Mga africans birds na alaga ng lola ko. Balak ko sanang humingi, pero sabi ng lola ko kapag nangitlog na daw sila at yun anak ang ibibigay sa akin. Medyo may kamahalan din itonkapag binili sa pet shop buti nalang lola ko may alagang african birds. Magandang buhay sa lahat.
@Reysky in August 2021
Nagtry ulit ako irevive ang dati kong account na clash of clan. Ang daming tanong, kung kailan nag start ako naglaro anong month, year etc. Pero buti nalang na open ko kasi tanda ko pa naman kung kailan ako nag start at anong th ako natapos. Hehe. May naglalaro pa ba coc dito.
Simot sarap po ang pagkain ko. Di ko na napicturan kasi gutom na ako. Before and after sana gagawin ko kaso nun naubos ko na dun ko lang naalala na ay sayang. Kaya yun naubos nalang ang napicturan ko. Sa mga di pa naglunch hindi pa naman late. Pwede pa kayong kumain.
Mainit, pero maulap.Pero sana wag na umulan balak ko sanang lumabas kasama ang pinsan ko. Punta kami court tingnan namin kung ano meron.
Dinner time na. Pasalubong ng tito ko! Ang bait bait talaga. Sana araw araw may pasalubong para araw araw masarap pagkain. Masarap din naman mga luto dito pero iba pa din si jollibee. Ang mga foods nila masasarap talaga. Busog na naman ako. Kain tayo!
Goodnight noiser! Hindi ko na din matatapos si KMJS kasi antok na antok na ako. Bukas ko nalanh panoorin ang hindu ko napanood. Hanga ako kay tatay na kahit may kapansanan pilit na kumakayod sa pamilya. Saludo ako sa mga katulad niya. Yun iba kasi walang kapansanan pero mas pinipinili gumawa ng masama sa kapwa. Madami naman pwedeng maging trabaho basta determinado ka. Ingat po ang lahat.
9.27 am na pala. Napasarap tulog ko. Sarap kasing matulog lalo na kapag malamig ang panahon. Mukang naubusan na ako ng breakfast tinanghali na kasi ng gising. Teka muna at maghahalungkat muna ako sa kusina. Good morning everyone Keep safe sa may mga lakad.
Alam kong common na ang gumamela dito. Maganda kasi silang pagmasdan at lagi mo silang madadaanan. Sa lola ko lang ata wala gumamela na tanim. Pero meron naman siyang ibat ibang klaseng halaman. Pumukaw kasi sa akin 2 klaseng kulay niya ang yello at pink. Karamihan kasi pink red yello pero ito 2 klase. Alam ko marami jan pero share ko lang ang nadaanan ko kahapon.
Egg Curry Nag experiment magluto ang lola ko. Tamad daw kasi siyang lumabas at naisip niya itlog ang gawin curry. Marami naman itlog sa ref kaya itlog ang napagdiskitahan. Kakaiba talaga tong lola ko Egg Curry, pero masarap huh! Tara kain po tayo!
Grabe pagod ko. Tinulungan ko lola ko mag igib kasi kaninang umaga pa walang tubig. Hindi man lang nag abiso ang maynilad na maintenance sila ngayon. Wala din ang tito ko kasi nag trabaho. Kaya tulong tulong kami sa pag iigib. Grabe pagod ko, ayaw ko na magbuhat. Mabigat pala ang isang container, bakit na yun ang binuhat ko. Hayss!
Eggpie po aking meryenda sa ngayon. Masakit na talaga mga kamay ko kakabuhat. Parusa si Maynilad sa amin. Kulang sa abiso. Sana man lang nakapag ipon ng tubig. Hirap din kaya mag igib.
Hindi makapagluto ang lola ko kasi hanggang ngayon wala pa din tubig. Yung mga naigib namin kanina kulang pa din. Kaya naman nagpabili nalang mg lechon manok ang tiyuhin ko. Sarap na naman ulam. Tara kain tayo mga troops..
May mga truck na ng maynilad na dumating dito sa amin. Gusto ko sanang kunan ng picture kaso nahihiya ako. Hanggan bukas pa daw kasi mawawalan ng tubig kaya ang mga tao sa amin agad nilang nilabas ang pwese nilang paglagyan. Kanina, malayo layo yun napag igiban namin dahil need na talaga. Wala kasi silang abiso kaya ang mga tao dito hindi nakapag ipon. Kung makapag ipon hindi ganun kasapat. Sana nextime magpasabi sila na mawawalan ng ilan araw para alam din ng mgà tao kung…
Good morning! Lakas mang gising ng ulan, hindi na tuloy ako makatulog. Inagahan ko nga tulog ko kagabi dahil napagod ako. Tapos ito naman na ulan. Anyway pipilitin ko pa din matulog kasi ang sakit ng katawan ko. Pinasakit ni Maynilad haha.. ingat po kayong lahat God Bless Us all.
Naamoy ko na ang niluluto ng lola ko, sinigang na pork! Sakto! masarap ngayon malamig na panahon. Sa ngayon almusal ko Milo, naubusan na naman ako almusal masarap kasing nakahiga at naglalaro ng mga mobile games. Di ko na naman namalayan ang oras. Kahapon kasi hindi ako nakapaglaro, busy sa pagtulong sa pag iigib. Good morning sa lahat. Keep safe!
Everytime my uncle's son would play it was always scattered. But it's ok because it's better to see him spread than to see him always playing with gadgets. The home game is even better than the gadget. Don't let him imitate me growing up with gadgets. Because it is not good for the health of children. #MyLife
Tamang roadtrip lang kami ng tito ko. At nakita ko ang magandang tanawin na ito. Nakakarefresh lang ng utak kapag ganito ang makikita ko. Magandang hapon sa lahat.
Midnyt snack! Tira namin kanina. Buti may natira pa! Ako ang nagwagi aki ang uubos. Di bali na tumaba nakakain na naman ng masarap. Kaya lubos lubusin na at malapit na ako umuwi sa nanay at tatay ko. Maganda gabi nga pala sa lahat. Tapos nito manood muna ako movie o kaya maglaro ng mobile games. Tapos sleep na.. masama din kasing matulog ng sobrang buaog baka hindi na magising hehe..
Every gising is a blessing! Good morning all! Eto na naman kagigising ko lang. Ang sama ng panaginip ko, hinahabol daw ako ng monster. Grabe yung takbo ka nh takbo pero yung takbo mo paramg slowmotion na feeling mo na maabutan ka ng monster. Ito ang epekto ng busog na busog tapos makakatulog ka. Buti nalang nagising ako. Kundi naabutan ako ng monster. Hehe
Magandamg tanghali! Naamoy ko na mga ulam nyo. Nakakagutom na hehe.. Ulam namin ngayon chopsuey ilan araw na daw masarap ulam namin kaya mag gulay naman kami ngayon. Tara kain tayo mga friends!
Thank you again sa papizza ng tiyahin kong nasa ibang bansa. Special delivery pa talaga. Hinatid nga pala ng mga pinsan ko inutusan silang dalhin dito. Parang kagabi pizza lang din kinakain ko ngayon meryenda pizza ulit hehehe... I love my life! Hoooooo...🥰
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako habang nanonood ng tv. Tamang higa at nood lang ako tapos ayun nakapikit na ako. Pag gising ko tapos na yun pinapanood ko haha..
Yung kumain kayo ng balot! Tapos nun magbabayad na wala pala kaming dalang pera. Ayun yung isa umuwi at ako naiwan haha. Natatawa lang ako sa nangyare kanina. Haha
Maulan umaga na naman! Magigising ka nalang talaga sa bugso ng ulan. Mapapatanong ka nalang din na may bagyo ba? Hehe. Dumali naman ang ulan hays.! Maghapon na naman nento kulong sa bahay. Nag almusal na ba ang lahat. Ako hindi oa kagigising ko lang kasi. Kung hindi pa umulan hindi ako magigising. Ang lakas kasu. Magluto nalang siguro ako ng pancit canton parang natatakam ako sa kanya. Ingat sa lahat.
Lunch time na po! Ano po ulam nyo! Kami itlog at tapa! Ang sarap na naman ng ulam kaya naman ang katawan ko palusog ng palusog. Iniisip ko paano ba mag diet para para pumayat peri in my dreams na lang ata hehe.
Tamang meryenda lang ako. Masarap kasing kumain habang nanonood ng tv. Tara meryenda tayo.!
Hapon na naman! Ano kaya magandang gawin bukod sa magluto at magsaing. So bored na kasi. Sawa na manood ng tv habang naglalaro ng mobile games. Para pa akong nahihilo na hindi ko maintindihan. Ayaw ko naman lumabas kasi naulan. Hays ang buhay ay parang life haha..
Midnight snack muna! Parang wala na akong kabusugan. Ewan ko ba bakit lagi akong gutom. Basta may makita akong pagkain sa mesa, sige naman ako ng kain. Bahala na kung tumaba basta busog naman. Haha
Good morning ang aga kong nagising, may kumalabog na siyang nagpagising sa akin. Maliwanag na dun pala kapag ganitong oras. Ngayon ko lang napansin. Maglalaro muna ako, hindi na ako inaantok eh! Mamaya na din ako baba kapag may tao na sa baba, mukang masarap din tulog nila. Ingat po ang mga bibiyabe ngayon! Lalo na Ecg wag ninyong kalimutan ang mga facemask at faceshile. Sa panahon ngayon yan ang importante.
Breakfast na guys! Kain tayo! Nakatulog na naman ako kanina at ito hirap bumangon pero need na bumangon. Nagugutom na din ako. Magtimpla lang ako milo at may tasty naman dito yun nalang ang akin almusalin. Good morning sa lahat.
Tanghalian na pero wala pa din gana. Kinain ko kasi yun tirang ulam kanina na porksteak! Kaya hanggan ngayon busog pa din ako. Bango pa naman ng niluluto ng nanay ko! fried chicken! Bahala na kung magutom kumain ulit. Kayo guys ano ulam nyo!? Kumain na ba kayo. Gusto nyo sabay sabay na tayo. 🥰
Buhay ng isang Squatter sa tabi ng dagat Bago ang lahat nais kong magpakilala sa inyo, ako nga pala si Evalyn pero ang tawag nila sa akin ay Reysky. Sa squatter ako pinanganak ng aking mga magulang. Dito namulat ang aking mga mata sa katotohanan na hindi porket nasa ganitong lugar ka ay mahirap ka na. Ang mga tao sa squatter ay madidiskarte sa buhay halos lahat sila gumagawa ng paraan para matugunan ang kanilang pang araw araw sa buhay. Saksi ako sa mga taong nagpupursige at…
Sana magustuhan nila yun ginawa kong article sa readcash. 1st time ko kasi. Di ko alam kung tama ba o mali. Pero sana magustuhan nila..
Makaidlip nga muna. Wala akong maiisip na pwedeng gawin. tinatamad naman ako maglaro at magbasa. Kaya itulog ko nalang ito. Total inaantok naman ako. See later mga guys.
Magandang hapon! Salamat at nakatulog ako ng maayos, nagising lang ako kasi may shoppee na dumating. Pero hindi akin yun sa kapatid ko. Dito kasi ako naidlip sa sala kaya naman ako amg sumalubong kay kuya rider. Syempre tinawag ko ang kapatid ko dahil wala naman akong pang aabuno dun. Meryenda time na, maghahanap palang ako ng makakain sa ref bahala na kung ano mahalungkat. Hehe
Buti nalang maganda ang panahon ngayon. Makakalabas ako ng bahay. Ilan araw din na medyo umuulan ng hapon kaya nakakatamad lumabas. Maghahanap na din ng mamemeryenda sa labas. Gusto ko sana ng turon. Sana meron pa ng ganitong oras. Kasi kapag ganitong oras ubos na ang turon at banana que. Sige guys mamaya ulit.
Kakain na naman kami! Pero ako busog pa dahil late meryenda kanina. Hindi na ako nakahanap ng turon, isaw ang nakita ko at yun ang nameryenda ko. Siguro mga anim na isaw nakain ko. Haha. Gutom lang. Kaya ngayon walang ganang kumain. At hindi na nga ako kakain mamaya nalang magtitinapay kapag nagutom. Natawa lang ako kanina kasi may dumaan na sasakyan ng baranggay yung mga bata sa labas. Nagtakbuhan nakalimutan ko ecq na pala pero buti may mga bukas na bilihan ng meryenda. Di…
Good night na sa lahat matutulog na ako. Inaantok na agad ako.! Bukas ulit! Makaisip ulit ako ng maisusat na article bukas. Tagalog nga lang hehe.
Sabado na agad pero nothing change. Araw lang talaga at panahon ang pabago bago. Pagmulat ng mata celpon agad hawak. Pagtapos baba punta cr. Pagtapos uupo mag mumuni muni, mag iisip ng gagawin. Haha pag naisip na ang gagawin tska lang kikilos. Pero bago ang lahat good morning sa inyo. Lagi nalang tanghali magising sarap kasing matulog. Break fast muna ako. Maghahanap ng makakain. Kayo din breakfast na.!
Lunch time na agad pero kakaalmusal ko palang. Ano bang lifestyle meron ako laging late. Pero ganun pa man. Kakain pa din ako kasi milo lang naman inalmusal ko. Alam ko din naman late na din ako nagising kaya nagtimpla nalang ako ng milo. Tsaka masarap ulam namin adobong manok favorite ko. Sarap kasi ng adobo lalo na manamis namis ang lasa. Ayoko lang ng nilalagyan mg laurel ewan ko ba. Gusto lang maraming paminta at bawang. Yung bawang minsan pinipili ko pa. Ewan ko ba…
Ngayon lang sinipag, naglaba nalang ako, wala talaga akong magawa sawa na ako maglaro, manood ng movie, at matulog kay ginawa keep naglinis ako ng kwarto ko, tinanggal ko mga cover ng kama at unan. At ayun sinalang ko sa washing antayin ko nalang siyang matapos. Hehe
Nakatapos na din sa mga kobre kama at punda at kumot next naman ang mga damit ko. Chil chil muna habang naglalaba. May naisip na akong isulat sa article ko kaso wala pa ako sa mood. At di ko alam anong title ang ilalagay ko. Bahala na. Basta maayos lang iniisip ko magkakatitle din yan.
Sa wakas natapos din! Time to meryenda naman. Ano kaya makain. Nakakagutom kasi. Sana may dumating na naglalako para hindi na ako lalabas. Wala ako sa mood lumabas eh Gusto ko tamang basa lang ng wattpadd naman. Hahaha
Sabi ko hindi ako lalabas. Pero hinihila ako ng mga paa ko papunta sa labas. Tingnan ko kung nanjan mga frends ko kung nakatambay sa fishbulan. Magpapalibre ako haha.
Tapos na mag dinner adobong manok at pares na nabili ko sa labas ang kinain ko. Dahil walang nanlibre sa akin kanina wala din nakain na meryenda kaya binawi ko ngayon dinner, ang dami ko nag chibog. Ngayon naman tamang nood ng tv at ang trip namin panoorin ay horror wala lang kasi yun ang palabas sa cable hehe.
Good night pipol! May wangwang na sa labas. Nag checheck sila kung may tao pa sa labas. Pero ang totoo marami. Kasi lumabas ako para bumili ng tooth brush kaya alam kong marami pang tao. Syempre agad naman akong umuwi dahil balak kung tapusin ng pibapanood ko. Kaya naman pag pasok ko ng bahay saka dumating ang wangwang hehe. Nakalusot ako haha.. bukas nalang ulit. Good night again.
Magandang umaga! Taho kayo jan. Ito muna ang almusal ko sakto pagbaba ko may nasigaw ng taho kaya agad din akong sumigaw ng taho baka kasi malagpasan ako hehe. Tara almusal tayo kahit ano pa yan almusal dapat natin ipagpasalamat sa ating poong may kapal. Happy sunday sa lahat.
Hello gandang morning again. Naamoy ko na ang niluluto ng aking ina. Butter shrimp! Ang bango bango! Nakakagutom na parang ako ata mauunang kumain ngayon. Kasi favorite ko yun niluto niya. Syempre bukod sa butter shrimp may sinigang na bangus at paksiw ewan ko kung anong klaseng isda. Kapag sunday laging maraming ulam niluluto nanay ko. Hahaha. Parang may darating na di mawari.
Mapapa sana all nalang sa mga nakapag add to cart kay shoppee at lazada. Ako kasi wala pang buy pwede mag add to cart kaso mabubulok lang sa add to cart hahaha.. Lunch time tara at magsilapang na tayo. Kagutom na din. Tara lets eat!
Hinihila na ang mata ko para pumikit, inaantok na ako. Pero ang kapit bahay namin ang ingay haha. Yun napapapikit ka pero narinig g mo yun enggggggg! Engghhhhh! Hahaha.. naghihiwa ata ng tiles. Sakit sa tenga. Haha
Nakasama pa ata pantulog ko sumakit ulo ko. Bukod kasi sa maingay mainit din kasi kung baga ang tulog ko eh mababaw lang.! Iligo ko nalang para mawala sakit ng ulo ko. At syempre hindi mawawala ang meryenda. Sana meron tinda sa labaa. Linggo pa naman ngayon.
Tamang snack muna! Nakakamiss din naman kumain ng junkfood. Tapos nainom ng milktea. Nagwidraw ako ng 100 makabili ng milktea at nachos. Para maiba naman. Heje Gandang hapon o gabi na ba hehehe
Hapunan na pala.. naku late na ako makakain! Nabusog kasi ako sa snack ko kanina. At nawalang gana kumain ngayon. Waiting din nag kmjs ngayon. Ano kaya episode ngayon.
Good night sa lahat hindi ko na matatapos si kmjs at sobrang dami ng commercial. Inaantok ako sa commercial. May balak pa naman akong laruin ngayon. O siya bukas nalang at inaantok na ako. God bless us all..!
Monday na pala ngayon, akala ko linggo lang ulit. Maaga ata ako nagising ngayon. Ang aga kasing nagpaandar ng maingay angkapit bahay. Pero ok lang atlis diba nagising. Kaya salamat sa Panginoon nagising ako ng maaga. Malapit na nga ang pasukan. Kakatamad pa kasu online class na naman ulit. Miss ko na ang school namin. O siya babangon muna ako. Maya maya nalang ulit.
Umalis muna ako at nautusan pumunta ng palengke. Bibili ako ng fan dahil nasira yun isang fan namin. Kawawa naman yun kapatid ko walang gagamitin. Kamusta ang lahat. Sana ok lang kayo. Ingat lahat ng nasa labas..
Pauwi na ako! Nandito na ako sa jeep. Nakakagutom na ayaw ko naman kumain sa labas maige na yin nag iingat. Lunch na mga guys kaya kain na kayo. Ako pag uwi nalang sa bahay para maka tipid na din.
Hays salamat busog na ang abang lingkod nyo. Hehe. At ito na testing na namin ang nabiling fan. Parang gusto kong ipalit ang fan ko sa bagong bili kasi malakas ang buga ng hangin haha. Pero dahil hindi akin yan sorry nalang ako haha.. makakabili din ako ng akin soon. Haha
My First Born Fourt year college ako noon ng mabuntis ako sa una ko anak. Una hindi sumagi sa isip ko na buntis ako kasi nag-aaral ako at graduating na. Pero 2nd semester na noon hindi na ako dinatnan. Iba na ang nararamdaman ko, lagi akong nahihilo, inaantok. Minsan nga kapag may klase kami tinutulugan ko ang profesor ko kasi talagang hindi ko kaya yun antok. Ang hirap din kumain kasi hindi ko alam ang gusto ko. Lagi din akong nasusuka kapag nakakaamoy ng mga pabango.…
Busy sa pagsusulat ng article, haha! Kahit tagalog siguro ok lang. Kesa naman mag english ako tapos hindi naman maiintindihan ng makakabasa. Mas prep ko pa din kasi ang sariling wika natin. Sa tagalog kasi ako mahusay. Meryenda time kaya tara kain tayo.
Gandang gabi hapunan na guys! Ano ulam nyo. Kami pritong tilapya.! Sarap isawsaw sa sukang maanghang. Kakauwi ko lang galing sa labas nakipag kwentuhan sa mga tropapips ko! Baka bukas mawalan na naman ng tubig kaya mamaya mag iipon na ako mahirap na baka mag igib na naman ako. Masakit pa naman sa katawan.
Good night mga guys. Kanina ko pa gustong magpaalam pero loaded ata ngayon. At sobrang bagal hindi ko mawari kung mabagal ba net namin o sadyang nag uupdate si noise. Tulog na talaga ako antok at masakit na kamay ko kakalaro. God bless sa lahat.
Nagising s malakas na ulan! Sarap sarap bali ng tulog ko. Akala ko panaginip na lang yun pala totoo. Haha magandang umaga nga pala. Tara tulog ulit hehe
Gisinh na naman ako may tumawag kasu sa phone ko at magulat ako. Pinababa na ako ni nanay at may pupuntahan daw siya. Mag saing na daw ako. Ang aga aga pa. Haha.. pero sige na nga! Magandang umaga sa mga tropapips.. umpisahan natin ang araw natin na nakangiti at masaya.
Nasermon pa nga pagdating ng aking nanay. Ang aga aga celpon agad ang inatupag. Ni hindi daw muna ako nagwalis ng bahay. Ay syang nakalimutan ko naman na magwalis nawili na naman akong maglaro sa cp. O siya baka mag ala super sayans pa ito mas lalo akong mayare hahaha.
Lunch time na agad. At nag aaya na silang kumain. Pritong galunggon at chicken noodles ang ulam namin. Hindi yun lucky me noodles ah. Hehe di ko alam tawag pero tingin ko chicken noodles siya malalaki nga lang yun pasta na nakalagay. Tinikman ko at masarap siya. Pwedeng ibenta haha.. kain muna ako. Kain na din kayo.
Di ko namalayan naka idlip na pala ako. 30mins nakatulog. Nanonood lang naman ako kmjs pagdilat ko iba na un palabas. Haha
May meryenda today. Yun ulam namin kamina yan nalang din. Wala kasi akong pambili kaya gawa nalang ng paraan. At isa pa masarap ng yan chicken noodles na gawa ng nanay ko. Heje
Good evening tropapips! Gabi na naman. Pahinga na ng mga nag uuwian galing trabaho. At syempre dinner na ulit. Kainan na naman! Ganun lang ang routin ng buhay lalo na kung wala kang ginagawa. Parang ako. Hehe
Tulog na ako mga tropapips. Inaantok na ako. Wala din ako sa mood manood ng tv. Wala din ako sa mood maglaro. Masakit na kasi mga daliri ko kakadutdot ng celpon. Pahinga muna baka bukas di ko na maigalaw ito. Bye guys. Good night. Lav yah ol!!!?
Good morning ito kamumulat lang ng mata.. napabalikwas ako kasi tinanghali na naman ako ng gising. Sarap kasing matulog malamig lamig ang panahon. Malamok nga lang. Break fast tayo, sana meron makakain sa baba kasi iba kapag late na nagigising nangyayare nauubusan na hehe..
Lunch break na! Ano ulam nyo kami gisang kalabasa at fried chicken. Sarap ulam namin! Dito na ulit ako babawi ng kain dahil hindi ako naka almusal. Tara kain tayo mga tropapips ko jan.
Tapos kumain, tapos na maghugas. Maglilinis muna ako bahay dahil kanina tinanghali ako ng gising baka maratatat na naman ako ng nanay ko. Sinyorita na daw ako sa bahay. Hahaha pero ok lang ganun naman ang mga nanay mabunganga peri love ka din nila. Haha..
Malapit na mag 3 pm so its mean meryanda time na. Tipid tipid muna ako kasi wala na akong pera pambili ng pagkain. Ayoko naman manghingi at nahihiya ako. Ayaw ko din galawin ang naipon ko kasi balak ko sa pasko ko na bubuksan. Kaya tiis tiss muna. O kaya lalabas mang haharang ng manlilibre. Char lang haha..
Wala ako sa mood lumabas, wala kasi yun mga katambay ko. San kaya sila at hindi ako nayaya! Hindi na nga lang ako sa bahay nood nalang tv. Ano kaya magandang panoorin. Kailan kaya uli ako makakapagbakasyon sa lola ko. Di na ako makapaglaro ng axie ng tito ko. Sayang din yun. Kikita din ako. Jeje
Good evening topapips dinner time na! Tapsilog ang akin dinner ngayon. Nagluto mama ko ng tapa tapos yun tirang kanin siningag ko and then nag fried na din ng egg kaya tapsilo ang akin dinner. Hehe kayo ba mga tropa ano menu ngayon. Tara kainan na. Gutom na ako.
Ngayon palang magpapaala na ako, hindi dahil matutulog na ako dahil may kausap ako sa messenger. Nag uusap kami ng mga klasmeyt ko kung nakapag enrol na ba ang lahat. Yun iba kasi lumipat na kaya nakakasad din naman. Any way bukas nalang ulit. Minsan lang kasi ito matyempuhan lang na trip nila. Haha. Good night all sweet dreams sa mga matutulog na.
Good morning Tropapips! Mejo maaga aga ako nagising kaya makakaabot ako ng almusal. Sana may tinapay pa para makapag almusal. Kahit antok pa ako gigising na ako kasi nagugutom ba talaga ako. Haha. Matindi manggising ang sikmura talaga naman patatayuin ka sa gutom. Akala mo naman hindi kumain kagabi. Haha.. sige na at mamaya nalamg ulit ingat ang mga bibiyahe..
Good morning Fellas! So bored na talaga ako. Gusto ko na magpasukan para may gawin ako. Tapos na maglinis ng bahay para matuwa si nanay. Tapos ngayon tunganga na sa cp. Ay mag sasaing nga pala ako buti naalala ko. Kundi yare ako kay nanay ahha.. sige mmaya nalang.
Lunch time! Kumain na ba kayo? Ako katatapos lang. Busog much na naman. Gusto ko sana magsulat ng article kaso walang pumapasok sa utak ko. Hahah! Pero mamaya try ko kapag nakatulog ako kahit konti. Inaantok din kasi ako. Actually kanina pa ako antok. Di ko alam kung bakit. Sige na mamaya ulit hugas muna ako plato tapos na sila kumain. Toka toka kasi ang paghuhugas mamaya yun isa naman maghuhugas.
Gusto kong matulog pero bakit ganun sa tuwing ipipikit ko ang mata ko. May storbong dadating. Naman naman! Gusto ko lang naman marulog kahit mfa 1 oras lang. Huwag na sana akong storbohin naskit kasi ulo ko.
Sama talaga ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit. Ang sasakit ng daliri ko pati ulo ko masakit. Kaya iba di ko na mabalikan. Bawi nalang ako. Talagang iba ang pakiramdam ko ngayon.
Dahil sa sama ng pakiramdam ko, parang wala na akong ganang kumain. Ang masama inuubo pa ako. Hindi naman ako lumabas mg bahay bakit ganun. Nakasama ata ang hindi ko paglabas. Baliktad ata.! Sana omookey na ako. Saking kasi ng mga buto ko. Hayss!!!
Good night! Papahinga na ako para bukas nay lakas na ako. Ayoko ng ganitong pakiramdam, magirap! Kaya mag iingat po ang bawat isa. Mahirap ang magkasakit ngayon na nauuso din ito. Bukas nalang po! Mag iingat ang lahat!
Timaan na talaga ako ng trangkaso. Ang sasakit ng buto ko! Parang ayaw ko ng kumilos dahil sa sakit. Pero need ko kumain para lumakas ako. Ayoko tumagal sa katawan ko ting sumpa. Baka pagkamalan pa na may covid ako. Kung kailan di ka naglalabas tsaka ka naman tatamaan. Hays ang hirap ng may sakit!
Hindi pa din ok oero pinipilit maging ok ang nararamdaman. Yun kinain ko kanina sinuka ko lang. Sana mamaya kapag kumain ako hindi ko na isuka. Ang hiral kasi.! Pasilip silip muna ako. Basta babawi ako kapag ok na ako.
Yung iba nag memeryenda na ako nakihiga pa din at masama pa din ang pakiramdam. Gusto ko ng gumaling ayaw ko na nas kwarto lang at nakakulong. Akala ko kanina ok na.. ito na naman at umiinit na naman ako. Hays! Hirap ng may nararamdaman. Kaya kau tropapips ingat po tayo at iba ang panahon ngayon.
Gusto ko sanang sumama ang loob ko sa mga nalaman ko. Pero dahil tahimik lang akong tao, ipag papasa Diyos ko nalang ang mga paratang nila sa akin. Naturingan pa naman na kamag anak sisiraan ka. Saan ang hustiya.! Hindi ko naman sila inaano. Nandito nga lang ako sa bahay nagmumokmok dahil may sakit tapos ganun pa malalaman mo. Hindi ko alam kung ano meron sa akin bakit ganun siya sa akin.
Gusto ko lang mag good night sa inyo! Bukas naman po at need din po mag rest para mabilis gumaling. Uminom na din ako ng gamot para hindi ako nginigin mamaya. Ang hirap kasi kung kelan gabi tska ka susumpungin. Nag bili na din ako ng gamot incase lang na lagnatin ulit. And syempre may tubig na din ako sa tabi ko mas mabisa kasu magpagaling ang tubig para hindi madehydrate.
Good morning! Ang aga ko nagising, tawag ng kalikasan. Sabay inom na din ng gamot dahil iba pa din ang pakiramdam. Sana maging okay na pakiramdam ko. Ayoko kasi nandito lang ako sa kwarto nakahiga baba para lang mag cr. Nagpagawa na din ako ng salabat para sa ubo ko. Matigas kasi ito parang ang hirap ilabas. O siya balik muna ulit sa pagkakatulog. Ingats ang lahat.
Malapit ng magtanghalian, naamoy ko na yun niluluto ng nanay ko! Ewan ko ba mas gutumin ako ngayon na nagkasakit ako. Trip ko kumain kahit feeling ko masusuka ako. Pero sige pa din kain. Kayo po ano ulam nyo.
Another qr code again. And i accept! Nakakatuwa talaga si noise hindi nakakalimot magpasabog ng biyaya. Buti nalang nag open ako. Nawiwili kasi ako panooring ang trending na nagbebenta ng ukay ukay. Ang daming viewers pero puro tambay lang. Kahit natatawa sa kanya, nakakagood vibes haha..
Iniligo on na ang init ng katawan ko baka sakali mawala ang lagnat ko. Hindi din kasu ako sanay mg hindi naliligo feeling ko lalo lang akong magkakasakit. Tsaka mejo ok ok na din naman ako. Un ubo ko nalang ang problema. Ang kati kasi ng lalamunan ko. Kaya maya maya inom ako ng tubig at maya maya din ako na cr hehehe..
Nag enjoy ako kanina feeling ko gumaling ako dahil sa palaro kanina. Kahit hanap dito hanap dun nakeri ko naman. Kasi ang saya! Hindi ko alintana na may nararamdaman ako. Ngayon nga feeling mas ok na ako. Yun ata ang magpagaling sa akin. Haha.. sana meron pang kasunod. Kaya abang abang muna ako. Jeje
Gandang morning sa inyong lahat! Maulan ngayon! Balak ko pa naman labhan mga damit ko. Hindi kasi ako nagpapalaba sa nanay ko gusto ko ako naglalaba mg damit ko. Kaso hindi naman ñakisama ang panahon. Baka bukas nalang kapag maganda ang panahon. Tsaka kagagaling ko lang baka mabinat din. Konting pahinga din para mas gumaling na ako. nag almusal na ba kayo? Ako now palang may tasty dito at balak kong magluto ng itlog o di kaya pansit canton. Bahala na kung ano matripan…
Binili ni nanay sa akin para gumaling na daw ako. Iba daw kasi boses ko, parang malat na na paos. Dahil siguro sa kakaubo ko. Ang kati kasi ng lalamunan ko. Sabay natulo pa sipon ko. Hehe.. Sintones nga pala tawag namin jan. Peri sa tagalog dalandan ata.
Alam ko ang iba dito tapos na mag lunch. Syempre papahuli ba ako. At dahil gumanda ang panahon. Tinuloy ko na ang paglalaba. Automatic naman ang washing kaya hindi naman ako mahihirapan. Buti nalang heje.. Alam ko yun iba Jan busy sa panonood NG boxing. Di ko nga alam kung tapos na yun eh. Di ko din alam kung sinu nanalo. Hehe.. Happy lang tayo wag maging sad. Kahit ako punong puno NG sad pero pinipilit maging happy.
Magandang hapon sa lahat meryenda time. Pero ako walang ganang kumain. Siguro dahil kakainom ko ng tubig. Nabubusog sa kakainom ng tubig. Pero ok lang yan. Gusto ko din kasing mawala ang ubo. Mejo ok ok na din siya, kasi may nagturo sa akin na magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Sigro mga ilan araw pa, para lubos na mawala ang ubo ko. Kasi nakakahiya din lumubas ng bahay ng ubo ng ubo baka isipin pa na may delta variant ako o kya covid haha.. yun lang po! Meryenda…
Magandang gabi sa mga tropapips jan. Hapunan na naman, kakain na ulit tayo. Pero still walang gana. Hindi dahil sa may sipon ako dahil loaded na ata tiyan ko kakainom ng tubig. Pero pipilitin baka pumayat ako 😂 sayang ang mga kinain ko ng mahabang panahon. Kaya kain na kayo guys, wag kayo papalipas ng gutom masaya yun hehehe..
Tapos na yun inaabangan ko. Matutulog na ako! Inaantok na din ako at maaga ako nagising tapos di man lang nakaidlip sa kaninang hapon. Talagang gusto ko lang makita si madam inuts, kasi natutuwa ako sa way ng pagtitinda niya online. Paano bukas nalang ulit tayo. Good night all.
Magandang umaga! Aga ko magising maaga din kasig nakatulog! Ginising din ako ng kumakalam kung tiyan. Inshort nagugutom na. Gusto na mag break fast. Ikaw ba naman makaamoy ng niluluto ng nanay mo hindi ka ba magigising. Naamoy ko yun siningag, amky ng bawang, basta! Hahaha sige kakain muna ako. O kaya sabayan nyo din ako.
Tanghalian na pero wala pa kaming ulam, wala ata sa mood ang nanay ko magluto haha. Malamang ito mag bukas nalang sardinas o kaya tanungin ko nalang nanay ko kung ano iluluto ako nalang ang magluluto hehe..
August 16 pala ngayon. Monthsary namin.! Nakalimutan ko siyang batiin. Sorry naman bebe koh at busy lang kakadut dot ng cp. Tapos ilan araw pang may sakit. Hindi ko nga alam kong ok na ba ako o hindi. Dahil ang binti at braso ko nakakaramdam ng paoamnhid. Ewan! Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Akala naman mababasa niya dito. Syempre message ko nalang siya. Hehee
Nakakaantok naman pero hindi makatulog. Namamanhid kasi binti ko sa di ko malaan. Kaya naisip I mag meryenda nalang sakto may dumaan na dalawang bata na naglalako ng turon, tinawag ko at bumili ako ng 2 turon at 1 bananaque, ako lang po ang kakain kasi ako lang mahilig ng ganitong pagkain. Syempre inalok ko din sila kung gusto nila kaso ayaw nila kaya ako nalang kakain. Busog na namn si tummy hehe
Nakaidlip ako dito sa sala namin! Nanonood kasi ako ng mga dogs kung paano sila paamuhin. (Akala mo may dog eh!) Mahilig lang talaga ako sa mga aso pero wala akong kakayahan mag alaga kasi baka mapabayaan ko. Kaya minsan kapag lumalabas ako yun mga alagang aso ng mga kaibigan ko sila yun nilalaro ko. Gusto ko mag alaga kaso bawal sa bahay dahil nagagalit ang tatay ko. Kaya hanggan himas nalang sa ibang aso na maamo. Hehe
Good night na sa inyo. Inaantok na ang inyong lingkod. Barado na naman aking ilong, hindi na naman ako makahinga, sa bibig na naman ako naglalabas masok ng hininga ko. Kaya nangayyare ang labi ko tuyot na naman. Ayaw na akong lubayan ng sipon at ubo. Lahat na ginawa ko. Mananawa din toh tulad dati. Basta inom lang lagi ng tubig para yun makating lalamunan mawala. Nakapag mumug na din ako ng maligamgam na may asin. Syempre dahil nalahiga na ako bukas na ulit. Tubig nalang!…
Good morning! Tinatamad pa akong tumayo! Maaga na naman nagising kasi maaga din natulog. Pero ok na din para makapagpaaraw kahit masakit na sa balat ang araw. Haha.. baka ito susi o gamot sa akin. Ilan araw din kasi akong late bumangon at hindi na naarawan. Baka ito maging lunas sa akin karamdaman, ang init na galing mula sa araw. Ooh diba! Wala naman masama kung susubukan. Hehe..
Good morning again! Lagi tayong magpasalamat sa mga biyayang pinagkakaloob sa atin ng Mahal na Panginoon sapagkat hindi niya tayo pinapabayaan.
Wala ako sa mood ngayon. Feeling ko talaga bumalik na naman. Ayoko ng ganito. Pabalik balik ang lagnat. Umay na ako kakainom ng kung ano ano para gumaling lang. Hays. Hirap!
Ngayon lang tinablan ng gutom kanina kasi sama na naman ng pakiramdam ko, itinulog ko muna para mawala. Kaya ngayon ako kakain. Sana tanggapin ng sikmura ko.
Puro pagkain ang nakikita ko! Nakakagutom pero still walang gana. Dahil plema sa dibdib ko. Balak ko naman mag dikdik ng oregano. Kaya siguro ako nilalagnat dahil sa plema di maalis alis. Masyado akong pinapahirapan. para kasing nakabara sa lalamunan ko. Nakahit iubo ko ng todo ayaw niya mawala. Try ko lang! Marami naman tanim ang nanay ko kaya subukan. Sana makayanan ko ang lasa.hehe
Magpapaalam na ako! Akoy antok na! Lagi din kasi akong inaantok. Siguro need din ng maraming tulog at pahinga. Gusto ko nga sanang pigilan ang sarili ko na wag muna gumamit ng cp kaso...mas lalo akong naboboring. Lagi lang kasi akong mag isa. Kaya di ko mapigilan mag laro at tumingin sa mga social media. Tapos non sleep ulit. So paano naa bukas ulit. Magpapahinga na ako. Sana bukas ok na ako. Namimiss ko na ang labasan. Namimiss ko na mga pagkain sa labas. Ang isaw kwek kwek…
Good morning! Ang haba ng tinulog mula 9:30 ng gabi hanggan 9 am, mukang di healthy sumakit ang katawan sa sobrang tulog. Hehe
Try ko naman ang luyang dilaw na may kalamansi. Wala palang lasa ang luya, kasi ang nalasahan ko lang yun kalamansi. Mejo pinalamig ko muna para mainom ko ng unti unti. Sarap sa pakiramdam. Pinagpawisan ako.
Grabe ang tamis nitong orange na ito. Sorry ahh wala ng laman, balat na lang. Nakalimutan kong picturan, pero sarap at seedless pa. Kaso ang mahal. 200 1k kaya 5 pcs lang binili ko. Pero balak ko ulit bumili kasi ang sarap eh hehe
Umulan na, naibsan na ang init ng panahon. Pero saglit lang yun ulan kaya pwese na din. Wag lang yun parang bagyo, na dadaan lang para magpabaha. Hehehe Minsan hindi natutuwa kapag sobrang lakas ng ulan, feel ko mabubuwag ang bahay hehe.
Grabe ang kapaligiran namin kulay orange. Gusto ko sana picturan kaso natatakot ako lumabas kasi nakidlat at nakulog. Ang gara talaga ng panahon, biruin mo ang buong kapaligiran nag kulay orange. Sa inyo din ba?
Tulog na ako bukas ulit. Sana bukas magaling na ubo ko. Nakakapagod din kasi umubo ng umubo. Nasakit na yun tiyan ko, tagiliran ko pati na likod. Nakakapagod na. Hindi ako makakilos ng maayos. Ang dami ko ng gawain na tengga. Sana maging ok na ako. Lord pagalingin nyo na po ako, ang hirap po kasi. Kulang iluwa ko ang lalamunan ko mawala lang ang kati. Lord kayo na po bahala sa akin. Alam kong di niyo ako pababayaan. Amen.
Nagpakulo ulit ako ng luya na may bawang, para gumaling na ang ubo ko. Maganda sana kung may honey kaso hindi ko alam saan bilihan non. At sa totoo lang ayaw ko talaga lumabas ng bahay, dahil ayoko makahawa. Sana gumaling na ako. Lahat gagawin ko gumaling lang ako.
Magandang hapon. Tapos na mag lunch, tapos na sa hugasin at naglinis na din ako nag kwarto. Mejo ok ok na pakiramdam ko. Sana magtuloy tuloy na! Kasi napakahirap ng may ubo. Yun maya maya nangangati lalamunan. Kaya naman lahat sinubukan ko. At ito hindi na masyadong inaatake. Salamat din pala sa mga nag advice sa akin kung ano yun mga dapat gawin. Malaking tulong din po sa akin yun. Dalangin ko lang nasa tuloy tuloy na ito. Maubo man pero hindi na katulad ng nakaraan araw.
Ano ang meron at kulay orange ang araw! Kahapon kulay orange kapaligiran with kidlat at kulog ngayon ang araw, ano kaya pinapahiwatig ng kalangitan sa atin.
Goid night mga tripapips, kontis rest pa sa patuloy na paggaling. Kanina lumabas ako, kasi miss na miss ko na mga kachokaran ko.. nagtanong din sila bakit hindi ako naglalabas sabi ko nagkasakit kasi ako, at sa totoo lang hindi pa ganun ka fully recovered. Ayun sabay mga nagtakil ng mukha hahaha inaasar ako baka daw may covid na ako. Syempre sabi ko walang iwanan dapat. Haha pero saglit lang din ako sa labas. Lumanghap lang ng hangin kasi iba pa din ang hangin sa labas.…
Good morning! Today is friday! Malapit na rest day ng mga may trabaho hehe. Pansin ko lang, kanina nagbukas ako ng fb puro naka post sila ng kandila, sign na namatayan sila. Nakakalungkot lang kasi bihira lang ako sumilip pero karamihan pa makikita ko ganun. Kaya po ingat po tayong lahat stay healthy. Wag kayong tumulad matigas ulo. Hehe. Kaya ito nagkakasakit. Takot naman ako mag pacheck up baka sabhin suspected ako ny covid, whick is totoo naman dahil sa klase ng ubo ko at…
Tanghalian na! Tinola ang ni request ko gusto ko kasing humigop ng sabaw na mainit init pa. Ilan araw din kasi na ang ulam namin ay puro prito, hindi naman bagay sa akin. Nangayyare wala akong ganang kumain. Pinipilit lang talaga. Sa ngayon napadami kain ko kasi sarap ng tinola. Namiss ko talaga. Kain na kayo, wag mag papalipas. Mahirap ang gutom mas nakakawalang gana kumilos..
Hello! Magandang hapon! Nakameryenda na ba kayo.? Ako kakagising lang. Laging antok siguro dahil nakuha pa ng lakas mula sa pagakkasakit ng ilan araw. At wala din naman mamemeryenda walang tinapay laging ubos. O siya maghahanap muna ng makakain at nagugutom ako. Ingat ang mga lalabas bahay.
Sapian sana ako ng sipag para makapagtiklop ng damit. Mag iisang linggo na ang tiklupin ko hanggan ngayon tiklupin pa din. Malapit na din mag dinner nakapagluto na ba kau? Basta ako may ulam na na yun tinolang manok. Yun talaga ang trip ko ngayon. Gusto ko kasi may sabaw para lunok nalng ng lunok haha. Wala ng nguyaan. Haha..
Salamat at sinapian ako ng sipag. Nakisama ako aking katawan para magawa ko ang mga naiwan na gawain ko. Nakapag linis din ako ng bahay., Salamat at hindi na din ako umuubo ng sobra, na dumating sa point na pari lalamunan ko gasgas na sa kakaubo. Sa ngayon ang pang amoy ko nalang ang iniisip ko kung kelan babalik. Hindi ko kasu ma feel ang mga kinakain ko, nalalasahan ko pero parang may kulang, hindi ko maamoy. Pero alam kong hi di ako pababayaan no God na hindi bumalik yan.…
Good morning tropapips! Hindi na talaga ako makatagal sa cp, nasakit na ulo ko kapag masyadong exposed sa celpon. Kahit sobrang baba na ng light ng cp ko nakakahilo. Hindi kaya may prblema na din ako sa mata..haha ano ba yan. Haha
Maulan na hapon sa atin lahat! Heto na naman ako at ngayon lang ulit nakapost. Pinahinga ko muna mata ko baka sakali mawala ang pagkahilo kapag nakatitig sa cp. Pero tingin hindi dahil sa pagkatitig sa cp kundi sa sipon na hindi makalabas. Masakit sa ulo. Diba nawala nga yun ubo, sipon naman. Hays. Kailan kaya aki lulubayan.. nakakapagod na din naman.
Good night sa lahat! Maaga na naman ako matutulog. Lagi kasi akong inaantok. Masarap din kasing matulog dahil sa panahon ngayon. Sana gumaling na din ako. Matagal tagal na ang sakit ko at ngayon lang nangyare aa akin na nagtagal ang sakit sa akin. Dati inuman ko lang ng biogesic kinabukasan ok na ako. Ngayon inabot na ng isang linggo ito masama pa din pakiramdam. Pero hindi na katulad nun nakaraan. Mejo ok ok na din ako. Pang amoy ko nalang at yun pagsakit ng ulo ko ang…
Good morning, Today is Sunday And its Family day! Kumpleto kami ngayon. Kaso bawal ako maglalapit sa kanila, alam nyo kung bakit! Kagagaling ko lang sa sakit baka madala pa akong virus na pwedeng makahawa sa kanila. Kaya ingat ingat din muna mahirap ipasa sa iba. Mas maige na mamatay na virus sa katawan ko kesa makapasa sa iba. Diba!
Magandang hapon. Mukang uulan na naman. Masarap matulog kapag ganitong malamig lamig ang panahon Sayang talo si Manny Pacquaio, pero kahit talo siya alam ginawa niya ang lahat para maitaas ulit ang bandera ng Pilipinas. Ok lang yan. Hindi laging panalo. Proud pa din ako. Kay PacMan.
Ang lakas lakas na naman ng ulan. Yung swimming pool namin maapupuno na ng ulan. Haha! Sarap sana maligo oh! Kaso hindi pa ako pwede! Baka imbis na gumaling ako baka lalo pang lumala haha.. pero nakakainggit kasi naliligo sila sa ulan ang saya saya lang nila.
Arroz caldo lang sapat na para sa akin. Yan ang almusal ko ngayon. Amoy pala talagang gugutumin na kayo. O diba may pang amoy na ako.. unti unti na kasing bumabalik ang pang amoy.. nakakatuwa! Gaganahan na akonh kumain basta naamoy ko ang kinakain ko. Good morning noise pips!
Magandang hapon sa lahat! Umuulan at kumukulog at kidlat na naman! Kapag ganitong oras ganito ang panahon sa amin. Kaya kung kayo maglalaba umaga palang maglaba kasi kapag ganitong oras umuulan na. At syempre kulog at kidlat nakakatakot ang tunog parang hindi ka talaga bubuhayin kapag tinamaan ka. At kuryente namin patay sindi din, dahil sa kulog at kidlat kaya yun ref pinabunot sa akin baka masira. Meryenda na po! Kain po kayo kung meron ako po kasi wala hehe..
Good morning mga tropapips! Tuesday na pala. Mahigit isang linggo na din ang ubo! Ganito talaga ako ubuhin matagal bago gumaling. Naalala ko nga noon, halos isang buwan akong inubo bigla nalang din nawala. Nanawa din sa akin. Pero iba kasi ngayon, kapag inubo ka hindi ka pwedeng magpakalat kalat aa kalye kasi isipin ng tao na may covid ka. Iba talaga ang panahon noon hindi nakakatakoy magkasakit ng ubo tsaka kahit papaano madali lang magpacheck up hindi tulad ngayon. Ang…
Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay! Lakas na naman ng ulan. Mejo napaaga ata siya ng pagbagsak ngayon. Sa akin ok lang naman ang umulan wag kikidlat at kukulog takot kasi ako. May napanood ako sa fb, habang naulan vinivideohan niya hanggan sa kumidlat. Hindi ko alak kung tinamaan ba yin nag video o ano kasi wala naman updat. Pero sana hindi. Kasi naiupload pa yun nakuhaan niya eh. Nasa loob na siya ng bahay pero may chance pa din na tumama sa bahay. Kaya mahirap…
Gandang hapon noise pips! Kamusta na ang lahat! Kamusta ang araw nyo. Ako eto ilan araw na nakakulong sa bahay. Miss ko na lumabas. Lagi kasi akong inaantok kaya mas minabuti ko na lang matulog kesa lumabas. Atsaka maulan din ngayon. Miss ko na mga kachukaran ko sa labas. Ayaw ko naman ipasa sa kanila ang nararamdaman ko, mahirap na. Kayaa stay at home lang talaga ako sa bahay. Lumipas na nga bday ko pero bahay pa din. Ayaw ko din kasi ng naghahanda para walang napapagod…
Good morning! Nakaugalian ko na uminom ng pinakuan na luya every morning! Nasasarapan na ako. Masarap din kasi sa sikmura lalo na pagnaiinitan. Pinapaluwag niya ang mga plemang nakadikit sa lalamunan kaya hindi na ako hirap umuubo. Sa may mga ubo jan pinakuluan luya lang ang sagot lalo na kung nangangati ang lalamunan mo, eto talaga ang pinakadabest. Maganda din kung may kalamansi o lemon. Kaso yun akin di ko na nilagyan, nahapdi na kasi ang sikmura ko. Luya nalang.. Sa mga…
Buti nalang hindi umulan ngayon araw na ito. Halos araw araw naulan dito sa amin. At goid news magaling na ako. Yehey! Hindi na nasakit ang ulo ko. Nakakatulong na ako sa nanay ko. Yung ibang mining ko dito sa co naasikaso ko na. Sana makapagbreed din ako sa dragonary. Pinag aaralan ko pa paano bumili ng cyt di ko talaga ma gets hehehe.
Goodnight mga tropapips! Antok na ang inyong lingkod. Need more rest pa din para tuluyan na nawala si ubo. Miss ko na din si labas, wala na akong balita sa mga kachokaran ko sa labas. namimiss ko na kumain ng isaw at kung ano ano sa labas. Pero alam ko sa sarili ko na magaling na ako. Pero more rest pa din at bawal mag puyat. Ayaw ko na bumalik ang sakit na yun, feeling ko kung mahina ka mamatay ka. Kasi ang hirap talaga. Thank God pa din at hindi niya ako pinabayaan. At sa…
Thursday na agad! Bukas friday na. Wala lang ganun pa din naman eh. Kaso habang tumatakbo ang araw, palapit na ng palapit ang pasukan. Hays! Ilan araw nalang september na. At talagang nalalapit na. More bakasyon pa sana dahil hindi ko naenjoy ang bakasyon ko. Pero ganun talaga, hindi naman pwede na pahintuin ang pagtakbo ng panahon. Isa lang sana ang dalangin ko. Matapos na si covid para malaya na ulit makapasok sa paaralan. Iba pa dib kasi papasok ka sa school at nakikita…
Gatang kalabasa na may malunggay ang amin ulam today! Namiss ko ito! Request ko sa nanay ko na mag gata naman. hindi ko lang napicturan yun fried chicken nakita ko kasi na nilalantakan na mga bulilit haha. Siguro yun iba tapos na magtanghalian, kami din naman ngayon ko lang na iflex ang ulam namin. Hehe.. #gandanghaponsalahat
Good nighy na sa inyo! Naiintriga ako sa affiliate. Dati dami kong na invite hanggan sa di nalang sila nag noise kasi noon ft pa. Ayun ewan ko sa kanila bakit sila tumigil. Tinamad na ata. Haha.. Pero try ko ulit silang yayain malaan pa kapag nakalabas ako. Sa ngayon kasi tamad pa din akong lumabas ng bahay, feeling ko kasi iba ang hangin ngayon. Parang nakakadala na magkasakit. Ang hirap kasi. O sge na matulog na ulit ako. Bukas ulit..
Hi good morning! Kakamulat lang ng mat co agad ang hawak mag noise na! Ano almusal nyo ako mukang naubusan na at late na ako nagising. Napasarap ang tulog ko. Kagabi kasi halos pass 10 pm nakatulog kaya siguro late ako nagising. Friday na agad ngayon bukas yun iba restday na nila. O diba ang bilis ang panahon. Tapos kami september na pasukan. Oh no malapit na.!
Pumunta ako sa tindahan ng tita ko ng makita ko ang cute dog na ito.. ang taba at ang balbon niya. Basta ang cute niya. Sarap niyang yakapin at ang bait pa. Gusto ko sana hingiin kaso bawal ang hayop sa bahay kaya hanggan hiram nalang muna ako. Cute talaga niya!
Saturday morning sa lahat! Ang bilis talaga ng araw noh! Sana ganun din kabilis mawala si covid! Anyway taho kayo jan. Sa wakas naabutan ko din. Ilan araw kasi akong tanghali na magising o kaya tamad tumayo kaya hindi nakakabili ng taho. Kaya ngayon this is it nakabili na haha... Tara kain tayo mga tropapips! Good morning sa lahat.
Kung kahapon ang ulam ko ay tocino ngayon naman corn beef. Ewan ko ba bakit ganyan ang mga trip kong iulam. Siguro nagsasawa ako sa mga lutong bahay, gusto ko yun easy to cook. Mamayang gabi nattripan ko naman ulamin maling naman. Mamaya na ako bibili kapag sinipag akong lumabas. Pero kung hindi yun luto ng nanay ko na sinigang na manok. Hehe.. kain na kayo guys wag magpapagutom. Ako ngayon lang ulit nagbabawi ng kain. Ilan araw din akong walang ganang kumain dahil tinamaan…
Fries and hotdog sandwich ang meryenda ko, naubos ko nga lang ang hotdogsandwich, di ko na napicturan. Nakakabawi bawi na ako sa pagkain kasi naamoy ko na kasi sila. Mas maige na tumaba ulit kesa namayat sa pagkakasakit, pangit kasing tingnan.. Meryenda tayo guys... Magandang hapon sa lahat.
Good night! Akoy magpapahinga na para maaga magising bukas. Linggo kasi kaya kumpleto ang pamilya. Kapag linggo lang kami kumpleto kasi may trabaho ang iba dito sa bahay. Bonding sa kainan na naman to bukas. Buti nalang magaling na ako. Maeenjoy ko na ang pagkain.. yehey! Ingats sa lahat. And God bless po sa lahat!
Sinigang na salmon na may Hipon! Sarap ulam namin ngayon.! Hindi pa nga lang niluluto kasi late na nakapamalengke ang nanay ko. Naglaba pa kasi pero ako na nag tuloy ng nilabhan niya para makapamalengke siya. Good morning nga pala sa inyo. Kamusta ang umaga niyo. Siguro abala dib kayo kasi sunday is family day. Ingat sa lahat!
Salamat sa jowabels ko na may pasalubong sa akin ng teryaki burger with fries. Busog lusog na naman ako.. Tara meryenda tayo guys! Bihira lang toh hehe...
Good night na sa inyo. Monday na ulit bukas, pero ang alam ko haoliday bukas, kasi walang pasok si jowabels kaya bukas magkasama ulit kami. Ang ganda din ng episode ng kmjs ngayon, kasi nga lang di ko na tinapos, umakyat na kasi ako sa taas, gusto ko na kasi mahiga nasakit na likod ko kakaupo. At syempre antok na dib. Kaya bukas kita kits uli dito. Magandang gabi at tulog ang inaantok.
Good morning! Natuwa lang ako dito sa bulaklak na ito. Kahapon ko pa siya pinag iinitan. Kaya ginawa ko hinukay ko yung pinaka ugat at tinanim ko sa paso. Diba ang ganda niya. Kunin ko pa yun iba dun sana walang makapansin. Damo lang siya pero ang ganda kapag namulaklak. Kita naman sa picture diba... Hehe
Nakalibre ng manok! Bigay ng tatay ng jowabels ko. May pang adobo na ako. Kasama pa ang dalawang paa. Hahaha! Salamat sa Diyos at malaking tulong din ito isang buon manok. Magkano din ito diba. Hehe
Kakauwi lang galing SM nag canvass kasi kami ng Celpon. Wala pa din napili ang jowabels ko. Ako marami akong napili kaso walang pambili. Haha.. next time na ako pag nakaipon na ako. Tapos tamang food trip na din. Kahit anong food na makita sige lang. Mukang nabawi jowabels ko sa akin haha..
Good night mga tropapips! Kapag ganitong oras antok na antok ako. Dati naman 11 or 12 gising pa ako ngayon naman grabe sa antok kapag ganitong oras. Tapos tanghali naman magising. Matakaw talaga ako sa tulog, mas masarap kasing matulog lalo na kapag maganda ang panaginip. Parang minsan ayaw ko ng magising. Haha.. pero syempre magigising pa din. Masarap pa din mabuhay.. O siya bukas ulit. Good night all. Mwah mwah tsup tsup!
Kakauwi ko lang galing sa site ng internet. Pinaboost kasi namin ang amin internet para makatipid at mapabilis ang internet connection namin. , Makakatipid ako ng 300 pesos. Kung dati ang babayaran ko ay 1399 ngayon 1100 nalang. O diba. Sayang din ang 300. Good morning sa lahat.
Inaantok ako. Ang aga ko kasi nagising, kasi may nilakad ako. Ngayon ang mata ko hinihila papikit, pero parang ayaw naman ng utak ko na matulog. Napipigil ko! Wala din ako sa mood manood o maglaro ng kung ano ano. Basta gusto ko lang humiga. Dami din kasimg pumapasok sa isip ko. Bahala na kung makatulog o hindi. Basta mahalaga nakakapahinga ako.. magandang hapon!
Yes nakalibre ako ng meryenda! Shawarma in the house. Ngayon lang ulit nakakain kumg hindi pa dumaan ang barkada ko hindi ako makakalibre mh shawarma. Sarap din talaga ng may kaibigan na mabait. Ako lang hindi.. charot! Haha...