Bakit ganon? Minsan naiisip ko, masama ba ang ugali ko or talagang may mga mali lang yung mga taong di natin nakakasundo? Dumadating minsan saken yung pagkakataon na iniisip ko mabuti yung mga ganong bagay. Hindi naman sa sinasabi ko na lage akong tama, ang ugali ko kasi pag nagkaroon ng pagtatalo oh hindi pagkakasundo ay nagmumuni muni ako at pakaiisipin kung ako ba ang mali. Marunong kasi akong umamin sa pagkakamali ko eh, pag ako ang mali yuyuko na lang ako, pero pag ako ang tama.... Ipinaglalaban ko.. Minsan kahit sino pa yan, lalaban ako. Pero depende padin, may nice way padin na paglaban para saken.. pero yung paglaban na yan nagbago simula ng nagkaanak ako. Mas pinipili ko madalas na umiwas nalang para makaiwas sa posibleng kapahamakan,at ginagawa ko yun para sa mga anak ko. Pero kahit anong kalma mo pa minsan may mga taong nagtitrigger sayo na lumban ka... ilabas mo yung galit mo.. Pero matatapos padin ang lahat sa panalangin.. Ipapanalangin ko nalang na maging ayos ang lahat. #kalmado
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet