read.cash Log in

@Rainbow

Joined 11 June 2020 · 66 posts

Rainbow

120 KT

0 KT · 3¢ received · 0 KT given

Posts

@Rainbow

Okra Madaming tao ang ayaw nito !dahil siguro slime ng okra..masyadong madulas kapag ito ay kumakain.pero isa ito sa mga paborito Kong gulat.alam moba na ang okra ay madaming benepisyo ito sa ating katawan? Maganda ito sa may dyabetes,sa puso ,sikmura,bato ,at madami pang benepisyo.at kung ikaw ay constipated napakaganda nito dahil mayaman ito sa fiber.ang dapat molang gawin paggising mo ng umaga uminom ka muna ng maligamgam na tubig at mag hintay ng Trenta minutos.pagkatapos maglaga ka ng mga sampu o labinglimang okra .huwag I overcook..kainin lamang ito .gawin ito tatlong beses maghapon .at tiyak tatawagin ka ng kalikasan.ugaliing kumain ng mga gulat para narin sa ating kalusugan.

@Rainbow

Reklamador Para ito sa mga asawang lalaki na laging nagrereklamo sa kanilang asawang Babae!! Pag uwi in Tonio galing sa trabaho..nadatnan niyang wala pang pagkain ,dahil di pa nakapagluto ang asawa sa kadahilanang katatapos lang nitong maglaba ng sang katerba..Lima ang anak ni tonio ..sa init ng ulo nya ! Lumabas nalang siya ng bahay at naglakad lakad may nasalubong syang isang matandang hermitanyo.;ano't naliligalig ka kaibigan?may suliranin kaba ?banggit ng matanda.! Pagod na pagod na po ako .maghapon akong nagtatrabaho at ito pa ang madadatnan ko! Ano bang gusto mong mangyari kaibigan? Gusto ko po sanang magpalit kami ng aking asawa kahit sandali lang ! O siya masusunod ang nais mo tugon ng matandang hermitanyo! Kinabukasan laking gulat nya ng magpalit sila ng asawa niya ..maagang gumising asawa niya at nagtrabaho na ..si Tonio naman nagluto ng almusal,naglinis,naglaba,nagpakain ng mga anak,nagpaligo,nagbayad ng mga bills,pumunta ng palengke, nagbayad ng internet,pag uwi nagluto ulit,nagpakain ulit ng mga anak, naglinis ng pinagkainan,maiingay pa ang mga anak..naging lantang gulay siya ng gabing iyon! Kaya hinanap niya ang matandang hermitanyo at ng matagpuan niya ito ! Ginoo kung maaari po pagpalitan nyo na ulit kami ng aking asawa..ngayon ko lang nalaman na mas pagod pala ang asawa ko kaysa akin! Masusunod ang sabi ng matanda; ngunit buntis ang asawa mo at kailangan mong maghintay ng siyam na buwan para manganak..

@Rainbow

Paragis Nakainom kanaba ng pagaris tea o yung pinaglagaan ? Unfairness masarap siya at lasang mais lang ..although nakilala na ang paragis sa social media noong unang panahon pa ginagamit ang herbal na ito sa atin ..lalo na ng mga matatanda..ang Lola sa tuhod ito ang pinanggagamot niya sa cancer at atraytis nito ..madaming benefits ang paragis sa ating katawan ..kahit dipa ito aprubado sa fda. Iniinom ko to pag nararamdaman Kong mataas cholesterol ko at may infection sa uti..kung malalang sakit at karamdaman much better pa ding magpakonsulta sa doktor.

@Rainbow

Mana Story telling Mina tayo guys: Minsan may isang mayamang lalaki na napakapangit ng ugali,matapobre,mapagmataas,walang kinikilingan.pag mamay ari nya ang lahat ng acienda sa kanilang lugar.marami syang bakahan,at marami pang iba.ngunit siya ay madamot sa kabila ng kanyang yaman ay wala man lang siyang natulungan kahit isa.kaya naman sa kanilang lugar walang may gusto sa kanya..dumating ang panahon ang mayamang lalaki ay nagkasakit at naratay .kaya pinatawag nya ang kanyang abogado..dumating ang araw lalo syang lumala at namatay kalaunan..siya ay binurol sa isang magandang museleo ...minsan may isang dayo ang nakarating sa kanilang lugar ngunit napansin nya ang Patsy na wala man lamang nakikipag burol..laking pagtataka nya bakit kaya tanong niya sa sarili..kaya nagpasya sya na lumapit at tignan ang namatay..nasabi nito sa kanya ..kawawa kanaman..kinabukasan araw ng libing siya lamang ang nakipaglibing ..at tinitignan lamang siya ng mga tao at nagbulung bulungan ..pagkaraan ng maraming araw ..pinuntahan sya ng mga pulis at pinatawag..sumama nalamang siya.na nagtataka kinausap siya ng abogado at ibinigay lahat ng pagmamay ari ng mayamang lalaki sa kanya.at sabi bago namatay ang matanda nasabi niya sa akin naging gahaman ako at wala akong tinulungan kahit isa.kaya wala akong kaibigan at kakilala.sa pagkamatay ko ang unang tao na titingin sa ataul ko..ipagkakaloob mo sa kanyang ang lahat ng kayamanan ko..napagtanto ng mayamang kung walang nagmamahal sa kanya .bale wala din lahat ng kayamanan dito sa mundo.

@Rainbow

Budget Dahil pandemic at wala pang work till now..mas natuto akong magtipid kung dati 500pesos budget namin sa isang araw .ngayon 250 nalang ..sa umaga minsan pandesal at kape nalang then ang ulam na binibili hanggang gabi na..kailangan talagang maghigpit ng sinturon..atlist sa biyaya ng Diyos nakakain ng tatlong beses sa isang araw

@Rainbow

Payout na naman Yehey naka 3 payout na ko dito sa read.cash mukhang ginaganahan yata ako ha! Well kahit pakonti konti lang atlist legit at dika bigo sa site na ito..nagsusulat ako pag may time wala ng ginagawa sa bahay..more earnings to come.

@Rainbow

Bato sa apdo Mahilig kabang kumain ng mamantikang pagkain? Fried chicken..lahat ng pagkaing mayaman sa fat..well magkagayon prone ka na magkaroon ng bato sa apdo..ganon ang nangyari sakin nagkaroon ako ng bato sa apdo..that time buntis ako kayapalang sobrang sakit pag may ganito kang sakit..siguro di ako naging maingat nung araw.kaya nagkaroon ako nito bukod sa masakit sa katawan masakit din ito sa bulsa dahil sobrang mahal ang mag paopera ..kaya maging conscious sa kinakain .be healty

@Rainbow

Kakaibang pagkain Naranasan mo nabang kumain ng exotic food? Naranasan monabang kumain ng palaka? Masarap ito promise ..favorite Kong luto dito prito at betute..how about yung iba?kamaro ,salagubang,bawat bayan at bawat bansa may mga pagkain sila na para bagang di mo makayang kainin..gaya ng ipis, scorpion, tipaklong,alupihan,uod ,bulati,naku ang dami pa.siguro nga yung ibang kumakain into sanay na ang kanilang bituka.

@Rainbow

Fresh air Sa wakas dahil mgcq lugar namin kaya lumabas kami upang pumunta ng bukod nila Lola..ang lawak ng bukid nila at ang sarap ng hangin ..walang polusyon ..ang ginawa namin kumuha kami ng maraming mangga ,santol,guyabano,bayabas,atis,at avocado kumuha nadin kaming kamatis,payola,taking,okra, sobrang dami iba talaga ang probinsya.Kay sarap

@Rainbow

David Ano ba ang mapupulot nating aral sa buhay,ni David ? Isang pastol na nag aalaga ng mga tupa ngunit inangat at pinili ng Diyos na maging hari..siya din naman ang tumalo sa isang higante dahil kakampi nya Diyos ng Israel.mahilig siya sa musika at malapit ng tunay ang puso nya sa Panginoon.isang mapagpakumbaba..at kumikilala sa mga hinirang ng Diyos.kaya siya itinaas at naging hari ng bansang Israel.

@Rainbow

Champorado Magandang umaga po sa inyo ..nag request bulilit ko ngayong umaga na champorado daw ang gusto nyang almusal..kaya ayun maaga akong gumising at nagluto ng masarap na champorado ..gusto din ni mister na may partner itong tuyo.ako naman bumili ng mainit na pandesal na may cheese sa loob kaya busog na busog kami sa umagang ito.para may lakas sa mga gawaing bahay.

@Rainbow

Melinda Ang kwentong ito ay kathang isip lamang at hango lang ito sa malikot Kong imhinasyon..palike and comments ..salamuch Noong unang panahon . nakatira sa malayong kabyasnan ang pamilya ni Melinda ..may kaya sa buhay ang mga magulang nya kaya bigay hilig din sa lahat ng gusto ang dalaga...kaya naging makasarili din ang dalaga at at naging hangal ang pag iisip.at dahil nakukuha nya ang lahat ng gusto.ayaw nyang mawala ito sa kanya .kaya pinuntahan nya ang isang diwata sa gubat at humiling na magkaroon ng walang hanggang buhay..ibinigay naman ito ng diwata ..ngunit nagbabala ito na madami syang pagdadaanan na sakit ng kalooban dahil sa gusto nito.ngunit di ito pinansin ng dalaga..makalis ng mga taon namatay ang mga magulang in Melinda..at ito ay nag iisa na lamang .nalungkot sya ngunit binalewala nya ito.dumating ang araw na nakapangasawa si Melinda ng isang gwapong lalaki at nagkaroon sila ng dalawang anak..naging masaya silang pamilya ..ngunit nagtaka ang asawa nya dahil tumatanda na sya pero si Melinda parang dalaga padin..dumating ang araw na namatay ang asawa no Melinda kaya siya ay sobrang nalungkot.pati mga anak niya ay tumanda nadin at namayapa nadin.parang mababaliw si Melinda sa nangyari at naisip nya naging gahaman siya at naging makasali..dumating ang mga panahon ..at nag iiba ang henarasyon ngunit buhay padin si Melinda..nagsawa na sya sa buhay nya.dahil lagi syang iniiwan ng mga mahal sa buhay..anya di maganda na magkaroon ng buhay na walang hanggang dito dahil puro pighati nalamang ang nararanasan . Pasenya na sa kwento to Kong walang ka buhay buhay haha..

@Rainbow

Tinolang manok Gandang gabi sa inyo ..at dahil puro tuyo ang ulam kanina ,itlog na proto ,hotdog,kaya naisipang magluto ng tinolang manok para may sabaw naman ..ano bayan wala ng maisip na isulat haha..di bale kailangan lang hukayin ng to do ang isip para bukas.. May panibago nanaman.

@Rainbow

Mainit na hapon Hello muli katambayan ..I'm so happy dahil nakadalawang payout nako dito mga 12 pesos din yun mga katambay.maliit lang pero parang sulit din naman ...kaya pagpatuloy nating magsulat ..kahit pigang piga na si brain natin...hehe

@Rainbow

Thankful Salamat at may nagturo sakin nitong platform nato ..tiyak na lahat ng or as at effort mo ay siguradong may bayad..naka dalawang payout nako dito..at talagang nag eenjoy ako sa kakasulat ..kahit minsan wala kang maisip..tuloy parin.

@Rainbow

Lulu Noong unang panahon may isang magandang babae na nagngangalang lulu...nakatira sila ng kanyang ina sa malayong pook ng Italy a,mahirap lang ang pamilya ni lulu at maagang naulila sa ama kaya ang ina nalang nya ang kasakasama nya..sa araw nagpapastol siya ng dalawang tupa sa parang ..at nakikihingi nadin ng gatas ng baka sa kanilang kapitbahay na matanda...ang pagkain nila ng umaga nayun ay sopas na patatas at gatas lamang..minsan nagpasya ang dalaga na magtinda ng keso sa bayan para kahit papano ay mabuhay sila ng kanyang ina...pagdating sa bayan ..pumwesto siya sa gilid ng isang halaman at dun nagtinda ng mga keso..lumipas ang oras wala padin bumili ng paninda nya..nasabi nya sa sarili na baka umuwi sya ng walang dalang pera at di sila makakain ng INA..mamaya may isang magandang babae ang humingi ng konting keso dahil di pa daw sya kumakain..dahil likas na mabait ang dalaga binigyan nya ito ng isang piraso at kinain ito ng matanda.nagpasalamt ito sa kanya at bilang ganti binigyan nya ito ng panyong kulay pula..ilagay daw nya ito sa ilalim ng kama ..at tignan nalang kinabukasan..umuwi na si lulu ..at dahil walang benta..ng gabi ding yun kumain nalang sila ng keso..at naalala nya ang sinabi matanda wala namang mawawala kung susubukan..kinabukasan tinignan nya ang panyo at ito ay may pitong maliliit na bilog ng ginto.namangha ang dalaga sa nakita ..ipinagbili nya ito sa bayan at bumili ng madaming pagkain para sa kanila ng INA..dahil sa kabutihan ni lulu sya yamaman at nakapangasawa ng isang mayaman at gwapong lalaki.

@Rainbow

Kalabasang okoy Mga sangkap: 1 cup na ginayat na kalabasa 1 cup na harina 1/2 cup na cornstarch 2 malalaking sibuyas hiwain ng maliliit. 1tsp of salt 1 magic sarap 1 egg Paminta Procedure: Pagsamahin lahat ng sangkap,haluin lang ng mabuti Magpainit ng mantika at mag umpisa ng mag prito.. Para naman sa sauce: 1/2 cup harina 1/2 cup cornstarch 1/2 cup of sugar Toyo Paminta Tubig Paghaluin lang mga sangkap at lutuin...hanggang ito ay lumapot Kung ayaw mo naman ng sause Suka na may sibuyas at bawang ..dabest din ito enjoy.

@Rainbow

Tinapay na crocodile Hello ulit sa inyo mga katambay .ang bilis talaga ng oras ano? Hapon na naman ..ngayon lang nakapagsulat ulit na busy sa buong maghapon...naglaba,nagluto,naglinis,nag asikaso ng mga anak ..hay nakakapagod pag isa ka ng ina.pero syempre masarap pag may masayang pamilya...nakakawala ng stress sa buhay ...at dahil nga pagod buong ako maghapon ..bigla tuloy akong nagutom.at nag crave ng crocodile bread....pag uwi ng mister ko parang nabasa nya isip ko kung ano gusto ko.kaya ayun pasalubong nya sa akin crocodile bread he he..masarap ito kahit simpleng tinapay may palaman ito na cheese at condense sa loob kaya sya masarap..sabayan mo pa ng mainit na kape solve na.

@Rainbow

It's hard Ang hirap kumita ng pera no katambayan? Sumali nako sa doubler maraming bese na wala din akong napala..wala na ngang tubo lugi pa ang capital mo..sa mga mining site naman kahit isang beses di rin ako nakapay out,hayssss..sa mga telegram not ,messenger bot.wala ding napala nagsayang lang oras at pera..sa huli dismayo din..buti patong read.cash kahit pakonti konti may mapapala naman..gamitin lang ang imagination ,tyaga sa pagsulat, higit sa lahat habaan ang pagsulat para malaki ang point na matatanggap.

@Rainbow

Kwentong pag ibig in lola Kahapon ng hapon habang kami ay nag mimiryenda ...nagluto kasi ng pansit at biko si Lola. At habang kami ay kumakain ..nagsimula syang magkwento tungkol sa kanyang nakaraan na pag ibig.tandang tanda pa nya ang nakaraan .Taong 1954 si Lola ay 21 taon gulang palang.at dahil may lahi silang espanyol ..tisayin at napakaganda ni Lola..mahigpit ang mga magulang nya nun..at halos nasa loob lang sya ng bahay..isang araw ng linggo habang sila ay nasa simbahan ..may napansin syang lalaking matipuno na nagtitinda ng gatas ng kalabaw..at parang biglang lumukso ang puso no Lola ng oras na iyon pero di nya ito pinahata ..dahil dapat mahinhin ang mga babae noon..ngunit ang lalaki na ito kanina pa nakita so Lola at parang nalove at first sight ata sa kanya.kaya ang ginawa nya upang mapansin sya nito.lumapit ito sa kanya at inalok ang tindang gatas..nagpakilala ang lalaki at ang ngalan pala nito ay Pablo..yun ang umpisa ng kanilang pag iibigan ngunit Hindi naging madali sa kanila dahil tutol ang mga magulang in Lola..dahil isa lamang daw itong hamak na nagtitinda ng gatas ng kalabaw..di nawalan ng pag asa si Pablo ..ipinaglaban niya ang pagibig nya Kay Lola..nagsibak sya ng kahoy,nag igib ng tubig ,at kung anu ano pa ang kanyang ginawa para lang magustuhan siya ng magulang no Lola..lumipas ang mga araw,taon nagkaroon din ng puwang sa buhay ng magulang ni Lola si Pablo at pumayag na sila sa kanilang pag iibigan ...taong 1957 ikinasal sila lolo at Lola at nagkaroon ng labing apat na anak ..baog pa daw sya...at nagsama sila ng masaya...at ngayon wala na si lolo Pablo ..sa mga alaala nalang ni Lola ang nakaraan nila lolo..na minsan isang araw magkikita silang muli.

@Rainbow

Nano?Nanu? Ito ang madalas na sabihin sakin ng tatlong taong gulang na anak Kong babae.ang salitang nano o nanu ay kapampangan ..sa tagalog ay ano? Madalas syang magtanong ng nanu pangalan ng lolo ko?nanu palabas mamayang gabi?nanu ulam natin mama?nanu tawag dito? Nanu tawag doon? Sa sobrang dami ng tanong nya na nag uumpisa sa nano o nanu ..minsan bad mood ako at nakukulitan sa kanya..pero pagkatapos nun...niyayakap at hinahalikan..sobrang natutuwa ako sa aking bulilit ..dahil napaka bibo nya at matalino..siguro dahil sya ay lumalaki na kaya lagi syang tanong ng tanong tungkol din sa maraming bagay..yan ang aking bunsong bulilit.

@Rainbow

Gandang umaga Hello ulit sa into mga katambayan..ang bilis ng oras at araw.syempre kagigising ko lang kaya di pa masyadong makapag isip kailangan munang mag charge..at syempre di kumpleto ang araw kung walang kape at pandesal samahan mo pa ng keso.solve na..sana maging productive tayo sa araw na ito.mag spread lang ng good vibes para happy tayong lahat.

@Rainbow

Everlasting life Ang buhay natin dito sa mundo ay di permanente.kahit ayaw man natin o gusto.dun din tayo patungo.as we grow older ..nadedeteriorate o nasisira ang ating lupang katawan.nagkakasakit ito,nagkakaroon tayo ng problems,tumatangis,nalulungkot,sa mundong ito para lang tayong alien o turista na di permanente.di ito ang ating tunay na tahanan.ngunit sa kabilang banda paano ba natin makakamit ang buhay na walang hanggang?Pinangako ng ating Panginoong Hesukristo na sinumang sumampalatay sa kanya ay di mapapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.ang pangako ng Diyos sa atin ay bibigyan tayo ng buhay na kaayaya at kasiyasiya..purihin ang Panginoon sa kanyang kabutihan.

@Rainbow

Nakaraan Nakaranas kaba ng paglalaro noong bata kapa? Na halos wala ng uwian? Naranasan mo bang mamingwit ng palaka sa bukid ? Lahat ng laro nilaro Mona..tumbang preso, bahay bahayan ,syoto,larong bukit,baseball,ano paba ? Di na mabilang sa dami..o kaysarap alalahanin ang pagiging bata .para bagang walang problema...nakita mo naba ang bayanihan?para sakin noong unang panahon ..panahon ng payapa ,walang masyadong kaguluhan,malinis ang hangin,masarap maligo sa ulan.mura ang bilihin o kaya naman hingi kanalang sa kapitbahay mo.walang katulad

@Rainbow

Hello katambayan Natutuwa ako dahil mas nakatambay ako dito sa read.cash kesa sa social media..parang nahasa ulit at gumana ang na istabay na utak..stay safe lang po palagi.

@Rainbow

Hello sa inyo Isang maulang hapon po sa inyo.at dahil malamig ang panahon ..masarap magkape at making ng magandang awit ..para marelax.at lalong maging positibo ang ating panananaw.lalo na sa kinakaharap nating pandemya ngayon.stay safe po.at kung maaari stay at home.

@Rainbow

Hello po sa inyo Nakakatuwang isipin na may ganitong platform.. Na dati parang kinalawang na ang utak .dahil di ito masyadong nagagamit..salamat at nakita ko ang read.cash at gumana nanaman ang aking imahinasyon..bukod sa nag eenjoy kana kumikita kapa.

@Rainbow

Musta? Habang umuulan nakikinig ako ng soothing music.at nagkakape..nakakarelax at nakakawala ng pagod.

@Rainbow

Patotoo Nais ko lang ibahagi ang buhay ng aking asawa dati.bago nya nakilala ang Panginoong Jesus..sa panahon ng kanyang kabataan naging magulo ito dahil napakadami nyang barkada..bisyo dito bisyo duon.trobol lagi ang kahihinatnan.laging laman ng brgy. Nila.at talagang sakit ng ulo ng mga magula nya..matagal na syang pinapanalangin ng kanyang tatay hanggang sa dumating ang araw ng pagkatok ng Diyos sa puso niya..tinanggap,nya bilang tagapagligtas ang Panginoon. At binago ang kanyang buhay.kahit sinong tao wala makakapagbago sa atin.walang makapagliligtas sa tin tanging ang Diyos lamang ang makagagawa nito sa tao.

@Rainbow

Pulburon 1 cup flour, 1 cup sugar,1 cup skim milk.any milk will do..margarine procedure: tustahin muna ang harina hanggang ito ay mag brown at patayin ang apoy tapos ilagay ang asukal at gatas paghaluing mabuti pagkatapos mahalo ang lahat ng ingredients pwede mo ng ilagay ang margarine at haluing mabuti.palamigin bago ilagay sa molde .pwedeng maging business ito.