Dinner time . Bumili lang si hubby ng isang liempo, tapos pinaghati mya at pinagawa nyang sisig yung half.. ayaw lasi ng mga bata ang sisig kaya sa kanila yung liempo lang.. parang ang konti tignan pero matipid kasi to ulamin lalo pa malasa kasi talaga.. kain na po tayo.. Happy eating.. 😁
@Ra42no in July 2022
Dinner with love.. 😂 Namiss na naman namin ang beef nilaga, lalo na ang mga bata ay eto talaga ang favorite nila na may sabaw. Iba kasi tlaga ang sarap, kahit nga sabaw at gulay lang ay okay na. Tapos busog din sa pag higop ng sabaw. Kain po tayo.. happy dinner
Done dinner at eto yung inulam namin..Yung ilang piraso lang ito pero worth 200 na.. Mahal pakinggan pero sulit din naman sa lasa, ang tipid din kasi ulamin ng mga ganitong inihaw.. 25 pesos each ang barbeque and 100 pesos ang inihaw na pusit. Ang happy na naman ng aming tummy. Thank You Lord.
Mag 4pm na sarap parin tulog ng bunso namin.. Nkailang ikot na yan sa pwesto nya pero tulog padin talaga cia.. gusto ko ng tumayo at mag merienda dahil gutom na ko, sure lang na gigising kasi cia pagtayo ko 😁 akala ko din maggagabi na, sobrang dilim na ng langit. Maya maya nito ay uulan na naman 😔
Blessing. Ang bait din ng customer nila hubby na bumili ng motor sa kanila pero taga dito lang din yun sa amin.. meron na kasing plate yung kinuha nyang motor, etong si hubby hinatid nalang nya sa bahay nila yung plate.. may pa konswelo naman sila kay hubby dahil diniliver pa daw sa bahay nila. 😂 Favorite ko pa naman itong tinda nilang fried isaw kaya ipinaubaya na saken ni hubby to, mainit at malutong pa 😁 Kain po. #midnightsnack
From picture #1 to picture # 2.. Sa loob ng isang taon ay siguro nakakatatlong beses ako nagpapalit ng tempered glass ng phone ko, dahil sa lage nga nababagsak lalo pa pag mga bata ang nakaka hawak.. nung mga nakaraang buwan si hubby nagpalit din pero matte ceramic na yung pinalit nya, hindi na babasagin.. Naisip ko na palitan nalang din yung saken dahil may mga basag nadin cia, (nag worst lang sa pic dahil natanggal ko na cia) gusto kong magpalit pero nanghihinayang ako sa…
Sunday night.. Ang tagal ng di nkalabas. Naisipan mag get together ulit ng mga pare at mare namin.. libre lang to sa resto bar nila.. haha.. busog na naman at enjoy habang takas saking mga junakis.. Di naman siguro masama na paminsan minsan at makapag chill lang minsan.. 😁 #happy sunday
Anong masarap na partner? Cyempre para saken ay kopiko black.. 😁 naggawa si mother inlaw ng biko, tamang tama wala ko makita na maimerienda,. Perfect na ito, titimpla nalang ako ng kape.. mas bagay pa sa panahon na paulan na naman. 😑
Original and spicy flavor ng Gourmet Tuyo at tinapa.. Ang sarap talaga pero ang hirap nya bilhin dahil ang pricey nya . 😔 Kahit na sobrang gusto mo ay ang hirap nyan bilihin para sa katulad kong kuripot. 170 ba naman tapos 250g lang cia, yung tipon kaya kong ubusin sa isang harapan lang.. ang sarap ulit ulitin pero presyong ang hirap ilabas. Haha.
Pagsamba ng kabataan.. Dati dalawa lang ang sinasama naming bata dito, ang panganay sa magpipinsan na ayaw ng sumama sa picture dahil mag teteenager na, at ang aking panganay.. ngaun 5 na sila lahat.. haha.. kasama nadin sa picture ang aking bunso na pagkalikot.. #thanksgiving
Early in the morning.. Ibenta ko na kaya tong crib ng bunso.. ayaw nya na maglaro sa loob lage ng umiiyak talaga.. gusto nya lage sa sahig na palakad lakad, minsan nasa pangalawang baitang na ng hagdanan.. haha.. ngaun eto kung saan saan na naman sumusuot oh, nalingat lang ako saglit kala ko asaan na. 😂
Please allow me to post this, just helping a friend.. They need prayers and any amount for her mother's operation. Sa ganitong paraan man lang po ay makatulong ako sa kanila.. sana lang po may makapansin.. nasa baba po ang link.. thank you https://gofund.me/8dfa2649
Ice cream on rainy afternoon.. Kanina sabi ng mga bata bubuksan na daw nila ang ice cream.. ayaw ko pa sana kasi maulan nga panahon..konti lang daw, cge sabi ko.. tapos pagsilip ko sa ice cream eto na cia.. 😁 konti nga lang daw.
Midnight snack.. Wait ko pa si hubby umuwi dahil birthday ng isang kumpare namin.. para hindi muna ko makatulog sososlohin ko muna itong fries dahil tulog nadin ang mga bata.. haha.. minsan lang makakain ng walang kasalo, kaya lang magagalit saken yumg mga bulas pagnalaman nila kaya nagtira nalang din ako ng pang luto ko para sa kanila bukas. 😁
Mid year Thanks giving.. Also mag 108th anniversary nadin ang pagkakatatag ng INC on july 27.. ang aga namin ni hubby kanina kasi kahit sunday may pasok cia.. gising na ng 4:30am.tulog na tulog pa si bunso ng umalis kami, tapos pag uwi ay kagigising lang din nya kaya di nya na masyadong naramdaman na umalis ako pero ikot na daw ang mata at gusto na mag iiyak kaya nilabas muna para lang malibang..nung makita nya ko bigla nalang napangiti.. cute cute ng batang makulit.. 😍
7 years ago.. Parang kelan lang talaga, cia lang ang focus namin noon (my eldest).. cia pa lang ang kinagigiliwan namin non ni daddy nya. Halos every payday ata di puedeng walang mabibili para sa kanya except sa diaper at milk.. sobrang luho ba talaga pag 1st baby? Haha. Or sadyang nakakaluwag pa non dahil cia palang yung ginagastusan at dalawa kaming may work ni hubby.. Sa ngaun kasi kay bunso more on bigay ng mga kakilala.. halos iilan lang ang bili namin talaga para sa…
Happy kid.. May batang naiinip sa loob ng bahay, nagbubugnot at gusto lage nasa lapag.. napapagod na ko kakasunod at habol eh.. kaya kahit maulan ay pinaglaro ko muna dito.. lalo na ciang nag enjoy dahil pinapanood nya yung pagbuhos ng ulan.. 😂
Batang malikot.. Padami at iba iba na ang kalikutan na pinapakita ng bunso namin.. 😁 sa mga set at nakakaakyat ng mag isa, sa hagdanan ay inaabutan ko nadin sa ikatlong baitang, ngaun naman ay itong crib na ang inaakyat nya. 😂 Bala isang araw nasa dining table na ang batang to, yung parang pusa lang na nangangalkal ng pagkain.. haha.. di malayong magawa dahil matakaw din to, baka pag nakakita ng gustong pagkain ay gumawa ng paraang para makaakyat..
Our favorite.. Breakfast to lunch . Haha.. late na nagkape at tinapay kanina.. kaya eto ngaun ang food namin maglulunch nadin.. wala na ko maisip na ulam kaya eto nalang, sure na masarap pa at less effort.. hehe.. Kain na po