Pork sinigang.. Maulan din ba sa lugar nyo? Dito samin sa Laguna maulan.. akala ko nga makakapagpatuyo pa ko ng nilabhan kasi kanina maaraw pa, after ko magsampay ay unti unti na dumilim at umulam na nga. Haha. At dahil nga maulan eto ulam namin.. mainit na sabaw dapat.. dami na naman kain ng mga bata nito.. Happy lunch po.
@Ra42no in October 2022
Baby na makulit . Parang matanda narin mag act minsan tong bunso namin. π Makikita mo nalang sa mga sulok sulok oh isang tabi na may ginagawa mag isa nya.. minsan pinababayaan ko nlng cia pero nakatanaw padin ako cyempre lalo pa at bigla bigla umaakyat din sa hagdan at mga upuan. π
Late post ng birthday celebration ni hubby. Birthday nya kahapon, nagleave cia sa work.. instead of maghanda ay naisip nya na kumain nalang kami sa labas at paglaruin ang mga bata.. kasi alam nya na un ung magpapasaya sa mga anak nya at madalang din naman mangyari yun kaya kesa ipanghanda yung pera nya ay don nalang ginastos.. haha.
Ang cute naman ng bunso ko, isinaman ko sa school nila ate at kuya nya.. naawa kasi ko na lage cia naiiwan. Sobrang lungkot ng face nya lage pag umaalis kami, 3 and half hours din ako naghihintay sa paglabas ng ate at kuya nya.. kaya kahapon at kanina ay isinama ko cia.. mabait lang naman cia at nakakatulog din kahit 30 mins.haha,. May tent na malaki doon at mahangin naman kaya okay lang na minsan isama ko din cia..
Low budget at nagcrave sa sisig? No problem at meron naman masarap at murang ingredients lang madali lang din iprepare.. haha.. Our version of tuna sisig.. π naparami lang ata ang sili parang ayaw na magpakain. π Happy dinner everyone..
Our version of tuna sisig.. Nagcrave kasi ko sa sisig, ey ang mahal nasa 250 yung binibili namin na liempo sisig, kaya tyaga na muna dito sa mura at masarap din namang tuna sisig. Kain po
Baby makulit.. Pag kakain ng ice cream sa cone, ginagawa nya kinakagat nya yung pinakababa ng cone.. cyempre mabubutas at tutulo na ang ice cream.. kaya ang ginawa ko binilhan ko cia ng cone para kagatin man nya ay walang tutulo, tapos ay saken nalang cia kakagat ng ice cream mismo.. at napakagaling na bata naman porke walang laman ung cone nya di nya kinakagat yung baba. π
Push na to para sa small extra income.. barya man ang kitaan ay dadami din pag naipon sabi nga nila.. haha.. Sobrang nacurious ako ng minsan binanggit saken ng mga anak ko na gusto daw nila ng polvoron at kung marunong daw ba akong gumawa.. so naisip ko magtingin sa youtube, ganon lang pala sabi ko tapos puede din pang business.. sabi ko cge 1 time maitry nga bibili lang ako ng ingredients. Until nakita ko sa fb ang isang friend na c mommy @yen na nag invite din dito sakenβ¦
Ang happy na naman ng puso ko. π Sobrang babaw ng kaligayahan ko, mga kakanin lang ang saya ko na talaga.. itong putobumbong na to parang sobrang special na nomito saken.. haha. Yung pagkinakain mo talagang ang saya. π