Naistress at nalukungkot ako.. Bukod sa mas busy na ako dito sa noise.cash kaya halos di na ko nag oopen ng Fb ay ang isa pang dahilan ay ayoko nga mastress at malungkot. Simula nauso ang covid lalo nitong mga nakaraan, hindi man covid ang dahilan ng iba.. Dumadami at halos araw araw ako nakakakita ng black profile or candle sa Fb ko.. means dumadami na ung nawawala sa mga kaanak nila.. iba iba man ang dahilan ng pagkawala nila ay sobrang nakakalungkot.. Ano na ba ang nangyayari sa panahon ngaun? Ngaung araw ay 3 sa friends ko ang nakita ko na namatayan, ung isa pa ay bata 3 yrs old lang.. ang sakit sa dibdib.😔 tama na po AMA. 😭 Patawad na po sa mga pagkakasala namin, iligtas at gabayan nyo po kami.. 🙏 Umaasa po kami na diringgin nyo ang aming panalangin, sa ngalan po ni Jesus na amin pong tagapagligtas.. Amen. Stay safe noise fam, wag po natin kakalimutan manalangin.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet