Yung feeling na ang kati na ng kamay mo at gustong gusto mo na mag general cleaning ng bahay. Simula pa ng magbuntis ako ay hindi na ko nakakalinis ng ayos ng buong bahay, puro hapyaw lang. Kahit di ako kuntento ng ganon ay no choice dahil kailangan limited ang galaw ko. Until now malapit na mag 3 months simula ng nanganak ako di padin ako makapaglinis ng way na gusto ko.. feeling ko ang kati sa loob ng bahay namin. Puro sala at kwarto lang nalilinis ko ng ayos kung san nag sstay ang baby. Haha. Nag-aattempt naman ako maglinis ng ayos kaya lang bagya palang ako nakakahawak ng kung ano ay magliligalig or gigising na ang baby ko. Haha. Hirap ng ganito.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet