Sabi ko matutulog na ko, pero Namiss ko na naman bigla yung dati kong work dahil sa picture na ito.. Premyo itong bags na ito at with 12k cash dahil sa nanalo ako sa isang contest sa work ko dati. Isang manufacturing company iyon. Meron akong inilaban na isang project improvement para sa isang process. Isang bagay na magpapataas ng quality at productivity. Yung bagay na inilaban ko yung nanalo kaya nagkaroon ako ng title as KEY TECHNICAL EMPLOYEE at may pa polo shirt din para don. Hehe.Proud ako sa sarili ko that time kasi isa lang akong undergraduate of Computer Engineering, nag start sa company na iyon as operator pero na promote ako as Process Engineer dahil sa tiwala ng manager ko saken.. pinaghirapan ko din talaga yung title ko dun kaya nalungkot ako na kailangan ko mamili sa work at pag gabay sa 2 kids ko that time. Pero di ko din naman pinagsisihan ang naging desisyon ko, nakakamiss lang din minsan ang work at stress don na kakaiba. Haha.
1 comment
Wow congratulations sis we are so proud of you. Normal lang yan namimis mo sis. At ang pinaka ka greatest job ay ang pagiging ina talaga ang pag aalaga sa mga anak. Kaya saludo ako sayo sis.