Oct. 22 2021 Ito yun araw na isinilang ko ang pangalawang anak ko. Nun pumutok ang panubigan ko kalma akong pumunta ng hospital mag isa. Yes mag isa lang akong bumiyahe habang may tumutulo sa akin binti. Hindi kasi ako nagpasama sa jowa ko kasi mas iniisip ko yun anak kong panganay na nasa school. Pinasundo ko muna at sinabi ko na sumunod nalang sa akin sa hospital. At sa awa naman ni Lord wala naman anoman nangyare sa akin. Nairaos ko ang akin pangalawa via cs section. Bakit cessarian kasi dahil delikado na ang bata sa akin tiyan dahil nauubos na ang panubigan ko pero ayaw pa din bumababa ng bata. Kaya nag pasya ako na hiwain ako. At ngayon 9yrs old na siya, makulit at matanong na bata. Hindi ko masabing matalino pero masipag mag mag aral. Sana lang mabawasan ang pagiging makulit. Hahaha Happy birthday sa anak ko. Mahal na mahal ko kayo. Kayo ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Lalo na mga experience ko kung paano ko kayo nilabas sa mundong ito. Sana magpakabait ka at pagpatuloy mo lang ang pagiging malambing mo sa amin. God bless you anak!
No comments yet