Magandang umaga Pilipinas... Nagbreakfast na po kayo? Ako po at nakapag gatas at tinapay na.. Flex ko lang itong papaya na ang aga inihatid ng aking father in-law, hinati lang nya kasi ang laki naman. galing iyan sa kanyang taniman.. Inalis din nya yung ibang buto dahil itatanim pa daw nya ulit. Lage cia nagbibigay dito samin pag may napahinog na cia, kasi alam nyan paborito ng pangalawa kong anak ang papaya. Kaya lang ang panganay ko naman ay nagalit ng nilagay ko sa ref, alisin ko daw kasi ang bahi nga. Haha. Napakaselan talaga sa amoy ng aking kuya. Mahilig cia sa fruits pero ayaw nya ng papaya dahil lang sa amoy. Ang aga ay napataw ako kasi sabi ng pangalawa kong anak, ang arte mo kuya wag ka nalang huminga. Kaloka ang umaga sa mga ganitong bata. Hehe.
No comments yet