read.cash Log in
@Reysky

@Reysky in July 2022

@Reysky

Magluluto na ako ng pearl kasi naubos ang pearl ko kahapon. Dinamihan ko na para kung sakaling marami bibili di ako aligaga ulit sa pagluluto. Tapos niyan ulam naman namin ang lulutuin ko. Sinabay ko na lat non namili ako sa palengke. Para isang lakaran nalang. Mamaya ulit update ko kayo oag naluto na ang pearl ko.

@Reysky

Healthy living muna tayo ngayon. Vegetable salad muna ako ngayon. Iwas muna sa mamantikang pagkain. Bukas nalang ulit babawi ng mamantika haha. Natripan ko lang ngayon kumain niyan. Para maiba naman aking makain. Malamang mamayang gabi baka mamantikaan ang kakain kasi baka makalibre ulit sa kapit bahay.

@Reysky

Halos dito na nakatira sa amin yan aso na yan. Dito nakikikain. Sinasaluhan ng ang mga pusa. Inabandona na ata yan ng may ari kasi palaboy laboy nalang siya. Kung kaya ko lang mag ampon why not pero sa ngayon kaya ko lang siya pakainin dito sa labas. Tsaka marami naman siya masisilungan dito. Nakameryenda na ba kayo. Ako hindi pa. Nagugutom na nga ako eh hehe

@Reysky

Antok na ako kaso bawal pa matulog. Pag ganitong oras kasi kinakausap ko ang mister ko na nasa work. Tinatanong ko kung kumain na ba. Marami bang gawa. Kung kamusta siya. Ayun! Kahit wala ng mapag usapan kinakausap ko pa din. Ewan ko ba sakit ng ulo ko, kanina pa to uminom lang ako gamot kanina kaya nawala. Nawala na ata ang talab at ito na naman masakit na naman. Magpapaalam na din akong matutulog na kasi talagang napapapikit na mata ko.

@Reysky

Good morning! Kanina pa akong gising pero ngayon lang nakahawak ng cp. Naglinis na kasi ako ng bahay, pati na din yun kinalat ng mga aso sa labas na basura. Tinumamba kasi nila ang basurahan ko, wala naman silang makakain dun dahil binibigay ko naman sa kanila. Siguro may na aamoy sila kaya akala nila kapag tinumba nila yun may makukuha sila. Nakapag almusal na din ako. Kasu ginutom ako sa paglilinis. Sa ngayon nag iisip ako kung maglalaba ba ako o hindi. ?????

@Reysky

Namulaklak na ulit yun damo ko. Mag iisang taon ko na din siyang alaga. Akala ko di na siya mamumulaklak pero ayan namukadkad na. Ngayon ko lanh napansin. Wag sanang mapapansin ng mga bata baka mapigtas nila. Yan lang ang halaman ko na namumulaklak kaya iniingatan ko yan. Yun iba kasi namatay at tuluyan nasira kasi napabayaan ko nun kasagdagan na malungkot ako. Maganda din palang ipandilig ang natunaw na yelo. Nabubuhay silang maganda. Ayun na share ko lang. Nag iisip ng…

@Reysky

Nakasampay na din ng puti. Bukas na yun decolor, ay sa monday na pala kasi may lakad kami bukas. Pupunta kami sa lupa ng tiyahin ng mister ko. Pinalilinis niya ito. Malapit na din sa tagaytay ang lupa. Balak na din ibenta para wala na daw siyang iitindihin. Nasa ibang bansa kasu ang tiyahin at hindi na maasikaso. Meryenda time na. Nakakain na ako ng siopao bumili ako sa labas. Mahina ang bentahan ngayon kasi di malaan ang panahon. Uulan ba o aaraw. Haha

@Reysky

Ayan na nga! May bata na nga na bumunot ng bulaklak ko 😭 Kakasabi ko lang kanina pagsilip ko ayan na nga! Kabadtrip eh! Meron pa naman isa na mamumukadkad. Sana lang talaga di na siya bunutin. Huhu!

@Reysky

Good night mga sis! Sleeping time na. Maaga aalis bukas, para maaga din makabalik para makapag bukas pa ng munting milkshake ko. Maganda ang ang income ko ngayon kaya hindi na masama. Thanks you lord lagi mo ako binibigyan ng costumer. Kahit maulan mabenta pa din. Di pa ako nakakaligo pero maliligo na ako, may gumamit lang kasi ng cr. Kaya nagpost muna ako kasi baka mamaya pag katapos ko maligo ayun tulog agad. Hehe good night and thank You Lord. 🙏

@Reysky

Good morning! Kape muna tayo guys! Maaga gumising kasi may lakad kami. Sana makauwi ng maaga para makapagtinda mamaya. Sayang ang kita! Marami pa naman tao ngayon kasi may 2 day league dito sa lugar naman. Syempre marami ang dadayo at madadaanan ang tinda ko. Hehe Breafast na kayo. Sabayan nyo akong magkape.

@Reysky

Kakauwi lang namin galing sa lupa ng tiyahin ng asawa ko. Sobrang masukal na, ang hahaba ng talahib at tinambakan ng kung ano anong basura ang lupa na iyon kahit na may bakod at gate. Ang masama yung gate non, mukang ninakaw at pinalitan ng plywood. Hindi kasi napupuntahan dahil nasa ibang ang may ari. At ang mister ko ang nautusan na puntahan at patabasan ang kanyan lupa. Yung nasa picture bilihan ng mga halaman yan. Actually marami niyan doon. Ang gaganda! Parang…

@Reysky

Hapunan na! Hindi na nakapagluto kasi nanood kami ng basket ball dito sa amin. Tapos na dib kaming kumain. Babalik kami dun para manood ulit..

@Reysky

Monday! Madaming trabaho! Pero wala pa ako sa mood kumilos. Gusto ko pang matulog. Iidlip muna ulit ako para magkaroon ng lakas. Talaga inaantok pa ako. Anong oras na din kasi natulog kaya iba pakiramdam ko. Nanoon kami basketball kagabi at habang breaktime, nagkaroon sil ang palaro. Tatlo free trow! Hinila ako para ako naman daw mag shoot sabi ko ayaw ko. Sabi sakin sayang may premyo na 300 ayun! Nag try ako. Unang shoot wala! Pangalawa at pangatlo boom! Nashoot ko kaya…

@Reysky

Ito yun mga nadaanan kong bulaklak non nagpunta kami sa Silang. Hindi lang ito ang makikita mo marami pa. Bilihan kasi dito ng mga halaman. Ibat ibang halaman. Marami kang pag pipilian. Tanghalian na pero heto ako busy pa din nasakit na tiyan ko sa gutom kaya kakain muna ako. Tara kain tayo guys! Adobong manok nga pala ang ulam namin.

@Reysky

Hina ng benta ko ngayon. Parang walang tao kanina. Pero ok lang! Kasi may naliligaw na pailan ilan. Kesa sa walang benta diba! Di pa naman din zero. Tapos na kami mag dinner, tapos na din akong maghugas ng plato, nalinis ko na din ang amin kwarto, itong sala nalang ang di ko nalilinis kasi di na nawalan ng naglalaro. Haha Maulan man o maaraw basta bukas ang bahay namin may batang dadayo para makipaglaro sa anak ko. Ayun! Pinagod ko na lang ang sarili ko sa paglilinis ng…

@Reysky

Good morning! Kakauwi lang galing sa paghatid sa mister ko. Sayang hindi ako nakapagdala ng pera para makabili ng pang almusal. Kape nalang. Bibili ako sa tindahan. Lalabas saglit para makapaglakad lakad. Bagong update na din pala sa gcash, mas ok siya ngayon kesa sa dati. Wlaa lang na share ko lang.

@Reysky

Ginisang toge ang amin ulam ngayon. Nag prito na din ako ng isda. Para sa mga bata. Nakakaumay na din kasi ang fried chicken. Kaya naghanap ako sa palengke na mejo mura mura na isda at hinati hati ko. Di naman kasi nila mauubos ang isang buo kaya hinati ko nalang. Kain tayo guys! Di ko na tatanungin mga ulam nyo makikita ko din naman mga post nyo hehe

@Reysky

Good night mga kaingay! Antok much na ako! Ngayon lang ulit nakapag noise. Di makagamit ng cp kasi gamit ng bunso ko. Nasira kasi ang cp niya kaya ito ang ginagamit niya. Tulog na ako, bukas ng umaga nalang ulit. Sweet dream sa mga matutulog na.! Pray muna bago matulog.

@Reysky

Magandang umaga! Ang aga ko nagising noh! Hehe! Ganitong oras talaga ako nagigising kasi nagpeprepare ako ng almusal at baon ng mister ko. Pang umaga kasi siya ngayon. Kaya dapat maaga ang gising. Magdamag ata nakatambay sa amin ang mga tambay dito sa gabi. Anong oras na di pa din sila natutulog. Ginawa nilang tambayan ang akin tindahan sa gabi plaibhasa di sila mababasa dahil may malaking tent. Ok lang din naman tumambay sila jan kasi parang may gwardiya kami. Kilala naman…

@Reysky

Open na ang milkshake ko! Ganitong oras talaga ako nagbubukas. Kasi may nag request na agahan ko daw. Kaya inaagahan ko. Minsan nga 9am palang may gusto ng bumili kaso syempre may gawain muna akong tinatapos bago ako mag bukas. May araw na matumal may araw na mabili pero ganun pa man hindi ako na zezero.! Yun ang mahalaga. Tanghalian na. Wala pa akong luto kasi wala ako sa mood magluto at wala pa sahod ang mister ko. Di kasi ako nakuha sa naiipon ko sa tindahan ko. Gusto ko…

@Reysky

Magsasampay naman ako ngayon. Wala na kasing ggaamitin na towel ang mister ko kaya naglaba ako ng puti kahit konti palang sila. Kailangan niya kasi yan pang lagay niya sa likod niya. Nagtatago na naman ang mga tao sa kani kanilang bahay. Tahimik kasi haha!

@Reysky

So tahimik ng amin kalye! Motor at trike lang ang dumadaan. Feeling my lockdown tuloy dito kasi wala talagang nadaan na tao. Haha Maganda naman ang panahon. Hindi mainit hindi din maulan. Makulimlim naman pero bakit ganun walang tao. Haha Nagmeryenda nga pala ako ng pancit na bigay ng kaharap bahay namin. O diba nakalibre pa. Hehe

@Reysky

Aattend kami ng praktis ng recognition ng anak ko. Dahil bukas recognition na niya. Di ko alam kung anong award meron ang anak basta ang alam ko kasama siya sa recognition dahil nag chat ang teacher niya sa akin. Hindi ko naman iniexpect na mapapasama siya kasi sa totoo lang mula pumasok ang 3rd and 4 th napabayaan ko na siya. Dahil nagkaroon ako ng matinding problema na di ko alam paano ko isosolve. Pero sa ngayon ok na ako. Bahala na si Lord sa akin, sa amin. Susunod…

@Reysky

Magandang umaga! Ang aga ng recognition ng anak ko! 7 am ang start dapat 6:45 am nandun. Hirap pa naman gisingin ng mga anak ko. Nagluluto na ako babaunin ng mister ko at magluluto na din ako ng aalmusalin ng mga bata. Kahit hindi pwede ang maliit na bata sa school no choice pa din ako kasi wala akong oag iiwanan. Waka naman akong kasama sa bahay kundi mga anak ko. Bahala na kung ano ang kahibinatnan. Haha

@Reysky

Congrats anak! Di ko inaasahan na mapapasama ka sa mga batang may karangalan. Kasu mula nun 3rd and 4th grading hindi na kita naasikaso. Pero ito nakaya mo ng mag isa. Malaki ka na talaga. Bukas makalawa, dalaga ka na. Parang kailan lang. Sobrang iyakin mo haha! Pero anak proud ako sayo. Tuloy tuloy mo lang yan anak. Sobrang pinasaya mo si mama. Lalo akong magpupursige kahit na batuhin pa ako ng sama ng loob basta makita ko lang kayo. Masaya na ako. Kayo ang dahilan kung…

@Reysky

Nag aya na kumain sa labas ang mister ko para icelebrate ang nakuhang award ng anak namin. Kasi hindi talaga namin inaasahan na mapapasama siya na mabigyan ng karangalan. Ayun unli rice ang napuntahan namin na tapsihan. Pero impernes mapaparami ka talaga ng rice dahil ang sarap ng kanilang foods. Hindi ka titipirin sa kanin basta kaya mo may nakahanda na sila. Hindi ka na hihingi pa ng rice may nakaabang na. Hindi na ako nagpangalawa dahil ang rice ko parang 2 cups na. Ang…

@Reysky

Gising na naman ng maaga, parang kulang pa din ang tulog ko. Gusto kong matulog ng matulog pero hindi pwede dahil may obligation sa umaga na magluto ng almusal at babaunin ng mister ko. Yung gusto kong makipagkwentuhan dito. Di ko magawa kasi halos di ko mahawakan ang cp ko. Minsan nga yung mga comment di ko na nasasagot. Haha! Parang gusto ko ng break! Kung ba ga sa trabaho rest day. Paano kaya sa isang ina na magkaroon ng isang rest day. Yung wala kang iintindihin, yung…

@Reysky

Ulam for today ginisang repolyo na may tofu! Gulay gulay muna tayo ngayon at hinahighblood na sa mga kinakain. Favorite ko yan lutuin ang repolyo ewan ko ba sarap na sarap ako jan. Di ko yan masyadong inoover cook para manatili ang crunchy niya. Tara kain na tayo at akoy gutom na.!!

@Reysky

Kape muna para mawala ang antok. Hapon na naman at ito antok na antok na ako. Pero hindi pwede matulog dahil baka matulog din ang milkyshake ko. Hehe.. Kaya ito mgakape muna para mawala ang antok.

@Reysky

May pusang naligaw dito sa amin at ang amo niya. Halos dito na siya natutulog sa terrace namin. hinahayaan ko lang dahil lucky charm ko ang pusa. Wag lang mapapansin ng mister ko dahil ayaw niya sa hayop. Ang cute din ng eyes niya isang green at blue. Gusto kong ampunin kaso problema ko talaga yun mister ko. Kaya pinapakain ko nalang sa labas. Tapos hinahayaan ko matulog dito. Maayos naman dito sa terrace hindi siya mababasa kapag umulan. Mas masarap pa talaga tumambay dito.…

@Reysky

Yung gusto mong mag bike pero late ka na nagising kasi parang naghahabol ka tulog dahil masarap ang matulog. Malamig din kasi sa gabi at hangan ngayon. Mamaya mainit na kahit makulimlim. Nagkasabay din mag breakfast with my Mister. Day off niya kasi ngayon. At ito nag iisip ng maiuulam ngayon tanghalian. Feeling ko kulang pa din ako sa pahinga. Parang gusto kong mag day off pero walang day off ang isang tulad ko. Haha Ngayon palang nag iisip na ako kung ano ang uunahin ko.…

@Reysky

Umaga palang pawisan at pagod na. Sana maaga kong matapos ang gawain bahay ngayon para mamaya habang nagbabantay sa tindahan nakakarelax naman kahit papaano. Ang aga kasi mang gising ng mister ko. Sanay kasing gumising ng maaga. Ako naman hanggat may oras itutulog ko. Gusto ko din kasing magpahinga. Nakakapagod din kaya ang gawain bahay at plus pa yun may pagsaway saway sa mga bata. Nakasalang na din ng labahin bahala na paano pagsasabay sabayin hahha.

@Reysky

Salamat at nakapos na sa gawain. Tapos na din mag sampay. Nakakain na ng lunch at nakapaghugas na ng plati. Time to relaxs naman habang nakaupo dito sa tindahan. Gatang tulingan nga pala ang amin lunch at napadami ang kain ko dahil sobrang gutom na din. Iidlip muna ako para mawala ang akin pagod.

@Reysky

After ng recognition ni Ate dumaan kami kay jollibee. Natuwa ako sa bunso ko nun nakita niya si jollibee niyakap niya at nag sabi picture daw kaya pinagbigyan ko ang kanyan gusto. Nitreat ko si ate at bunso dahil sa kanyan nakuhang award. Tsaka minsan lang din naman makakain kay jollibee kaya pinagbigyan ko na.

@Reysky

Baon ni mister pork steak! Maaga na naman tayo nagising, actually kanina pa gising ngayon lang natapos magluto ng babaunin niya. Feeling ko antok pa din ako! Kanina noon nag alarm ang cp ko akala ko panaginip lang. Natulog pa ulit ako. Naalimpungatan lang ako non tinapik ako ng asawa ko dun ko na isip na monday na nga palaz may pasok na pala siya haha!

@Reysky

Kilos na at sasabak na naman ako sa mga gawain. Ngaluluto muna ako ng pearl para sa akin paninda na milk shake. Nag iisip ako na idagdag sa business ko. Ang fried noodles. Sa palagay nyo mga kanoise ok kaya ang fried noodles na ibusiness..???

@Reysky

Akala nyo ice cream noh! Cake po yan! Bigay ng kaharap bahay namin. Ang dami nga eh. Siksik sa lalagyanan ng icecream. Marami kaming uubusin ng bunso ko. Kami dalawa lang kasi ang mahilig sa cake. Baka sa makalawa pa namin maubos to ng bunso ko hehehe

@Reysky

May gising na ba jan! Ano ito nagluluto na ng ulam na babaunin ng mister ko. Friedchicken ang naisip ko para madali lang lutuin. Antok pa ako at gusto ko pang matulog. Di ko talaga trip na pang umaga ang mister ko kasi ang aga kong magising. Mas maige pang gabi siya haha. Pag alis niya iidlip ako para makabawi pa ng tulog kahit papaano.

@Reysky

Pag alis ng mister ko naidlip ako. Kasi talagang antok na antok ako kanina. Ngayon lang ako nagising sa pagkakaidlip ko. Nag init muna ako ng tubig para makapagkape ng magising gising naman ako. Sa totoo feeling ko kulang pa din. Ewan ko ba antok na antok ako. Di ko na maintindihan ang sarili ko. Di naman ako buntis. Kasi malabo ng mangyare. Haha. Assuming ang lola nyo. Talagang malabo na kasi ligate na ang lola nyo haha..

