read.cash Log in
R@Rena

Mahalin Mo,Pamilya Mo

Kahit anong gawin mo sa buhay Pamilya parin ang lagi mong kaagapay Bigo ka man sa buhay, pero sila'y adyan para umalalay Hindi ka iiwan hangga't sa huling hininga ng kanilang buhay Papagalitan ka't pagsalitaan ng masama Yun ay para ika'y itama sa mali mong paniniwala Magalit man sila sayo pero saglit lang at ito'y huhupa Di man lahat perpekto, iyong nakikita sa pamilya mo Pero andyan ka din at kabilang ka na Peding itama ang pagkakamali na iyong nakita Wag mong balewalain dahil kasama ka Na peding masira ,mga pangyayari kung di mo ito itatama. Pagtulungan sa pamilya ang higit na kailangan Para pamilya mo'y matibay kahit anong unos pa ang syang hahagupit Bawat isa nagsing kapit bisig para wag matangay Unos ng buhay ,malalampasan pag ikaw matatag at ikay magtagumpay. Masarap pakinggan kung bawat kasapi ng pamilya ay nagtutulungan Di maiwasan na kaka inggitan pag yang pamilya mo ay ganyan Matiwasay na pamumuhay at nagdadamayan Mga problema'y di mahihirapan,sa paglutas nito at dyan ka aalalayan. Pero di mo mawari na sa bawat sulok ng mundo May kanya kanyang pag uugali ang bawat tao May mga nagkakaisa na pamilya, at may nagkakagulo-gulo Dahil sa di pagkakaunawaan ang mga ito. Pahalagahan mo ang pamilya mo habang sila'y nandyan pa para sayo Pag dating ng panahon sila ay pumanaw at mabubura na sa mundo Di mo na maibabalik ang panahon kung kailan gustuhin mo. Mahalin ang pamilya, at pahalagahan ito.Tatanda at lilipas din tayo,nawa'y alaala natin di mabubura sa mundong ito.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.