney .. At pwedi rin ito sa may mga U.T.I(urinary tract infection) .. may iba pang meaning ang u.t.i kaya isasama ko narin🀭 U-masa T-apos I-niwan .. hahaha Nasubukan nyo na rin ba pwedi rin gawing suka ang sabaw ng niyog ang ginagawa nilalagyan ng maraming sili at ipi-ferment ng 1 week. Pagmaasim na pwedi na .. 😊

@RickzAgripa

Ang hirap talaga ng buhay ngayon noh? Dahil sa pandemic na yan na hindi matapos tapos, minsan toloy nahihirapan tayong mag isip kong anu bang kakainin natin sa pang araw araw .. lalo na kong anu yung ipang uulam natin , ang mamahal pa naman ng bilihin ngayon at pati na rin pamasahe .. Kaya ang naisip ko anu kaya kong itong dahon ng madre de cacao ay kong pwedi din igulay.. Tingnan nyo naman parang malunggay.. Anu kayang lasa noh ..? πŸ€­πŸ€£πŸ˜…πŸ˜œ

@RickzAgripa

Nalalapit na naman po ang tanghalian , kaya ihanda na ang ating mga lulutoin , mayron kami ditong hipon Anu kayang masarap na luto ang pweding gawin ditoπŸ€”.. Ayaw ko sana magluto ngayon kas masisira manicure ko .. hahaha🀭

@RickzAgripa

Good morning po 🌞 Medjo napahaba yung tulog ko tanghali na pala , taas na ng araw at sobrang init na , hindi man lang nila ako ginising .. .. πŸ€­πŸ˜… At mukhang mananahimik na muna ako ngayon kasi wala na naman ako naiisip na ipost ..

@RickzAgripa

Hi po sainyo bago ako mag-goodnight mayron muna ako ikkwento sainyo nakakahiya to pero kailangan may maipost ako ngauon ko lang din kasi naaalala ulit at sa tuwing naalala ko natatawa ako sa sarili ko .. 🀭 Dati kasi yung 1st time ko nun makapunta sa mall tapos papasok na ako diredretso lang ako hindi ko akala ko nakabukas lang , ang hindi ko alam salamin pala iyon na kita ang loob ayun bangga yung mukha ko dun hahaha, yung pango kong ilong mas lalong naging flat .. πŸ€­πŸ˜…πŸ˜‚ Good…

@RickzAgripa

Mayron po akong naisip kasi doon sa mobile legends si manny pacquiao ay naging hero na dun , nagtataka ako kung bakit hindi naiisip ni moontoon na si Cardo ay gawin na din na hero , andun na kasi lahat sakanya , pwedi syang gawing... Marksman- kasi magaling makipagbarilan Fighter-kasi sya ay palaban Assassin- marami na syang napapatay Support - isa syang tagapagligtas At higit sa lahat pwdi sya maging Tank - kasi ang hirap patayin ..πŸ€­πŸ˜…πŸ€£

@RickzAgripa

Hello po sainyo , mayro na naman akong kwento ..🀭 Mayron kasing nagkakantahan ngayon dito sa amin Tapos yung isa mayron syang ipinahahanap na kanta yung" Oh Ang" daw ang tittle , hinahanap namin di talaga makuha , sabi ko anu ba iyon tpos pinakanta nalng namin sa kanya .. kamunta ng ganito "(oh ang galing, galing kong sumayaw , galing kong gumalaw) Hay naku Totoy Bibo lang pala pinahirapan pa kami .. πŸ€­πŸ€£πŸ˜…

@RickzAgripa

Sila daw ang ilaw ng Tahanan Minsan sila din ang ingay ng Tahanan..🀭 Ngayon ay araw ng Sunday At isa rin po itong special day Sa mga ina dito ako po ay bumati Sainyo ng Happy mother's day Sa mga anak batiin nyo na ang inyong Mommy . At pwedi din maghanda kong mayron pang party party .. Kahit dito sa amin ay medjo macloudy Parang uulan na naman yata eh .. Pero ganon magdiriwang parin kami .. Magandang Umaga po sainyo Happy Sunday and Happy mother's Day .. 😊

@RickzAgripa

Meryenda po tayo ito lang yung nakayanan namin para sa mother's day , naubosan din kasing cake kaya dina nakabili .. 😊 Gusto ko din sana isama si mama sa picture , kaso hindi sya nagkasya sa camera ,, ang laki nya kasi eh .. 🀭🀭

@RickzAgripa

Ngayon ay araw ng lunes pero ang araw na ito ay hindi yata para sa akin , kasi hindi na tumitibok ang pagpuso ko sainyo, hindi rin sya nagkukulay red, siguro nasobrahan din kasi ako sa paggamit , Sa may mga trabaho ngayon na umaalis ng bahay ingat po kayo lagi, Magandang umaga po sainyo ..😊 Mga kanoise at kapuso ..πŸ™β€

@RickzAgripa

Buti nalang bumalik na ulit yung pagtibok ng pagpuso ko , kinabahan ako kasi kala ko di na babalik kasi kagabi pa yun 12 hours ata ang inintay ko bago ito gumana ulit .. Pero kahit hindi man gumana yung pagpuso ko sainyo.. Hindi parin tumitigil ang tibok ng puso ko para sa taong mahal ko .. 🀭 Corny , ganon talaga pag walang maisip .. πŸ˜…

@RickzAgripa

Sino kaya ang makaka-jackpot nitong kangkong Na may siling patibong ..πŸ€­πŸ˜… Kung sino man sya, pinagpala sya ..hahaha Ito lang muna ang gagawin naming ulam mamayang gabi , mag aadobo lang kami ng kangkong ..tipid tipid lang muna wala kasing pang adobong karne .. Naalala ko dati dun sa pinagtatrabohan ko may schedule kasi araw2 kong sino ang magluluto , may nakasama kasi ako dati sya yung kasabay ko magluto at pasaway din.. yan yung trip namin lalagyan ng sili yung tangkay ng…

@RickzAgripa

Magandang umaga po sainyo , Late na naman aking gising ..🀭 Ngayon ay araw ng Tuesday , Pero bago mag ingay Ako muna ay magkakape Kaya tingnan nyo rin ang tasa Na aking ginamit mayrong nkalagay na hello kitty ..🀭 Pinagtawan nga ako ng Aking kapatid na babae , Kung bakit daw yan ang aking napili... May tasa din akong sarili , Kaso nakakahiya ng ipakita sainyo kasi may basag na ito ng kaunti Eh kasi nung isang araw ganito nangyri Habang nagnonoise ako nakalimutan kong andun…

@RickzAgripa

Ito nga pala yung gagawin namin na pang ulam para mamayang tanghali , magtuturta kami ng puso ng saging , dito sa amin ang tawag nun "Ukoy" .. Sabi nila saging lang daw ang may puso, baka pagkakain ko nito magpatuloy tuloy na ang pagtibok ng aking pagpuso sainyo .. 😊πŸ₯° Sya nga pala may sasabihin ako , Para ito sa taong mahal ko Sana mabasa nya ito, JOY LATONERO , Sayo lang ang puso ko .. 🀭🀭

@RickzAgripa

Magandang hapon po sainyo, mayron akong kwento 🀭, eh kasi yung girlfriend ko hindi daw sya natuwa dun sa sinabi ko kanina sa post ko at hindi daw sya kinilig , na sa halip ay nainis pa sya sa akin , kasi naunahan ko syang magpost nung puso ng saging .. 🀭 Nagkapareho pa pala kami ng naisip .. ..

@RickzAgripa

Yung kapatid ko may katulong sa pag-check ng sagot sa modules, pero hindi nya natatapos..πŸ˜… Ngayon ko lang nalaman na mayron din pala na kahit may katulong ka , mas lalong natatagalan matapos yung ginagawa ... πŸ€­πŸ˜… Yan po ang aming alaga pangalan nya ay Luna ..

