Good afternoon.. Kong gusto mo din mgpacheck ng ngipin punta kna kasi libre lng naman .. Wag mo lng susubukang pumalag kasi wala ka rin kawala .. ππ π€£
@RickzAgripa in April 2021
Good afternoon .. Alam nyo ba ang pakiramdam ung ang himbing ng tulog mo tapos biglang tatawag girlfriend mo akala mo emergency na .. .. un pala itatanong nya lang kong bakit QR code na ung lumalabas .. π€£ππ
Good morning everyone and friendsπ₯° You know what? Ay wag nalang yan lang kasi ang alam kong english diko na alam ang idudogtong ko.. π πβ Dito lang ako nagkaroon ng talas ng isip sa paggawa ng mga salitang aking ibinabahagi. Di naman ako matalino at kong english na ang pag uusapan .. naku pass ako jan .. π π€£π€£
Good morning .. π₯° Hindi ko man magawang magseryoso sa mga pinupost ko, Wala naman kasi akong talento , na gaya ng ginagawa niyo, Kalokohan lang ang alam ko ... Isa lang naman kasi ang seniseryoso ko, Ung .. TAONG MAHAL KO .. π€π€ππ€ͺ
Good afternoon po sa lahat.. May isishare ako sainyo may mga nakikita kasi akong photography ang pinupost nila. Kaya sinubukan ko rin ito pero sobrang kakaiba ito na nakunan q at tanging ako lamang ang nakagawa .. May nakikita po ba kayo ??.. alam kong wala eh kasi ako lang ang may kakayahan na makita yun .. ππ π€£ Sorry po .. ββββ Be Original lang .. π
Good night everyone Congrats po sa mga binalikan, Sanay di na kayo iwan, Para pagkami naman ang mawalan, Kami naman ang bibigyan .. πββ
Yun , katapos lang magluto Gulay na kalabasa.. π Naniniwala ba kayo na ang kalabasa daw ay pangpalinaw ng mata??. Kong ako ang tatanongin naniniwala ako jan kasi napatunayan ko yan .. Mayron kming pusa mahilig sya sa gulay na kalabasa Ang galing nya humuli ng daga sa gabi.. akalain mo yun gabi tapos madilim pero nahuhuli nya padin .. Ibig sabihin napakalinaw ng mata nya .. Hahahaha
Good afternoon po ..π Nung una pag nag eexplore ako hindi yung post na maganda ang tinitingnan ko kundi ung nagpost .. ππ π€π€ββ Hala lagot ako nito ..π€£
May kasabihan tayo.. Pagbinato ka ng bato Batohin mo ng tinapay Pero dapat may kasamang palaman Kasi lalong magagalit yan .. At Samahan mo na rin ng kape Para sulit .. π€£ Magandang Umaga po sainyong lahat .
Pasensya na kayo mga kaibigan , Kung ang post ko ngayon ay hindi nyo magustohan, Wala kasi akong maisip kundi iyon lamang.. Sana naman inyong maintindihan Mahirap maging original Alam nyo naman siguro yan ..π
Good morning everyone.. Kumusta? Anu ba ang almusal nyo jan.. Baka pweding makahingi naman Wala kasi kaming pambili ng ganyan, O kaya ay pautang nalang .. Beke Nemen ... π π€£π€£π€£ Happy Sunday po .. π₯°
Hilaw na mangga .. Hindi na to mahihinog Kasi kinuha ko na .π€£ Ikaw gusto mo rin ba? .. Sige umakyat ka din Marami pa doon sa kapitbahay namin .. π
"Gitara" Ito ang aking libangan sa tuwing wala akong ginawa.. Medyo luma na po yan pero maayos pa namanπ Simula pa ng bata ako hilig ko na talaga ang pagtugtog ng gitara at pagkanta na din ..π€pero pag tinatamad ako yung fingerstyle nalang tinutugtog ko ..sa maga maronong jan magitara alam yun kong anu un .. hehe At ang mga magulang ko at kapatid naman lahat din sila marunong kumanta kaya may pinagmanahan .. π
Kung marami kayo ngayon naiisip na ipost Wag nyo ng damihan Kasi ngayon hindi na ito paramihan Ung iba sa sunod na araw reserba nyo na lng May mapost lang na magandang content Ok na yan ... ππ Gandang hapon po .. π
Ang taong Maarti Yan ang madalas nagkakaroon ng alergy.. Pero ang alergy pangmayaman lang yan Kapag mahirap ka lng ... Kurikong ang tawag jan .. π π€£ Naisip ko lang bakit kaya ung mga taong pagala-gala sa lansangan parang hindi sila nagkakasakit eh kahit na ung kinakain nila ay kinukuha lang sa mga basurahan .. π€π€
Alam nyo ba kung bakit tagalog lang yung mga post ko? Kasi po yan lang talaga ang kaya ko..π Kaya wag na kayong mag-expect na mag eenglish ako. Eh minsan nga may mga salita na nahihirapan pa akong magtagalog ..π€ Oo mayrong nga jan google na pwedi tayong magtranslate pero ayaw ko kasi parang copy paste na din ang tawag dun .. Kahit pa nga gf ko at kapatid ko ay isang guro pero hindi ako nagpapaturo .. π
Minsan panapanahon din ang isip ng tao, May mga araw na maraming tayong naiisip na ipost Minsan wala at minsan din kaunti .. Tulad ko ngayon isa lang ang naiisip ko Alam nyo ba kung anu? Pero ang tamang tanong ay kong sino.. Kaya sasagutin ko kayo Sasabihin ko na sainyo.. π€ Syempre walang iba kundi . . . . Yung Taong laging nagpapasaya sa akin At mahal na mahal ko rin Alam ko ganon din sya sakin .. π
Ang gandang tingnan na may nakikita tayong kulay green dun sa mga comment sa atin.. Pero nakakahiya din minsan na may magkocomment na mas mahaba pa dun sa post natin .. π π€£ββ
Ayan lumalakas na naman ang ulan Sa wakas makakaligo na ako nyan Hindi kasi ako nakaligo ng isang buwan Eh kasi nga ngayon lang ulit umulan Oh bakit ang seryoso nyo naman Ako ay nagbibiro lang Para kayo ay matuwa naman Sa mga may problema Tawanan nyo nalang yan Kasi pwedi natin yan masolusyonan Kung hindi kayo natutuwa Bahala kayo dyan .. π€£π ββ
At dahil wala po ako ngayong maisip , ito ang aking naisip ..π€π€ Kung gagawa ako ng tinapay tatawagin ko itong "Pandemic" para maiba naman kasi mayron na tayo jan ,pandesal, pan de coco , pan de monggo at mayron pa atang pan de reglaπ€ narinig ko lang yun sa kanila.. Kaya yan po di ba kakaibang tinapay "Pan de mic " ang pangalan .. π€£ββ
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape Sa matitigas ang ulo pwedi cguro yan Pero wag nalang kasi di lalambot ulo nyan Ang mangyayari dyan , makakalbo na yan Pero ok din naman Kasi mawawalan na sya ng kuto Makakatipid pa sa shampoo At di na rin kailangang manuklay .. π€ Good morning po sainyo...π Happy weekend ..
Minsan yung taong inaakala nating mabait ay yun pala ang masama.. At yung mga taong malalapit sa atin ay yun pa ang magiging kaaway natin... buti pa yung mortal mong kaaway nalang ang kaibiganin mo pag nagkasundo kayo di mo inaasahan na sya pa pala yung magiging totoong kaibigan at karamay mo..
Teka nga, sandali lang mga kaibigan Pwedi ba tayong magkaliwanagan Anu ba itong aking nababalitaan Na sa mga post ko daw kayo'y nakokornehan Pero ito lang masasabi ko dyan Eh ano naman .. Pinaghirapan ko naman yan Maron nga yung iba dyan Copy paste lang naman . . . Paalala lang po mga kaibigan Wag nyo sanang seseryosohin yan Dahil ito ay katuwaan lang "ORIGINAL CONTENT "ang kailangan .. Maraming salamat po.. Good afternoon.. π
Ang buhay ng tao ay iisa lng Kaya't ating pagkaingatan Upang maging malayo sa kapahamakan Ganon din sa pag ibig Kung magmamahal tayo Dapat sa isang tao lang Hindi yung maramihan Kasi ikaw din ang mahihirapan Sa gawaing ganyan Ay pweding mawala ang lahat ng yan Baka paggising mo, nag iisa kana lang Kaya kung ayaw mo na Sabihin mo at iwan mo nalang Kaunting paalala lang Di bali ng palitan at iwan Basta wag mo lang dadagdagan.. π Mga loyal ... Mag-ingay ..π€
At dahil maaga kami ngayon nakaisip magluto , magugulay kasi kami ng talbos ng kamoteng kahoy.. Pagbitak ko ng niyog yan ang nakita ko kaya pinicturan ko na din .. ang tawag samin nyan ay ampol.. kaso maliit pa yan pero matamis kainin pag ganyan .. πkumakain din po ba kayo nyan??
Ang kasabihan"ang pagsi-sisi ay laging nasa huli" Pero alam nyo ba na may nagsi-sisi din na nasa unahan.. Yung bumili ng kalabaw hila hila nya ito pauwi sa kanila at nagsisi sya kung bakit pa nya binili eh ang payat payat at saka kulang na yung ngipin .. yun po may nagsi-sisi din na nasa unahan kasi paghila mo syempre sa unahan ka dba? .. π€π π€£ Good morning po .. π
At dahil wala akong maisip na ipost ngayon ,pumunta ako ng bundok para maghanap na makukunan ng larawan .. kaya ito nga may nakita ako , di ko lang alam ang ibang tawag ditoπ€.. dito sa amin tinatawag itong "milipili" kasi yung dahon nito ang amoy nya parang pili ..π #wildflower
Dahil nga po mahirap talaga mag isip ng ippost kaya ito mayron akong nakareserba para sa araw na ito.. π€#wildflower Wild sage , koronitas o lantana sa filipino at may isa pang tawag dyan pero wag nalang kasi hindi mgandang pakinggan .. π€ Dito sa amin tawag jan Asin-Asin .. Dati ang bunga nyan pinaglalaroan namin ilalagay dun ung sa ballpen at saka iniihipan medyo masakit din kong makatamaπ€£
Nung nakaraan may nakita akong post sinisiraan nya ang site na ito siguro dahil qr na sya at walang natatanggap .. pero sa katunayan po wala naman talaga tayong karapatan para magriklamo kasi wala naman tayong puhunan dito .. ito ay libre lang naman diba po? At sa mga na qqr na ok naman ung post ganon talaga sadyang meron lang na hindi marunong kung paanu gamitin yung pagrarate .. pasensya na po kung may magalit dito sa sinabi ko .. pero yan ang totoo ..
Hi po sainyo mayron akong kwento ..π€ May napuntahan na din kasi akong malayong lugar gaya ng Pangasinan , Ilocos o Vigan , pero sa Pampanga ako mas natuwa kasi dun sa kanila ay kakaiba, kasi alam nyo ba yung baon ko na itlog nun pagdating ko dun biglang naging ibon .. π€π π€£