Ang hirap ng nararamdaman ko minsan.. Pag sobrang kulit na ng mga anak ko ay hindi ko na mapigil mamalo. 😔 Ayoko sa lahat yung nasasaktan sila, pero minsan nagagawa ko na.. Kahit alam ko na bata pa talaga sila kaya natural yung kakulitan nila at kapilyuhan or kapilyahan. After ko sila mapalo ay napapaiyak ako at humihingi ng tawad kay Lord sa nagawa ko. Kahit simpleng palo lang talagang ako yung nasasaktan. Lalo pa pag naiisip ko na murang edad nila ay nakakatulong na sila saken sa mga gawaing bahay. Sana macontrol ko pa ang mga kamay ko sa pamamalo. 😔
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet