Paggising ko may bitbit ng burger at fries ang jowa ko at masaklap gcash ko ang pinangbayad. Magaling magaling magaling. Bawasan ko daw laman ng gcash ko haha. Masyado na daw marami, may pinag iipunan kasi ako dahil malapit na ang Pasko. Gusto ko kasing pamaskuhan ang nanay ko para makabawi naman ako sa taon na pag aaruga at pagmamahal niya sa akin. Sayang lang wala na ang tatay ko hindi ko na siya maabutan. Speaking of tatay hindi ko pala siya madadalaw ngayon mag uundas kasi bawal baka pagtapos na ng nov 1 tsaka ako punta. Mag bibike lang ako para maexercise na din ako.. Tara kain tayo guys!
No comments yet