read.cash Log in
@Reysky more from that month

Rest In Peace Lola Ising, hanggan ganito nalang kita masisilip kasi malayo ka na. Sana dalhin ang abo mo dito sa lugar natin. Nandito kasi mga kaibigan at mga apo na tinuring mo na. Nakakalungkot isipin na sa ganyan sitwasyon na kita makikita. Ang huling kita natin nun nang hingi ako ng malunggay kasi magluluto ako ng monggo. At pagkaluto ng monggo ko naghatid din ako sa bahay niyo dahil alam ko bihira lang kayo makakain ng monggo. La, malapit na kaming lumipat sayang lang at hindi mo na kami na antay. Wala na akong kapit bahay, wala na akong tatawagin lola kapag sumilip ako sa bahay nyo. La, salamat sa mga tinuro mo sa akin. Marami din ako natutunan sa inyo. Yan La hindi ka na din pinahirapan, diba sabi mo kung mamatay ka gusto mo tulog ka, yan La inatake ka ng tulog at hindi ka na nagising. Pero umasa pa din kami na makakarecover ka pero wala na bumigay ka na din. Wala ka ng iisipin La, hindi ka na mag iisip kung saan ka kukuha ng pambili ng gamot mo, hindi mo na din iisipin kung ano ipapakain sa anak mo na dapat hindi mo na iniisip yun dahil may sariling pamilya na siya. Yan La hindu ka na mahihirapan at malulungkot kasi magkasama na kayo ni Lolo Doy! Siguro nga siya pa sumundo sayo. Hays! Biglaan naman kasi La! Ikamusta mo nalang din ako sa tatay ko kung sakaling magkikita kayo sa kabilang mundo. Hanggan sa muli La, mamimiss kita lalo na mga luto mo. We miss you!!!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.