@RickzAgripa

Magandang umaga po sainyo , ngayon ay araw ng myerkules pero parang minamalas na naman ako, dahil sa pagkain ko kahapon ng puso ng saging epektibo nga, dahil dun masyado akong naging mabait , kaya ngayon hindi na naman makapagpuso di na nagkukulay red, hindi ko naman ito inaaboso pero parang alam ko na yung pagkakamali ko.. kasi diba kahit dun sa comment ay may limit dapat medyo mahaba din yung ssabihin natin. Pero kahit maiksi lang pinupusoan ko padin. .sino ba naman ako…

@RickzAgripa

"BARAHA" Noon yan lang po ang libangan namin , hindi pa uso yung mga gadgets, at sa sobrang hirap ng buhay namin noon, wala din kasi kami pambili gaya ng cellphone at mga laroan, pero kahit ganon masaya parin kami kasi may iba pang gingawa kapag naglalaro ng baraha, yung matalo lalagyan ng uling sa mukha, diba ang saya? Hehehe ..kung alam nyo po nyan mglaro gaya ng tong-its , pusoy dos , pero kong dika maronong may mas madali yung tinatawag na ungoy-ungoy .. πŸ€­πŸ˜…

@RickzAgripa

"BARAHA" part 2.. 😁 Ang buhay natin dito sa noise ay maiaalintulad sa baraha , kayo po ang King at Queen. Ako naman yung Joker kasi nga madalas akong mag-joke.🀭 At alam nyo ba kung sino ang alas? Syempre si Noise.cash.. At kaya naman mga heart na baraha ang ipinakita ko sainyo , kasi diba nagpupusoan tayo dito ..😊

@RickzAgripa

Ngayon ko lang napansin na yung cacao namin na tanim , namumulaklak na pala, hehe nakakamis din kumain nito sana madami yung mabuo na bunga .. Alam nyo po ba na yung buto nyan ay ginagawang tsokolate ? .. dito sa amin tinatawag yun na "Kokwa" Kapag madami kaming naiipon na buto ipinagigiling namin iyon at lulutoin lalagyan ng gatas at asukal at ihuhulma ng pabilog , pwedi na rin yun kainin kaso medo mapait nga lang yung lasa,, at kong gusto mo naman yung iniimom , lalagyan…

@RickzAgripa

Tara kain po tayo , nakakamis talagang kumain ng jolibee sa mcdo.. 🀭 Yan po ang kapatid ko buti nalang nagtake out sya .. Hindi kami nagluto ng ulam ngayon kasi heto talaga ang hininhintay ko .. Gutom na gutom na ako favorate ko spicy .. .. πŸ˜‹

@RickzAgripa

Magandang umaga po sainyo, mukhang pagod na pagod na naman pagpuso ko ,hindi na tumitibok ..hehe Pero share kana lang ito , anu po tawag sainyo nitong nasa larawan ? Saamin ang tawag nyan "Sanggot" ginagamit ito sa pagkuha ng nyog para hindi kana umakyat , kawayan ang ginagamit namin ilinilalagay para humaba at para maabot ung kahit na mataas na puno ng nyog .. Yan po pala ay pinagawa ng tatay ng girlfriend ko , kaya mamaya pupunta ako dun sa kanila para ihatid yan .. kaya…

@RickzAgripa

Hi po sainyo andito ako ngayon sa bahay ng gf ko, ,buti nalang hindi sa akin sinubukan kong matalim yung pinagawa na pangkuha ng nyog .. 🀭ngayon lang ako nkapunta kasi kanina wla dito si gf ,pumunta kasi sila ng kaco-teacher nya sa Magallanes tapos Malawmawan,, di man lang ako sinama.. hahah Pero andito na din sya pagdating ko kakarating nya din .. 😊

@RickzAgripa

Hay naku , ang malas naman ng pagpunta ko sa bahay ng gf ko, ginawa pa akong tagaluto .. 🀭 Pero kakaiba ang lutoan nila dito , hindi naman kahoy ang pinapanggatong , kundi yung panit ng palay .. 😊

@RickzAgripa

Ito yung pinagkakaabalahan namin ng tatay ko ngayon ,ako lang yung tagahalo ng semento .. hihi , Para naman daw gumanda ganda din yung bahay namin .. 🀭

@RickzAgripa

Magandang hapon po ,, pahingi naman meryenda nyo dyan kong mayron pa .. hihi , nakatolog kasi ako nakakapagod mag pala-pala at saka pti yung puso ko kanina pagod.na pagod din, pero dahil napagpahinga ako , tumitibok na ulit pagpuso ko .. anu kayang pweding gawin para hindi mapagod .. πŸ˜…

@RickzAgripa

Dahil nga po bumalik na din yung kuryente sa amin , halina kayo at magkantahan tayo , hehe, biglang nagyaya kapatid ko , at yan din una nyang pinili na kanta , bakit kaya .. parang nasa kondisyon kumanta ngayon .. magandang gabi sainyo ,advanced ko na kahit medjo maliwanag pa.. πŸ˜…πŸ€£

@RickzAgripa

Good morning po sainyo.. Happy Sunday .. 🌞 Anu tawag nito sainyo? Dito sa amin ito ay "Linsa" nakita ko lang dito sa may katabi ng bahay namin , ang laki na at mataas pa yan sa tao ,hehehe , lumagpas pa nga yung taas nyan sa kubo .. pwedi din gulayin yung dahon nyan pero yung talbos lang , at yung unod namn pwedi saingin o kya panghalo sa pagluto ng karne ..😊

@RickzAgripa

Magandang hapon sainyo , 😊 Hindi pa sana ako magpopost kasi , hindi ako makakapagpuso sainyo .. tagal bumalik , kanina pa tong umaga .. andito pala ako ngayon sa bukid sa lote namin , ganda ng panahon kaya lang sobrang init , pero dito mo masyado mararamdaman yung init kasi sariwa ang hangin .. Nakikita nyo po ba lahat ng yan? , yung hanggang abot ng camera ko .. pero hindi na po sa amin yan .. 🀭🀭

@RickzAgripa

Mayron po bang ganito sainyo? Ito nga pala yung saging na puro buto ang laman, hehe ang tawag sa amin " Pakul" wala pa kasi hinog kaya diko maipapakita sainyo , sa sunod alng pgmeron na .. haha Kinakain di po yung hinog nyan matamis din kaso tyagaan lang talaga yung pagkain, kasi nga puro buto talaga sya . .

@RickzAgripa

Magandang umaga po sainyo ,, lunes na naman balik trabaho na naman yung may mga trabaho dyan, hehe Ingat po kayo lagi .. πŸ™ Ang laki ng bulaklak nato kaya lang di ko alam yung pangalan nyan , wala kasi ako masyado alam sa mga bulaklak .. 😁

@RickzAgripa

Hello po sainyo , kita nyo yung sa larawan,? Siguro kaunti lang dito sa noise yung pamilyar sa ganyan .. yan po ay isa uri nga damo , masamang damo din yan kasi mahirap patayin .. yung nakikita nyo ay bulaklak ng "Gogon" yun ang tawag dito sa amin .. ewan ko lang kong anu sa tagalog yan .. hahaha Share ko lang sainyo kasi may naalala ako dito nung bata ako nabiktima kasi ako nyan sa mga kalokohan, hindi ko kasi alam nun eh , yung kaibigan ko nun sabi saakin matamis daw yun…

@RickzAgripa

Magandang umaga po sainyo.. Tara magkape muna tayo .. At habang nagkakape may naisip ako .. 🀭 Sa buhay natin may mga katanungan tayong mahirap sagutin , minsan wala ding sagot sa tanong natin ... Tulad nalang ng kung alin ba talaga yung mas matanda .. Manok ba itlog? Pero ang tamang sagot dyan , Kambing ang pinakamatanda kasi may Balbas na .. 😁

@RickzAgripa

May kasabihan tayo.. Magbiro kana sa lasing wag lang sa bagong gising.. Pero luma na yun , ito na ngayon yung bago.. Magbiro kana sa lasing at bagong gising wag lang sa naglalaro ng ML .. Lalo na kapag losestreak mainit ulo nyan kaya wag mong bibiroin baka ikaw yung ma-killings free.. At bigla mong masabi ... first blood .. πŸ˜…πŸ˜‚ Goodnight na po sainyo.. πŸ™ Maraming salamat .. 😊❀

@RickzAgripa

Magandang Umaga po, At habang nagkakape ako.. May kwento ako sainyo.. 🀭 Eh kasi balak ko na magpropose sa girlfriend ko, kaso lang di ko afford bumili ng engagement ring. Mahirap kasi ang buhay ngayon dahil sa pandemic, wala kasi akong trabaho. Umaasa lang ako sa noise.. Pero kahit kapos sa pera tuloy parin ang proposal, gagawan na lang ng paraan.. #Joylatonero you will marry me..hahaha Isuot mo itong Onion Ring..πŸ€­πŸ˜…

@RickzAgripa

Hello po sainyo.. 😊 Grabe ang init ngayon noh? Nagmeryenda naba kayo? May tanim kami dito na "Dragon Fruit " matagal na din ito .. ilang taon kaya ang bibilangin bago magbunga ito? . πŸ€”

@RickzAgripa

Magandang Umaga po sainyo mga kaibigan.. 🌞 Pagbukas ko kay noise hindi ko nakita yung post ng mga solid kong kaibigan dito, akala ko mahirap itong bagong update ni noise, hehe andun lang pala makikita sa logo na N .. Gusto ko din sana gumawa ng channel ko kaya lang hindi daw ako pwedi.. At karamihan siguro sa atin ay namumuroblema dahil sobrang baba ng Bch , pero ok lang yan hintay2 lang tayo , tataas din ulit yan .. 😊

@RickzAgripa

Maiwan ko po muna kayo saglit kasi magluluto na ako , ito yung lulutoin ko pating .. hahaha.. Ay dilis pala , dalawang luto gagawin ko yung iba sa kamatis at saka yung iba naman gagawin kong ukoy.. Bakit po yung iba nakikita ko kapag nagluluto ng dilis inaalis nila yung ulo .. pero kami hindi namin inaalis kasama na yan , hehe ..

@RickzAgripa

Heto na po luto na Pati ulo ng dilis kasama,🀭 Mahal kasi ng kilo ng isda Sayang naman kong itatapon diba? Kaya pwedi ng kumain tara na.. Hindi kasi ako nag almusal kanina.. Kung yung ulo ay di makain Itatabi nalang para sa pusa namin Yung aso kasi namin ayaw nya ng isda Ang gusto nya chicken .. πŸ€£πŸ˜…

@RickzAgripa

Magandang umaga ulit .. 🌞 Gusto nyo ba ng gatas ? Ayan oh marami pero biro lang pintura po yan , hahaha Nakikita ko sa mga post ngayon yung value ng heart anh pinag uusapan , kaya hindi na ako makikisali dyan magpipintura kami ng bahay namin .. πŸ˜…

@RickzAgripa

Makitambay na muna ako dito habang nagpapahinga , nakakapagod din pala magpintura .. hehe Grabe na naman kasi ang init ngayon .. ito nga pala may pagkain ako dito , pwedi kayong kumuha pero tig-iisa lang po kayo hah? πŸ€­πŸ˜…

@RickzAgripa

Magandang umaga po sainyo , 🌞 Ganda ng sikat ng araw ngayon , subukan ko lang magpost ulit tingnan ko kong ok na ba account ko .. Para maging maganda na din araw ko , hehehe Nagbabasakali lang . , hindi din ako masyado nakakapagnoise madami pa kasi akong ginagawa .. Ingat po kayo lagi.. πŸ™

@RickzAgripa

May kasabihan tayo .. "Kapag may tyaga may adobo" Tara kain po tayo ,yan ang ulam namin ngayon adobo sa asin lang para tipid sa rekado , hehehe , Post lang ng post baka sakaling maging ok ulit yung account ko , sa mga kagaya ko matyaga nalang muna tayo kahit mababa ang nakukuha , baka prank lang ito .. πŸ˜…

