Maulan na umaga sa lahat! Hindi makalabas ng bahay dahil maulan bibili pa naman ako ng uulamin namin para ngayon tanghalian. May lakad din sana kami ng panganay ko kasi ikukuha ko siya ng NBI para macomplete ko na yun hinahanap ng embassy sa kanya. Kapag 16 yrs old na kasi ang embaassy naghahanap na sila NBI. Inabot na din kasu ang panganay ko. Dati kasi nun nag aayos kami 14 palang siya, eh inabot ng oandemic kaya lahat nagsara. Pahirapan din kaming kumuha ng passport non dahil sarado ang lahat dahil nag lock down. Buti nalang may kakilala tita ko na tumulong sa amin para makakuha ng slot. Sa ngayon ok na ang lahat NBI nalang ng anak ko ang hinanap. At mapopostpone pa nga dahil maulan. Kumuha na din ako sa online at nakapagbayad na din. Sana matapos na ang pandemic na ito para makalakad na din sila. Para dun nalang nila ituloy ang pagaaral nila. Napachika pa tuloy ako. Yun ulan kasi hahaha! Good morning Guys!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet