read.cash Log in
@Reana more from that month

Nakakapagod **Nakakapagod pala, nakakapagod umintindi ng taong kahit kailan hindi ka iniintindi sa kung anong nararamdaman mo. Minsan napapatanong nalang ako sa sarili ko kung deserve ko bang masaktan ng paulit ulit, dahil sa pag-ibig? Ilang beses na nangyayari sakin ito pero hindi ako nadadala.** Alam naman nating lahat kapag nasa isang relasyon ka hindi maiiwasan hindi masaktan. Pero minsan kahit anong gawin natin o ipilit natin, kung ayaw na satin ng taong mahal natin at minahal natin ng sobra wala na tayong magagawa, wala tayong magagawa kapag sila na mismo yung bumitaw. Sobrang hirap tanggapin na akala mo siya na yung makakasama mo, kayong dalawa na yung magtutulungan hanggang dulo pero hindi pala. Sa una mo lang mararamdaman yung kilig, pero kapag nasa gitna na kayo ng relasyon puro na away. Minsan walang magpapakumbaba pataasan kayo ng pride, naghihintayan kayo kung sino yung susuyo sa inyong dalawa. Madali o mabilis maayos ang pag-aawayan niyo kapag may isang taong magpapakumbaba, hindi lang puro saya o kilig kapag pumasok ka sa isang relasyon. Kaya ikaw, kung nababasa mo ito ngayon. Wag na wag mong iiwan yung partner mo dahil sa pinag aawayan niyo o dahil sa problema na meron kayo ngayon. Maaayos at kaya niyong ayusin yan, magtulungan kayong dalawa. At kung iniisip mo na iiwan yung mo yung partner mo ngayon dahil sa ugali niya, wag na wag mong gagawin. Isipin mo muna nung panahon na naging pangit din yung ugali mo sa kanya tinanggap ka niya at hindi ka niya iniwan. At kapag iniwan mo yan, magsisisi ka. Sabi nga nila palaging nasa huli ang pagsisisi. Hindi kayo nagkakaintindihan ngayon, kumalma ka muna. Kausapin mo siya kapag maayos na yung pag iisip mo at wala ka ng galit. Minsan kapag galit tayo hindi na natin alam yung lumabas sa bibig natin, nakakapagsabi tayo ng masasakit na salita na ikakasakit pa lalo ng taong mahal natin. Basta lagi niyong tatandaan na kapag pumasok kayo sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang masaktan. Kahit kanino ka makipag relasyon mararamdaman mo yan. Sana may natutunan kayo.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.