@RickzAgripa

Mayrong bumisita sa amin ngayong umaga ,tinitingnan ata yung kisami kong maganda na ba o kung tapos na mapinturahan , ang tagal ko makunan ng larawan kasi masyado magalaw, palakad lakad at minsan lumilipad .palipat lipat ng pwesto pero di ko tinigilan na makunan ng medjo maganda.. di ko alam pangalan nito ngayon lang kasi ako nakakita ng ganito .. hehehe

@RickzAgripa

Alam nyo po ba kung ano ang tawag dito? Hinahanap ko sa google pero hindi ko makuha , hehehe .. pero dito sa amin tinatawag yan na "Kurukandila" .. Dati ito yung Ginagamit namin ang dahon nyan na panglagay kapag nasusugatan .. sa mga damohan ito matatagpuan .. yung bulaklak nya maganda din pero maliit lang ..

@RickzAgripa

Kapag wala talag kami maisip na ipang ulam , andito lang sa likod ng bahay namin madami , kaya lang kapag ito lagi nakakasawa naman ,sa mga naghahanap dyan ng pang ulam ngayon punta nalang kayo dito kasi kapag may nanghihingi pinamimigay lang namin ,pwedi itong pangtula o kaya naman pwedi din iluro sa gata .. bihira kami magulay nito kaya humihinog nalang sa puno .. .hehehe

@RickzAgripa

Tara almusal po tayo .. Kala nyo pansit cantoon noh? Pero pansit lang po yan , hehehe , naniniwala ba kayo na pangpahaba daw ng buhay yung pansit ? Pero gagana lang yun kapag yung pagkain mo nyan ay hindi maputol dapat buo yung haba ,bawal nguyain kasi mapuputol , pero hayaan nyo na kasi ako yung sahog lang naman ang gusto ko dyan .. hihihi..

@RickzAgripa

Kainan na naman , kaya't tara na sabay sabay na tayo , Ito ulam namin ngayon ginisang repulyo na may corned beef .. cguro di kayo pamilyar sa ganitong luto .. hehehe

@RickzAgripa

Hello mga kaibigan ,nakaluto na ba kayo? O kaya kung nakakain na ba kayo ? Hehehe Tara kain na po tayo ito ulam namin ngayon gulay na saba tinutungan sa gata yan .. kayo gumagawa ba din ba ng ganito ? .. minsan nga nagluluto kami nyan ginigisa lang yung saba nung nakaraan dito kumain gf ko sa amin pinagtawanan nya kasi yun lang daw ang unang nakakita sya na ginigisa saging .. haha

@RickzAgripa

Thanks god its Friday.. Good morning po sainyo Noisey Friends.. Medyo maulap ngayon ang kalangitan dito sa amin, pero hindi naman masyadong makulimlim at hindi ko alam kong uulan ngayon, kasi naman aki si kuya kim , hehehe, kumusta po kayo? , ako heto tanghali na naman nagising , mayat'maya marami na naman akong gagawin .. Sana ay maging maganda ang araw nyo ngayon ...🌞 Almusal na rin kayo mga kaibigan ..

@RickzAgripa

Magadang hapon po sainyo.. Tara na at meryenda ng kape at saka anu nga ba tawag dito, pancake o cupcake? Bigay lang naman kasi ng mabait naming kapitbahay, sila daw yung gumawa nyan , salamat naman at nakalibre yung aming pangmeryendahan .. hahaha At kahit masyadong mainit ang panahon magkakape pa din ako .. πŸ˜…

@RickzAgripa

Kainan na naman po , kaya halina kayo kong gusto nyo makisalo , hehehe ,ito ang ulam namin ngayon gulay na buto ng langka na may alimango ..luto po sa gata yan ..may halo din yan na kaunting lubi-lubi Nagpost na ako dati nito pero yung hilaw pa .. kaya naman ngayon ipapakita ko naman sainyo yung luto na .. 😊