@Reysky

Nabili namin sa halagang 7500 ang ibike. Kaso mahina na ang battery at mahina ang break. Bibilhan pa namin ng battery at ipapaayos ang break. Magkano kaya ang mauubos haha. Sayang kasi nakatengga lang sa bahay nila at kinakalawan kaya nun inalok samin binili na namin. Maayos pa naman ang batery at break ang problema. Kasi ginagamit gamit ko dito sa loob mg subdivision. Kaya din namin binili dahil sa patuloy na pagtaas ng diesel. Pero nag roll back nadin naman pero mataas pa…

@Reysky

Makulimlim na naman ang panahon ngayon. Kaya pati ang milkshake ko, makulimlim din ang kita. Hahaha Pero ok lang basta wag lang mazero. Mahirap kasi kapag walang bumili lugi sa yelo. Yun yelo kasi binibili ko ng crash, kesa sa ako pa ang mag crash at wala din akong pnag crash. Pag nakaipon mula sa akin benta baka bumili nalang ako at gagawa ng maraming yelo. Para di na ako aalis pa para bumili ng crash ice. Meryenda na pero parang walang gusto mag meryenda haha

@Reysky

Good night! Makakahiga na din sa malambot kong kama. Grabe pagod ko ngayon. Sakit ng balakang ko. Tapos bukas maaga pa gigising. Hooo! Nag iisip din ng uulamin ni mister para bukas. Dami na pumapasok sa utak ko di kaya bumigay ito haha.. Anyway, mag sleep na ako at talagang gusto ko ng magpahinga. Pagod na ang katawang lupa ko. Bukas nalang ulit pag gising ko. Good night and sweet dream sa mga katulad ko matutulog na. Wala nga pala connection yun pusa sa pagka antok ko.…

@Reysky

Gising na naman ng maaga tapos later tulog ulit kahit 1hour lang. Kailangan lang talaga magluto ng babaunin ni mister para makatipid. Mahal daw kasi ang ulam sa canteen nila kaya pinagbabaon ko nalang.. Pinagprito ko nalang ng pork at nag gisa ako ng gulay na kalabasa para kahit papaano may gulay siya. Maya maya kapag nakabihis na siya ihahatid ko naman siya sa sakayan. Mahal din kasi ang pamasahe sa trisicle kaya kahit sa kanto sa may sakayan ng jeep dun ko siya ihahatid.…

@Reysky

Ito na yun kita ko sa pag shashake. Konti palang pero dadami din yan kasi wala pa naman akong isang buwan. Balak kong galawin yan kapag december na. Pwera pa yun mga buo na naipon ko. Nasa plastic lang nakalagay! Hindi kasi ako nakuha jan ng pambili ng foods sabi nh mister ko ipunin ko daw. Kaya ito ang ginagawa ko. Hiwalay ang barya sa buo.. Basta may tiyaga may maiipon.! Heheh

@Reysky

Paano naman may bibili sa akin kung may tulog na pusa sa ilalim ng mesa ko hahaa. Talaga tong si muning jan pa natulog pwede naman sa loob. Haha. Mainit kasi at tirik ang araw kaya tamad mga tao lumabas ng bahay para lumabas. Pero ok lang yan malay natin mamayang hapon kaoag di na mainit ang kalye. Hehe

@Reysky

Good morning! Inaantok na ako! Kasi kanina pa akong 3:30 gising! Pero bawal muna matulog at may gagawin pa ako. Mgalalaba na ako ngayon para pag nagbukas ako ng tindahan hindi ako aligaga kung ano ang una kong gagawin. Papahinga nalang ako kapag walang bumili kasi kadalasan mga 2 to 3 pm walang nabili yan ang oras ng pahinga ko mamaya.. hehe Lagi kasi nag papacute sa akin ayan sa akin na nga nakatira. May tiga bantay na ako kung may papasok na daga. Hehe

@Reysky

Binili ko sa friend ko sa halagang 50 pesos. Sisig rice! Ito ang lunch ko ngayon. kanina pa ako naglalaway dito. Niluluto pa lang nabili na ako. Haha! Syempre support din sa business niya. Tapos syempre post ko dito at sa fb. Kilala naman siya dito at talaga naman maraming nabili sa kanya.. meron din siyang tindang shawarma rice mami na may siomai. Haha. Masasarap ang tinda niya promise.

@Reysky

Rest time na! Buti nalang may benta ako ngayon kasi mula nun nagbukas ako wala talagang bumili. Dahil biglang umulan may kasama pang kulog at kidlat. Natatakot pa naman ako kapag may kidlat. Hindi ka pa naman sasantuhin nyan kapag timaan ka. Antok na ako pero bawal pa matulog. Kasi may gagawin pa ako. Pero saglit nalang naman yun kaya madaling matatapos. So paano bukas nalang kasi pagtapos ko, matutulog na ako. Good night and sweet dreams!

@Reysky

Napasarap ata tulog ko at di ko namalayan kanina ang alarm ko. Mabilisan luto lang ang ginawa ko para makapagdala ng baon ang mister ko. Nagsaing nalang din ako sa maliit na nan stick na nabili ko sa shoppee parang rice cooker din. Mabilis kasi maluto kapag dun nag saing. Nakaabot naman ako sa oras. Jusko gulantang talaga ako pgatingin ko sa oras.. di ko malaan bakit napasarap tulog ko. Hahaha

@Reysky

Ngayon palang mag lunch! Inuna ko muna kasi ang bunso ko para hindi ako mabitin kaoag kumain. Tapos may bumili oa halos sunod sunod. Blessing agad dahil may bumili agad sa akin. Foods ko nga pala fried gg at ginisang toge. Wala kasi akong maisip na maiulam kaya ito nalang. Dapat pala munggo, hahaha!

@Reysky

Good morning! Ang aga magising ng batang toh! Kumakain agad ng dowee donut, pero kumain na siya ng tinapay kanina. Sumama din siya sa paghatid sa papa niya. Basta maaga siya magising kasama siya. Iidlip muna ako at maaga kasi nagising. Alam nyo na kapag may asawa may inaasikaso haha!

@Reysky

Ano kaya ang susunod na tataas. Kasi pati itlog tumaas na din. Iniisip ko kung ang manok ang iniinom nila gasolina. Napapaisip ako!? Tapos na kami mag lunch noodles na may itlog ang amin ulam. Sabi ko tipid tipid muna pero bakit ganun yun itlog mahal na din haha.! Yung 3k ko hindi na naabot ng 1 week. Kahit anong tipid ko. Di na nga ako nagmemeryenda kasi titipid ako pero pag pupunta ako ng tindahan at palengke mashoshock nalang ako sa bilihin. Tapos yung sweldo ng mangagawa…

@Reysky

Tilapya at Munggo Lunch time na. Kain po tayo. Munggo at fried tilapya ulam namin. Yan pala nag cost na ako ng 300 mahigit. Pero hanggan mamaya na namin ulam yan. Nakahain na pero ang mga kakain buzy pa. Minsan nakakainis lanb kasi mag eefort ka tapos sila ayaw pa kumain. Bahala sila basta ako at ang bunso ko kakain na.

@Reysky

Kahapon wala ako sa mood magpost. Umaatake na naman kasi ang anxiety sa akin. Kahit madami akong benta parang may kulang pa din. Actually, alam ko lahat ng tao need ng pera pero hindi sa lahat ng panahon. Kasi yung ibang mayayaman, nasa kanila na ang lahat pero may kulang pa din. Ako, kulang na nga s pera kulang pa sa ...................! Hahaha. Di ko na tinuloy bahala kau mag isip hahaha. Hanggan ngayon lungkot pa din ang nararamdaman ko. Gusto ko ng kumawala sa…

@Reysky

Ang ganda ng higa ng pusa sa motor ko. Habang pinagmamasdan ang ulan. Wala kasi siyang mahigaan kaya ayan yun motor ko ang hinigaan. Umuulan na! Kaya inaasahan ko na mahina ang benta ko ngayon. Pero ok lang ganun talaga ang life. Haha.. bawi nalang bukas o sa makalawa. Basta araw araw ako magtitinda haha..

@Reysky

Good night mga kaibigan!. Antok na ako! Nag shot kami ng soju kanina. Pampaantok lang. Hindi naman nakakalasing, nakakaantok lang talaga haha. Buti kahit papaano may lakas pa ako para makapag post at mag goodnight sa inyo. Kaya bukas nalang ulit. Maaga na namab magigising! Alarm na ako para magsundo bukas. Baka mapasarap tulog ko mayare ako sa mister ko haha!

@Reysky

Magandang umaga! Ang ganda ng sikat ng araw ngayon. Walang nakaharang na ulap. Sarap magpa araw habang nag wawalking. Bibili kasi ako ng pandesal kaya naglalakad ako. Pero huminto muna ako para magpost dito. Sana maganda ang panahon ngayon. Kahapon kasi umulan kaya bigla nawala costumer. Buti kahit naulan may napapa stop over at bumibili hehe.. Itutuloy ko na ang paglalakad ko para makabili ng pandesal.

@Reysky

Tirik ang araw habang naulan. Sabi nga ng matatanda. Kapag tirik ang araw at umuulan may kinakasal daw na tikbalang. Kasabihan lang yun ng matatanda pero hindi totoo yun. Sana hindi na magtuloy tuloy ang ulan kasi lalo lang iinit ang panahon. Masakit sa ulo. Nagmeryenda na ba kayo. Ako hindi pa. Walang pang meryenda haha.

@Reysky

Mukang itinigil na ni bosing ang pagbibigay ng biyaya sa akin. Haha! Pero ok lang ganun talaga ang buhay! BSta nandito pa din ako meron man o wala mag popost pa din ako. Anong oras na pero tirik pa din ang araw. Ang mister ko hanggan ngayon tulog pa, parang ayaw kung gisingin kasi anong oras na din siya nakapagpahinga. Pang gabi kasi ang pasok niya ngayon. Aalis na naman siya mamaya. Pero kailangan eh para sa future ng mga anak namin. Lalo na ngayon mahal ang bilihin. Kaloka…

@Reysky

Bangon at kilos na. Para maraming magawa dito sa bahay ng di magahol sa oras. Nakabili na nga pala ako ng almusal namin pancit at isang balot na bans na ni toasted ko pa para crunchy hehe.. request din kasi ni mister. Ano kaya maunang gawin maglaba nalang muna kaya ako habang nagluluto ng amin lunch para mamaya. O siya kain muna ako. Para makatapos na sa unang gawain. Ingat sa lahat.

@Reysky

Madilim na naman ang paligid. Parang nagbabadya na uulan. Hinatid ko nga pala ang asawa ko ngayon dito. Kasi kapag nag trisicle siya mahal ang bayad kaya hinatid ko siya ng nakaebike dito sa kantong ito. Para mag jejeep nalang siya dahil mejo mura mura ang bayad dun. Hindi din kasu aabot ang ebike sa work niya kaya naman hinahatid ko siya dito. Meryenda time na. Dadaan ako sa bilihan ng lumpia. Masarap kasi ang lumpia nila kaya maraming nabili sa kanila. Mura ito, 5 pesos…

@Reysky

Walang kalaro ang anak ko ngayon. Hindi dumating kasi nagkasakit, nilagnayt kaya stay muna sila sa bahay nila. Pero ok lang kahit walang kalaro ang anak ko. Nakakapaglaro naman siya ng sarili niya lang kasama ang kanyan hulahoop. Kanina sunod sunod ang customer ko at thank God di niya ako pinababayaan mawalan ng costumer. Kahit maliit lang kita ko dito. Nag eenjoy naman ako. At nakakaroon ng kaibigan. Mga bagets nga lang haha.

@Reysky

Ako antok na pero ang bata batuta busy pa sa paglalaro ng lutu lutuan kahit walang lutuan. Ginagaya niya kasi ang ginagawa ko araw araw. Minsan naglalaro din sya ng shake tapos ibibigay niya sa akin at nahingi ng bayad. Pero yun bayad kunwari lanh din yun. Baka mauna na ako sa kanya matulog kasi napapapikit na ang mata ko. Nilalabanan ko lang. Maaga din kasi ako nagigising. Minsan gusto kong gumising sa oras na gusto kong gising kaso di pwede lalo na kung may obligasyon dito…

@Reysky

Kape at pandesal na may itlog Gising na mga kaibigan tayo na mag almusal. Almusal na din tayo para may lakas tayo sa umaga ito. Alam ko yun iba tinatamad pang bumangon dahil sa panahon ngayon. Maulan at tiyak na malamig. Sarap matulog kaso hindi na pwede. Marami ng gagawin at gising na ang bunso ko. Nilagnat kasi siya kagabi. Siguro dahil sa sugat niya. Masyado niya kasing minamahal ayaw pagalaw sakin. Di ko tuloy magamot ng maayos. Yung may mga work jan ingat kayo. Kasi…

@Reysky

Request ng panganay ko ang Chicken Curry! Kahapon sabi niya kung pwede ako magluto nyan. Kaya naman ito amin lunch. Tara kain tayo nga kaibigan. Wag tayo mag skip ng kain baka tayo ay magkasakit.

@Reysky

Ngayon palang naghahapunan. Napatsismis kasi sa labas. Di kami makalibre ng hapunan ngayon kasi yun anak ng kapit bahay namin may sakit biglang nilagnat kaya hindi muna sila tumambay ngayon. Dun sila sa kabilang bahay nila. Nangungupahan kasi sila dito para magtayo ng tindahan. Tapos sa tapat ng tindahan nila kami nagkakainan. Kaso sayang wala eh! Hahaha Sana gumaling na ang mga anak niya. Para makapasyal sila dito. Para may kalaro din ang anak ko. Tara kain tayo!

@Reysky

Good morning sunshine! Simulan ang umaga ng may ngiti sa labi para ang swerte ay maganda pumasok sa tahanan. Breakfast for now pandesal, hotdog at kape. Di ko na napicturan kasi kinakain na ng mister ko. Ayaw pa naman non na inaantala ang pagkain niya. Kaya ko nalang ang pipicturan ko. Sabi ko kagabi maglilinis ako ng bahay para ngayon umaga wala na akong gagawin. Pero hindi nangyare dahil sa kakahanao ng kandado namin sa gate. Di ko kasi alam kung saan nilagay ng mister ko.…

@Reysky

Nagluto ako ng paksiw na bangus. Kasi nangasim ako sa lasa neto. Kaya kanina sa palengke, bangus agad ang una kong binili. Naghanap na din ako ng ampalaya kasi yun talaga na gulay ang gusto kong ilagay. Sakto kasi sa lasa na naghahalo ang pait at asim. Ngayon palang gusto ko ng kumain. Since hindi nakain ng paksiw ang mga anak ko pinagluto ko nalang sila ng fried chicken. Actually, niluluto ko palang ngayon. Naglabas na din ako ng akin paninda na milkshake. Mas mabili kasi…

@Reysky

May batang nangungulit sa akin. Idikit daw niya sa cp ko yun sticker na hawak niya. Eh ayoko kasi di trio yun sticker. Ayun kinulit ako ng husto. Nakaisip na ba kayo ng memeryandahin nyo ako. Kasi nagkape nalang. Tipid tipid muna ako at kapos talaga kapag nagmeryenda pa. Ayaw ko din kasi galawin ang naipon ko sa pagtitindanng shake, gusto ko malaman kung natubo ba o hindi. Natubo naman kaso makiit nga lang. Mahal kasi ng baso at asukal. Yun pearl nagtaas na din. Sympre…

@Reysky

Hapon at mukang nagbabadya na uulan. Dahil nagdidilim ang kalangitan. Pero sana wag ng tumuloy kasi ganitong oras mabenta any milkskake ko. Nakalibre din ako ng meryenda, birthday kasi ng kapit bahat namin ayun inaya ako at kumain ng spagetti. Inaantay ko din maluto ang pansit. Masarap kasi yun. Pakapalan na ng face. Sayang kasu libre hahaha!

@Reysky

Good morning! Nag aya any mister ko na kumain ng pares pagkasundo ko sa kanya. Marami kasing paresa dito. Pero may isa kaming pinupuntahan dahil masarap ang pares niya. Maya maya na ako aalis kasi tantiyado ko na ang oras ng pagdating niya kung san ko siya sinusundo. Kayo ano naiisip nyong almusal! Mabubusog na naman ako nento haha!

@Reysky

Kailangan ng kumilos tama na ang paghiga. Marami pang gagawin. Magluluto, maglilinis at maglalaba ng uniform. Kailangan kumilos na. Maya maya magbubukas na din ng tindahan. Ano kaya maiulam ngayon lunch. Nag iisip pa din ako, kaya sgro hindi ako makakilos haha.. bahala na kung ano makita. Yun nalang. !!!

@Reysky

Sinampalokan manok ang lunch namin ngayon. Wala kasi akong maisip na mailuto. Kaya ang mga bata ang naisip ko na mahilig sa sabaw na maasim. Isda sana kaso di ko trip ang itsura. Late na din kasi ako nagpunta ng palengke. Tara kain tayo guys!

@Reysky

Presyo ng akin milkshake, murayta lang order na kayo! Hahaha Naubos din ang costumer. Nakakapagod din kapag sunod sunod sila nabili. Sympre kailangan mabilis ka din para di mainip ang mga costumer na nabili. Tahimik na ulit ang kalye namin kasi maagang umuwi ang katabi kong tindahan. Wala ng tambay di tulad kahapon kahit papaano may nakakausap pa. Pero mamaya na ako magsasara baka may bumili pa. Sayang din.!

@Reysky

Maagang wala sa mood ang akin sarili. Pero syempre kailangan mag almusal dahil kagabi hindi ako kumain. Paano sobrang busog ako kahapon sa hindi ko malaan ang kadahilanan. Nabusog ata ako kakainom ng tubig. Init kasi kahapon! Tirik ang kahapon kaya nun naglaba ako tuyo agad ang sinampay ko. Ngayon lalabahan ko mga cover ng kama at mga towel namin. Sakto sa panahon ngayon. Tara kape tayo! Sabay usap na din...

@Reysky

Nakaupo din sa wakas. Tapos na mag luto at ayusin ang paninda ko. Sa pagluluto pa lang parang nauubos lakas ko. Haha. Munggo at fries GG ang ulam namin. Nakakapagod din kasi ang init ng panahon. Pabalik balik din kasi ako sa labas. Mamalengke tapos bibili ng crush ice sa labas. Init pa naman sa labas na kahit balot ka tagos ang init sa balat. Anyway, kain tayo guys.. tiyak mapaparami ang kain ni mister kasi favorite niya ang ulam. Hehehe

@Reysky

Sa sobrang init ng panahon, halos ng nadaan napapabili ng shake sa akin. buti nalang nandito ang mister ko may tiga bili ako ng yelo. Naubos kasi ang yelo ko kanina kaya sabi ko bibili ako ang sabi niya siya nalang ang bibili kaya ayun kasi nun umalis siya may bumili pa. Kahit papaano meron pa naman akong yelo pero syempre kailangan advance ka dahil maaga pa naman. Meryenda time na mga frends... Meryenda tayo, kape at tinapay ang meryenda namin.

@Reysky

Sorry guys! Hindi na ako makakabigay sa mga magcocoment bigla nalang nawala ang akin ft! Siguro may nag report sa akin. Hahaha Pasensya na kung di ko kayo nabibigyan kasi mahina lang bigay sakin. Hindi naman lahat mabibigyan ko. Hindi tulad ng dati na unan akong nabigyan ng ft ay talaga naman umaapaw. Kaso unti unti nawawala kaya hindi lahat ng nagcocoment sakin ay nabibigyan ko. Syempre kailangan ko din mag bigay sa mga nagpopost lalo na kung gusto ko ang post. Back to…

@Reysky

Kanina habang nakatambay sa labas napansin ang ulap na parang nag aapoy, may kidlat pa yan kaso di ko talaga matyempuhan. Tapos ang bunso ko puwesto jan para kunan din ng picture. Akala niya talaga siya yun kinukunan ko jan haha! Tapos na ako sa lahat ng gawain kaya heto humiga muna saglit at maya maya maliligo na ako. Gusto ko lang ilapat saglit ang akin likod kasi nasakit na ito. Yung mga galing work pahinga na din kayo. O kaya chill muna!

@Reysky

Kakauwi lang galing quiapo, naghanap kami ng battery ng ebike dun. Mas mahal pa kesa dito sa lugar namin. Akala namin makakamura kami dun. Napamahal pa dahil sa pamasahe at presyo ng battery ng ebike dun. Pero hindi namin binili kasi nga mas mahal. Yun napagtanungan namin dito. Yun nalang ang bibilhin namin. Parang ayaw ko na pumunta ng manila.Daming naalala na di maganda .

@Reysky

Kailangan pang mag igib dahil biglang nawalan ng tubig dito sa amin. Nakakabadtrip! Kaya kanina habang walang costumer nag igib muna ako sa bahay ng frend ko. 2 container lang muna. Di kasi kaya ng powers ko. Mga halaman ko tuloy di ko madiligan. Baka matuyo sila dahil mainit pa naman ang panahon ngayon. Grabe pagod ko ngayon araw. Layo din kasi nilakad namin ng mister ko sa quiapo. Gusto ko siyang pagtawanan kaso, baka mabadtrip. Kaya nanahimik na lang ako sa diskarte niya.…

@Reysky

Nakukunsime ako sa bahay namin. Para kasing hindi bahay. Yun nawala lang ako ng kalahating araw pero ang bahay sabog na sabog sa dumi at kalat. Hindi ko na kasi naasikaso kanina dahil pag uwi namin nah bukas ako ng tindahan ko na milkshake. Pag bukas may costumer agad na bumili. Mga ilan din yun. Tapos pumunta pa ako sa kabilang subdivision kasi nag hanap ako ng notaryo. Papanotaryo ko kasi ang voucher ng panganay ko dahil malapit na siyang mag grade 11. Para makamenus sa…

@Reysky

Magandang umaga! Para saan ka gumigising! Ako? Para san nga ba. Minsan mapapatanong nalang ako sa sarili bakit pa ba ako nagigising. Makikita ko ang mga anak ko, mapapangiti nalang ako na kaya pala ako nagising kasi para sa kanila. Na kahit ubod tigas ng ulo at kukulit ng anak ko mahal na mahal ko sila. Kaya ako lumalaban sa mga binabato sa akin na kahit gusto ko ng sumuko, sila ang tinitingnan ko para magpatuloy sa buhay! Ang aga aga drama agad! Hays! Ewan lungkot kasi…

@Reysky

Tapos na mag lunch, hindi ko man lanh na ishare sa inyo ang akin niluto na chicken adobo na may paa. Di na talaga ako papayat kasi laging marami ang nakakain ko. Lalo na ngayon nakapagluto ako ng naayon sa panlasa ko. Nasa mood kasi ako magluto kaya napasarap. Haha Nakuha ko na din pala ang pinanotaryo ko para sa voucher ng panganay ko. Sana lang maaprobahan. Para makatatipid man lang sa tuition. Tara pahinga muna tayo. Alam ko yun iba jan puro gawa sa bahay tulad ko. Kaya…

@Reysky

Hina ng benta ko ngayon. Wala atang nainitan na costumer kanina. O kaya baka tinamad lumabas kasi mainit ang panahon. Pero ok lang kasi may benta na din naman ako. Wag lang mazezero kasi lugi negosyo. Wala din yun mga costumer kong bata. Asan kaya sila. Karamihan kasi dito mga nagkakasakit ang bata dahil sa pabago bago ang panahon. Katulad ngayon kanina grabe sikat ng araw. Ngayon maulap na naman. Di malaan kung uulan ba o ano. At dahil walang gaanong costumer kanina ayun…

@Reysky

Wala pa ako sa mood mag sara. Sarap kasing tumambay sa labas. Kapag sa loob ng bahay parang ang lungkot kasi. Kung maari lang dito nalang matulog, gagawin ko! Kaso dami naman lamok. Sa totoo lang napapabayaan ko na sarili ko. Dati hindi ako nagpipigil ng ihi, ngayon nagpipigil na. Minsan nga, bibihira na ako uminom ng tubig di tulad ng dati. Minsan kasi di ko kinakaya ko ang problema, pero tinitingnan ko nalang ang anak ko para humugot ng lakas. Maraming tanong na hindi…

@Reysky

Gumising ng hindi maganda ang pakiramdam! Feeling ko durog na durog na ako! Pero unti unti binubuo ang sarili para sa mga bata. Sabi nga nila life is short pero parang sakin ang haba. Kasi gusto ko ng mawala pero ito pa din ako. Unti unti pinapatay ang sarili. Senxa na guys. Malungkot lang talaga ang buhay ko.

@Reysky

Gabi na naman! Pero wala pa din pagbabago. Malungkot pa din ang buhay! Ngumingiti sa harap ng ibang tao pero pagtalikod nila eto na naman nababalot na naman ng lungkot ang akon muka. Bakit kasi may kalungkutan pa pwede naman maging masaya. Pilitin man ang puso at isip pero di ko magawa lalo na kapag naalala ko na dapat ibaon na sa limot. Hays! Ayoko sumuko, tulad ng dati. Pero hanggan kailan ako lalaban sa hamon na ito.

@Reysky

Nagising ako kasi may ipis na gumpang sakin. Batrip talaga yan ipis na yan imbis na tulog pa ako gigisingin ako. Bumangon na din ako kasi tawag din ng kalikasan di ko na din mapigilan kaya nag banyo muna ako. Balang araw magiging ok din ako! Sa ngayon, sige lang parusahan ako. Kapag naging bato ang puso pasenxahan nalang. Haha! Ang aga aga eto na naman ako. Daming hinaing sa buhay haha! Hayaan nyo lang ako. Magiging ok din ako sa tulong no Lord. Good morning Lord thank you…

@Reysky

Yan ang lulutuin ko ngayon pang lunch hanggan dinner na din para isang lutuan na lang. Maiba naman mag pork naman ako. Lagi nalang kasing chicken. Tsaka ang mga chicken ngayon maliliit palang kinakatay na. Halos konti nalang makakain sa chicken. Wala pa atang 45 days kinakatay na. At ang matindi payat ang manok. Kaya nag pork muna ako. Bukas naman mag fish naman ako. Di ko nga lang kung anong luto gagawin ko sa fish. Start na muna ako magluto para maaga matapos at maka set…

@Reysky

Pabaon ko sa asawa ko mamaya! Hapunan na din namin. Dinamihan ko patatas kasi mahal ang pork. Bawi nalang sa patatas. Pork pochero, kulang nga lang sa ingredient kasu kung ilalagay ko lahat di naman kakainin ako na naman ang magwawagi. At alam na ako lang ang tataba haha. Meryenda time na mga kanoise. Pero ako di na magmemeryenda kasi titipid ako. Sa mga anak ko nalang babawi nalang ako sa hapunan. Hindi na talaga ako nabigyan ulit ng ft. Yun huling post ko na nawala yun ft…

@Reysky

Nakalabas ng bahay. Maaga ako ng sara ng akin tindahan dahil iba na talaga nararamdaman ko. Kailangan ko makakita ng makawak na lugar at dito ako pumunta. Medyo gumaan ang akin kalooban at nakapag isip ng magagandang bahay. Pag dito kasi ako sa bahay para akong napapraning at kung ano ano naiisip ko. Kaya ito ang akin naisip mag drive at pumunta sa malawak na lugar. Nakakatanggal kahit papaano ng stress.. sabayan na din na taimtim na dasal sa akin isipan.

@Reysky

Ang aga mang gising ng kidlat at kulog. Yung tipong magugulat ka nalang sa pagkakatulog. At dahil sakto din naman ang pagising niya sa akin. Pagkasundo ko sa asawa ko. Bumili ako ng arozcaldo sa nadaanan namin. Actually dapat kanina pa ako mag popost nauudlot lang kasi biglang uulan kailangan kong ayusin ang dapat di mabasa. Buti nalang din nakauwi na kami bago pa umulan ng malakas. Kundi parehas kaming basa. Hehe

@Reysky

Ulam naman for today, fried egg and ulam burger. Meron pa yan di ko lang naisama ang ang sisig na nailuto ko at siningag. Parang pang almusal lang ang peg hahah! Wala kasi ako maisip na ulam kaya hanap ako easy to cook sa palengke. Para maiba naman. Mamayang bahala na haha!

@Reysky

Kakainis naman yung tropa dito. Pinagawa ako ng 7 shake nilibre lahat ng tropa nun nagawa ko na lahat, yun manglilibre umalis na agad. Ayos! Maliit na nga lang ang kinikita ko sa pag titinda tapos bigla pa akong tatakasan. Pero syempre di ako papayag non! Yung mga pinainom niya yun ang sisingilin ko isa isa. Kilala ko naman sila eh! Pero nakakasira kasi ng mood ang ganun. Sana maisip nila di malaki ang kinikita ko dito, bayaran nila. Yung pusa sa ilalim ng mesa yan yun nag…

@Reysky

Kakauwi lang galing sa bahay ng tiyahin ng mister ko. Inabot kasi namin ang bayad sa upa ng lupa nila. Kakain sana kami ng dinakdakan sa favorite namin kainan kaso hindi pa bukas ang cart nila. Pero nandun na ang mga paninda nila. Sayang lang di na nakapag intay mister ko kasi ang tagal nila kaya Pares nalang kinain namin. Yung dinakdakan bali gusto ko kaso ang tagal dumating ng tindira. Himala nga kasi dati 5:30 palng nandun na sila ngayon 7 am na wala pa sila. Sayang…

@Reysky

May natirang lupia sa binili ng mister ko kahapon. Yan ang balak kong iulam ngayon tanghalian. Ininit ko kasi para na siyang lantang ewan. Pinapatulo ko muna ang mantika sa kawali para mabawasan ito. Iniisip ko bakit ako binawian agad ng grasya di man lang pinatagal ng 2 months huhu.. kung kailan kailangan ko ngayon. Huhu

@Reysky

Pinipilit nalang mabuo dahil may nararamdaman pa. Pero pag wala na tanggalin nalang yun band aid at dun malalaman na kaya na ng damdamin at kaya ng tumayo at magmahal ng tama at walang pag aalingan. Hays! Ang pag ibig nga naman. Sasaktan ka lang naman mananatili ka pa. Hahaha

@Reysky

Masama na naman ang panahon. Tanong ko lang may bagyo ba? O sadyang pangit lang ang panahon. Mukang nakaapekto ang panahon sa akin paninda kasi matumal ngayon. Pero ok lang kasi un kikitain ko ngayon is isasave ko na sa akin ipunan. Wala naman akong bibilhin kasi nabili ko na lahat. Pero hindi ko pa din nasisingil yun nanlibre sa tropa dito. Wag lang siyang dadaan kasi sisingilin ko talaga siya. Hahah

@Reysky

Good morning guys! Sunday is family day. Pero sa mga buo lang ang family hindi sa nagkawayak watak wala ng pagmamahal. Ahaha Ang aga aga badvibes agad pumasok sa utak ko. Sa bagay kahit ikaw nasa sutwasyon ko baka ang isip mo parang isip ko din... Tinatamad pa akong tumayo.. sana nga di lang ako nagising. Sayang! Haha

@Reysky

Pwede ba yun kahit 4 yrs old na ang bunso, makakaranas pa din ba ng postpartum. Di ko na kasi alam yun nararamdaman ko. Pinipilit kong maginh masaya pero di ko magawa. Puro lungkot nalang nararamdaman ko.

@Reysky

Katatapos lang umulan. Sad life pa din. Nakakaumay na talaga ang ganito. Iniisip ko sana noon ganito din ginawa ko sa kanya. Hays!!!!

@Reysky

Kahit maulan may nabili pa din ng shake. Kasi kahit maulan at tumila mainit pa din ang panahon. Wala kasing kahangin hangin. Flavor nga pala niyan ay cookies and cream for only 25 pesos.