read.cash Log in
@Rainbow

Mana

Story telling Mina tayo guys: Minsan may isang mayamang lalaki na napakapangit ng ugali,matapobre,mapagmataas,walang kinikilingan.pag mamay ari nya ang lahat ng acienda sa kanilang lugar.marami syang bakahan,at marami pang iba.ngunit siya ay madamot sa kabila ng kanyang yaman ay wala man lang siyang natulungan kahit isa.kaya naman sa kanilang lugar walang may gusto sa kanya..dumating ang panahon ang mayamang lalaki ay nagkasakit at naratay .kaya pinatawag nya ang kanyang abogado..dumating ang araw lalo syang lumala at namatay kalaunan..siya ay binurol sa isang magandang museleo ...minsan may isang dayo ang nakarating sa kanilang lugar ngunit napansin nya ang Patsy na wala man lamang nakikipag burol..laking pagtataka nya bakit kaya tanong niya sa sarili..kaya nagpasya sya na lumapit at tignan ang namatay..nasabi nito sa kanya ..kawawa kanaman..kinabukasan araw ng libing siya lamang ang nakipaglibing ..at tinitignan lamang siya ng mga tao at nagbulung bulungan ..pagkaraan ng maraming araw ..pinuntahan sya ng mga pulis at pinatawag..sumama nalamang siya.na nagtataka kinausap siya ng abogado at ibinigay lahat ng pagmamay ari ng mayamang lalaki sa kanya.at sabi bago namatay ang matanda nasabi niya sa akin naging gahaman ako at wala akong tinulungan kahit isa.kaya wala akong kaibigan at kakilala.sa pagkamatay ko ang unang tao na titingin sa ataul ko..ipagkakaloob mo sa kanyang ang lahat ng kayamanan ko..napagtanto ng mayamang kung walang nagmamahal sa kanya .bale wala din lahat ng kayamanan dito sa mundo.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.