Yung dalawang chips ahoy kahapon ay ubos na ang isa.. Pinabuksan na ulit ni ate yung pangalawa ngayon, tapos ayan ang eksena. Haha. Si ate talaga yung malakas kumain ng cookies.. hindi naman halata jan sa pictures kasi pumwesto pa talaga cia ng ayos. Feeling chichiria ata yung kinakain. Si kuya naman ay kumuha lang ng 3 pcs. Kaya talaga nila ubusin ng isang harapan yan kung di mo aawatin. Eh kuripot akong ina, kaya bago pa magkalahati ay inawat ko na.. sabi ko lang ay "MAY BUKAS PA". Alam na nila un, kaya tumigil na sa pagkain si ate at nilipit na ulit. Gandang gabi Pilipinas..
No comments yet