Yung nakatulog na ako pero yun pinapatulog ko gising pa din. Haha Nagising na nga lang ako sa malakas na ulan. Naisip ko kasi yun uniform ng jowa ko, baka mabasa ulit. Masaklap yun ginagawang bahay sa kabila nabutas ang alulod sa may terrace namin. Kaya ayun nagbaha. Nakakainis lang, imbis na hayahay ako eto mag lilimas ng tubig sa terrace. Meryenda time na din. Pero dahil maulan, wala din dumadaan na meryenda. Luto nalang pansit canton para sa meryenda.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet