Patapos na naman ang family day.. ang bilis ng oras.. Sabi ng mga anak ko.. Kuya: Daddy papasok ka na naman bukas? Daddy: opo. Monday na ulit bukas nak. Kuya: Wag ka na pumasok dy, kanina lang ikaw di pumasok tapos papasok ulit. Ate: oo nga.. lage lage pasok, konti lang hindi. Daddy: Ganon talaga, mas marami ang pasok dapat para may pera tayo. Ate: bakit po daming pasok tapos konti lang pera dy? Daddy: (tawa) nak, ganon talaga.marami din kasi tayong binibili kaya akala mo lang na konti yung pera natin. Ate at kuya: Ah, kaya pala. Hirap kausap ng mga bata talaga..haha.. ako nasakit ang ulo habang pinakikinggan sila.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet