Wala pang 12.12 yan.. at wala pang bonus.. π pero may budol. Haha. Pero un diaper at wipes di naman budol super sulit at mura na yan at magaganda ang quality, hiyang ni baby π
@Ra42no in December 2021
Malamig ngaun.. haha. Sarap ng hangin sa labas, dito naman sa bahay aircon lang.. parang ang sarap damahin ng hangin sa labas.. nakakamiss nadin talaga yung normal kang lalaba ng bahay, walang kailangan iwasan. Yung normal na pagkilos at walang pinangangambahan.. π iinom lang tlga ko nito pero ang dami ng tumakbo sa isip ko π After this sleep na po ako, malayo na ang narating sa panaginip ng mag-aama ko π good night noisers..
Pacifier yan bhe? Haha. Nakatulog sa kakalaro sa toy nya na named NOK NOK. Na toy pa ng kuya nya 7 years ago, at naging toy din ni ate nya 4 years ago.. nakakatuwa kasi ang ganda padin after labahan. Okay lang for me na laruin ito ng bata kasi di naman cia mabalahibo..
Sino po sa inyo ang nagtry na ng ganitong vitamins for your kids? Nahiyang po ba nila? ilan na kasi nagsabi saken na nakakataba din daw ito..ako naman po ay natutuwa at kahit payat ay hindi naman sakitin mga anak ko.. kaya lang minsan kasi parang gusto ko din na malaman sila. π Kahit ang tatakaw kasi di din nagsisitaba eh.. #dayzinc
Got my parcel.. Diaper and wipes ni baby.. super affordable and ganda ng quality.. yung diaper hindi nagleleak, then hindi cia naglalaylay tinry ko yung puno na tapos di din nagrarashes si baby kasi absorbent talaga cia . Before ay huggies or unilove ang gamit ko, pero dahil mas mura itong sweetbaby ay eto naman ang tinry ko at sulit din talaga.. 215 lang ang diaper pag sale, 260 plus pag hindi. Then yung 3 wipes ay 85 pesos lang, 80 sheets each, tapos ang soft nya at saktoβ¦
Breakfast po namin. Dahil marami na nman banana galing sa taniman ni father in law.. saka namiss nadin ng mga bata kaya magluto daw ako mamayang miryenda daw ay nilaga naman. π Happy weekends po
Sabaw for lunch noisers.. Malamig ang hangin, need ng mainit na sabaw.. kumain na po ba kayo? Kakain palang kami kakatapos lang maglaba at magluto.. kain po tayo.. #porksinigang
Gusto ko ng matulog pero si pa makatulog.. π Hindi ko alam bakit ganito. Sumasakit na naman ang sikmura ko.. iniiwasan ko n ngang uminom ng malamig na tubig pero ganito parin, sakit ng sikmura na parang tumatagos sa likod na naman.. or baka dahil din sa lamig ng panahon? Tapos hapon pa ko naliligo? π
Happy sunday noisers.. Ang ganda ng umaga pag ganito yung gigising sayo.. nauna n naman ciang magising.. narinig ko na para na naman ciang kumakanta habang nilalaro si nok nok nya. π Sabi nya, waaaaaaaaa, waaaaaaa. Haha. π
Late post ng sunday breakfast. Haha.. Tamban na tinapa, egg, fried rice at kape.. π super enjoy kasi ang tagal ko ng di nakakapag ulam ng tinapa sa fried rice, tapos may kape ba.. Kayo noisers kumakain din ba ng tinapa? π
Late merienda.. Mcdo french fries... Nakakahinayang pero minsan lang naman eh. Haha. Lalo pagnagrerequest talaga mga bata ang hirap tumanggi.. saka di din naman sila naghahanap ng ganito, alam din naman nila na di ito puede lage. Bukod sa budget ay di talaga maganda na lage sila nakain nito.. minsan magpiprito lang ako nag patatas talaga. π
Yung batang mukha ng siopao ang face.. ππ€¦ Napakatakaw sa dede, pero sana magbote nadin cia.. napapagod na ko minsan.. wala man lang kapalitan. π Tapos kahit naglalaba ka need mo tumigil para mapadede cia.. π 7 months na cia this month nag eeat nadin ng cerelac at mga pinakulong veggies, pero grabe parin ang breastfeeding π
Noisers, donut at milktea lover din po ba kayo? If yes ay for sure matatakam din kayo dito.. π yung para kong bata ngaun na nangungulit kay hubby na bumili nito.. sobrang nagcrave talaga ko. π Kaso sabi ni hubby, "wala tayong budget para jan.. hindi naman puede sayo at sa mga bata yung tig iisang piraso lang kasi ang tatakaw nyo jan.," Haha. May poiny naman. Kasi sure na mabibitin lang kami pag ganon.. next time nalang pag may extra na. π
Preparing dinner.. Chicken afritada muna tayo.. nagrequest na naman c hubby dahil on leave cia today at anniversary namin pero walang ganap dahil walang budget at wala pang 13th month pay. π
Pabreakfast ni hubby kanina dahil walang ganap ang anniv namin kahapon dahil tight ang budget.. at dahil gusto din ng mga bata ay ayan na nga.napagbigyan kahit papano. Ang swerte lang talaga namin kay hubby na kahit minsan gipit, pilit nya gagawan ng paraan at isisingit lalo na at pagdating sa mga pagkain naman..
Gigil sa pacifier pero ginagawa lang nyang laruan.. ayaw padin nya sipsipin. π Di ko alam kung bakit napakahirap nya pagdedein sa silicon nipples.. nipples ko lang ang gusto. π€£βοΈ Kahit ang hirap minsan, salamat nalang at di ako nagkakasakit.. π
Maagang paayuda for xmas ng isang kandidato dito sa aming lugar.. inuna na nilang bigyan ang mga senior.. sana ay may susunod pa. Haha.. half kilo ng pang spag, may pang sopas at pansit bihon.. konting rekado at gulay nalang ang mga kulang.. blessing padin ang magkaron ng ganito, sana kahit hindi senior meron..ππ€£
Dahil sa mga anak kong lage naghihingi ng panghimagas after eat ng rice ay naisipan kong naggawa nalang ng yema.. π kasi madalas, yung chocolate na hany sa tindahan, or mga flatops ang nagiging panghimagas nila.. eto marami rami din at maliit lang, sabi ko maximum 2 pcs lang every kain para di masyadong matamis.. mejo makunat din ang ginawa ko para matagalan sila sa pagkain at feeling nila marami na ang nakain nila. π Mas tipid ito para saken at di din ganon katamis.. 1β¦
Dinner and dessert.. Lumpiang shanghai at chicharon bulaklak.. haha.. pinabili ko lang ito kay hubby.. buti may nakita cia pareho.. natikman ko na agad at masarap nga, pero sa tingin ko bitin ito kaya lutuan ko nalang ng hotdog ang mga bata.. haha.. ready nadin ang dessert na request din ng mga bata.. #happydinner
Magandang umaga pilipinas . Ang aga ko mag breakfast.. dahil nag order si hubby ng shanghai. Kakain nadin ako at maglilinis ng bahay today.. sana behave ang aking baby para naman marami akong magawa. #happy weekends
Yung ulam naming masarap din sa fried rice.. hehe.. Binili ito ni hubby malapit sa work nya, ipinrito ko nalang para mas masarap, tapos may patis at calamansi na maanghang sawsawan.. kayo po makakayanan nyo ba kumain ng konti pag ganito ang ulam? π #happydinner
Yung after lunch ay nagluto na agad ako ng meriendang spaghetti. Haha. Para kasing sobra kong nag crave at mas gusto ko ang lutong bahay kesa bumili or umorder somewhere.. kaya eto kain na agad kahit kaka rice lang.. #happysunday
Flex ko lang ang pasalubong ni hubby kagabi,,para daw sa mga bata kshit alam nyang kaagaw ako lage ng mga anak nya.. haha. For sure di naman ito tatagal ng 1 week sa amin. π
Kain na tayo ng dinner habang mainit pa noisers.. π Bumili lang ulit si hubby kasi nga naglaba ko kanina alam nyang pagod na naman ako.. at cyempre nakakatamad din dahil sa lamig ngaun.. at isa pa request din ng mga bata.. Kayo po nag dinner na?
Hello noisers..SANA PO MAY PUMANSIN Gusto ko lang sana makahingi ng opinion ng iba.. please read po isang post sa fb.. if ever na ang partners, jowa, asawa nyo ay nag share ng ganyan ano pong mararamdaman nyo? Lalo sa mga girls, okay lang pp ba sa inyo yung mga ganyan.. kahit na sabihin minsan na biruan lang naman? Lahat ba ng tao naiintindihan na biro lang yan? Eto kasi yung nasa isip ko kung ako eh..
At dahil na stress ako kahit mag 12am na, mag chocolate tayo Pilipina.. almond po ito, sure na maraming mahilig dito.. palipas stress muna tayo para masarap ang tulog.. hehe.
Oopppsss. May mapalit ng dumating.. Haha.. parang may gusto pang humabol kasi 14 palang ngaun.. π sana sa mga ganitong pagkakataon ay malakas dito sa noise.cash kasi malaking tulong din.. lahat naman kasi ng binibili ko online ay needs din namin.. Kayo po, nakarami na ba? Haha
Tanong lang po baka may nakakaalam jan.. nagagamit po ba itong bonus sa shopeepay,? Pano po cia nagagamit? π
Late breakfast.. magiging brunch na. Haha Nagising kasi ko ng 5:30am pati si baby.. at dahil nag restday si hubby today ay natulog ulit kami.. nagising kami mga 8:30 na ata. So eto palang ang breakfast. Egg with tomato, hotdog at cyempre fried rice.. Kain po tayo noisers..
All sweets and pringles.. haha. Super ineenjoy namin ng mga bata itong pasalubong ni hubby nung isang gabi. Kasi di naman kami pumapayag na lageng kumakain ang mga bata ng ganito.. kung ako lang sana puede pa. Haha. Joke.. kaialangan ay may limit padin tayo sa pagkain ng sweets at chichiria.
Yung nakatulog na ang bunso kanina kaya lang sa ingay ng daddy, ate at kuya dahil nag harutan pa cla bago matulog. Ayan tuloy gising ang bunso at nakikisali pa.. kaya naisipan ko na mag picture kami kahit patay na ang ilaw.. haha. Good night noisers, good night Pilipinas.. Sweet dreams. #familyiseverything
Magandang umaga noisers.. Yung schedule mo ng laba tapos ganito pa kadilim.. sino po sa inyo yung pag hindi maaraw ay tinatamad ng maglaba katulad ko? Haha. Feeling ko kasi hindi mabango yung nilabhan pag hindi natutuyo sa araw. Pakiramdam ko hindi sulit ang pagod ko pag ganon. Update ko kayo mamaya kung matutuloy ang paglalaba ko. Kung sisilip ba ang araw. Haha. Ingats po ang mga lalabas. π
Break time muna sa paglalaba kasi gutom na ko, at dedede nadin ang baby.. sabay mag piprito nadin ako ng shanghai para sa lunch namin. Mabilisang kilos lang din kasi maliligo pa ang ate at kuya. Kalma lang kahit ang dami pang gagawin.. sino pong relate saken jan mga moms? May nagbebreast feed pa saken. π
Done dinner noise fam? Kakain palang po kami.. dahil sa lage nalang galunggong at bangus or tilapya ang fish na niluluto namin, nag try ulit kami ng pampano.. masarap din kasi cia at parang karne ng manok kaya nagustuhan din namin ito . Kain na po tayo.. sana po ay ligtas ang lahat sa mga oras na ito at nakakain or kumakain na.. π
Share ko lang.. itong Gold loyalty sa shopee.. π Di ko namalayan na marami rami narin pala akong naorder doon kahit na kelan ko lang natutunan oh nag start mag shop online.. dati kasi takot ako na baka ma budol lang, na di ko magustuhan yung items pag dating na, na baka kulang etc... π Pero ayun tyaga lang magtingin ng reviews at maghanap ng mura at mag abang ng free shipping fee ay okay din naman pala.. Kaya ayan, nakasanayan nadin dahil mas nakakatipid din naman sa mgaβ¦
Good aftie noise fam.. Malamig at maulan ang panahon? Tamad magluto pero masarap kumain? Buti nalang mabait ang inlaws ko.. π Nagluto sila ng tinolang manok for lunch, at kalahok na kami doon.. lucky daughter inlaw here, dahil may masarap na sabaw na sa tag ulan tapos di ka pa napagod magluto, nakabawas sa gawain ko ngaun.. Kain na po tayo .
Hello noisers.. kamusta n po sa lugar nyo? May ulan pa ba? Thank God at maaraw na po dito sa amin kaya mapayapa ng nakapagdalo ng year end thanks giving sa Iglesia ang aming mga kabataan.. mabilis lang din naman at nakauwi din kami agad. Parang kelan lang dalawang anak ko lang ang sinasama ko sa pasalamat, ngaun ay tatlo na sila dahil kay baby, kasama rin ang dalawa nilang pinsan.. #Inc #yearendthanksgiving
Ang perfect nito sa kape mga ka Pilipinas.. Nag merienda na po kayo? Nabili po ni hubby 30pesos each. Ang mahal na pala ng bibingka ngaun.haha. Malamig padin ang panahon ngaun.. magkakape muna ko kapartner ito bago ko maligo. π Kain po
Gandang gabi Pilipinas.. Marami na po sigurong nakakain na ng dinner sa inyo.. pero ako po ay ngaun palang dahil sa nabusog ang ng todo ng merienda kong bibingka at kape kanina.. bumili si hubby ng chicken inasal at bbq kanina.. pero ang kakainin ko nalang po ay ang palabok at empanda dahil sa pass 9 pm nadin naman po. Kain po tayo ulit sa mga kumain na jan, at yung mga hindi pa ay kain na po dahil late na..
Happy sunday noisers.. Kamusta po? Kahapon ay maaraw na dito sa amin, ngaun ay maulan na naman.. nakakaantok nakakatamad kumilos.. pati ang aking bebe gusto lang ng hug,, ayan cia naglalambing lang sa lola nya.. hehe.
Blessed sunday everyone... So blessed din talaga kami today dahil sa nalibre kami ng lunch at pati na ang merienda.. Xmas party kasi ng toda ng tricycle dito sa amin, dito lang ito sa tabi namin dahil ang lupa ng paradahan ay ang inlaws ko ang may ari. Yearly may kainan talaga lage sila. Kung tutuusin ay mas maliit ang budget nila ngaun pero idinadaos padin nila ang nakasanayan na nilang salo-salo. Ang laki ng tipid namin today dahil sa kanila. Hehe.
Share ko lang itong aking bunso po kanina na nakikiagaw ng pilit ng cp ng ate nya.. una ay nakikisilip lang cia habang nanonood ay ate. Tapos maya maya ay inaagaw na, hindi na ata nakuntento ng silip lang gusto nya cia ang may hawak . π Mag 7months palang cia sa 24 pero super kulit at likot nadin.. parang kelan lang, alam yan ng mga matagal ko ng friends dito sa noise.cash.nasaksihan nila na naglilihi ako nun at lageng puyat dito nakatambay po.. ngayon ay eto na cia at gustoβ¦
How's your monday my noise fam? Kami eto, cheat day.. nag rest day si hubby today dahil pumasok cia kahapon kahit sunday. Umalis kami kanina para pabutasan lang sana ng tenga ang baby para sa earings nya, mag 7months na ang baby pero wala pang hikaw. Ayaw kasi ni hubby before kasi masasaktan daw. π Bagya ko pa mapilit kasi sabi ko mas masakit na at matigas na ang laman habang nalaki. Kaso ayun wala yung mga nagbubutas sa pinuntahan namin. So ayan ang ending, kung ano ano naβ¦
Nung isang araw kay ate nya cia nakiiagaw ng cp, ngaun naman ay kay kuya na.. inaagaw nyang pilit ang tablet ni kuya, tapos tumingala pa cia na parang nagpapakiss kaya nagkiss sa kanya si kuya.. Para tuloy ciang maisip na na nang uuto or naglalambing kay kuya nya para ibigay sa kanya yung tablet . Hehe.. ikaw nalang ang magbibigay muna ng meaning sa bawat kilos nya habang baby pa cia.
Magandang umaga Pilipinas.. Yung nagtutupi lang ako ng mga damit saglit na saglit lang ay andito na agad ang bata. π Di pa naman cia gaanong gumagapang pero nakarating cia dito sa pamamagitan ng paikot ikot lang ( dapa higa dapa higa) haha. Isang ikot pa nya ay mapapapunta na sa sahig.
Merienda time noise fam... Kagigising lang namin ng mga bata. At eto may order akong banana cue, tuna pie at maruya.. halatang gutom. Haha. At yong pop corn ng mga bata na binili namin kahapon.. kain po tayo.
Good evening Pilipinas.. Late dinner na po ako dahil sa busog ko sa merienda kanina.. medyo busog padin ako kaya eto lang kakainin ko.. para sa akin ay konti lang ito, at di ako nag ulam ng fried chicken na ulam namin kasi mas mapaparami ang kain ko kahit busog ako.. haha. 1 hotdog lang ang niluto ko at naisipan ko lagyan nitong chicken magnolia spread.. weird ba? Pero masarap po . Haha. Buti nalang isang piraso lang niluto ko kung di ay mapaparami pa ang kain ko. Kain po.
Gusto ko lang ishare sa mga katulad kong mommies.. May mga anak po ba kayo na may alaga sa buhok? π 1st time ko din po na experience dito sa 4 yr old girl ko, hindi na nga halos lumalabas ay nagkaroon pa ng alaga sa buhok nya.. napansin ko na panay ang kamot, then pag check ko may mga lisa na at malilit na kuto.. (pasintabi po). Tapos ayun di ko na masimot parang ang bilis ng pagdami nila.. Nag ask kami sa pharmacy then eto yung binigay samin..mejo pricey 40 pesos na ungβ¦
Ang sarap kumain noisers... π Sobrang tanggal ang pagod ko sa paglalaba kanina dahil dito.. nag order lang ako ng biko 50 per tub, tapos nagpabili lang din ako ng mango milkshake.. super sarap ng shake na ito #1 for me. Madami silang flavors pero favorite ko ito lalo pa may whip cream.. haha.. Kain na po tayo.
Magandang umaga Pilipinas.. Ang lamig........ Haha. Tapos ganito ang matatanaw ko sa bintana pag silip ko.. ang dilim pa ng kalangitan kaya balik higa ulit ako. Tulog padin ang aking baby, tapos si hubby ay maliligo palang naman gagayak papasok sa work.. naka ready narin naman n mga gamit nya.. kaya after nya maligo at nagbibihis na saka nalang ako babangon.. Kaming mga ina pag nakatayo na sa higaan ay tuloy tuloy na ang gawa. π Stay safe sa lahat..
Feeling blessed today.. π₯° Napa sweet naman ng isa sa aming kakilala na malapit lang dito sa bahay naman.. may advanced gift sila sa amin ni mother dear ko.. lotions and deodorant na avon.. sa Avon company kasi nag wowork si ate, and every december daw may narereceived silang ganito kaya sini-share din nila sa iba. Kahit na libre lang nila nakuha ito ay nakakataba padin ng heart na isa tayo sa mabigyan kahit na alam namin na may mga relatives din silang binibigyan.. Mahal dinβ¦
Good evening Pilipinas.. Nag dinner na po ba ang lahat? Kami mag start palang..si hubby pa kasi ang bumili ng lulutuin nyang ulam pagkagaling nya sa work..pass 6pm nadin kasi cia nakarating kaya now palang natapos magluto.. Medyo nalito lang ako dito noise fam kung upo na may baboy ba ito or baboy na may upo? π Natatawa talaga ko kay hubby mas marami pa yung pangsahog nya kesa sa gulay .π Kain po..
Hello po, it's my 7th month today.. Im Kianna. Big girl na po ako, i can sit on my own.. parang kelan lang daw po napupuyat pa si mommy ko dito sa noise to make friends sa inyo.. kahit po preggy na po si mommy sa aken non ay lage daw po cia nakatutok dito.. Kaya po ang sabi ng mommy na dito daw po sa noise.cash na nya ko pinaglihi. Kahit nung nasa hospital na cia non at naka schedule na for CS ay nag noise padin cia don until mailabas nya ko at makalabas na kami saβ¦
Done on our year end Thanks giving.. 2021 Lage natin pong tatandaan na kahit ano mang meron tayo,kulang,sakto man or sobra lahat ng iyan ay dahil kay Lord. Kahit na tayo ay nagkakasala at nagkukulang sa Kanya habang tayo ay nabubuhay o ano man ay di Niya tayo pababayaan.. Patawad po Ama sa lahat ng aming pagkakasala, nawa po ay matapos na ang pandemyang ito, at manatiling ligtas at makaraos na ang mga nasalanta nitong nagdaang bagyong odette..π Thank You Lord God for givingβ¦
Gandang gabi Pilipinas.. Nakakatuwa naman iyong isang suki naming tindahan may bigay sa aking kiddos.. kahit na chichiria ito ay okay lang dahil nga sabik ang mga anak ko sa ganito dahil madalang namin sila pinapakain ng junk foods.. hehe.. so generous padin na inaalala nila yung mga suki nila.. kahit yung mga bata.. #blessed
Good morning Noise fam.. Happy sunday.. kain na po tayo ng breakfast.. ang aga ko nagluto kasi may pasok si hubby today.. Nagbaon cia ng food nya baka daw sarado yung mga binibilihan nya ng food malapit sa branch nila. Sabi ko drive tru nalang cia sa jobee, ayaw naman nya. Masarap pa daw fried rice ko don. Haha.. pero ang totoo non ay nagtitipid lang cia.. kaya ayon nagbaon nalang.
Lunch time.. Dahil may bisita kami from batangas, ang aking brother with his family.. ayan magulo po kami today at masarap ang kain dahil nga marami kaming sabay sabay na kakain.. kayo po kumain na ba? Happy eating and happy sunday with family po.. #beefnilaga
Yum naman this triple chocolate cake . Lalo na yung nasa ibabaw.. buo pa cia picture pero ngaun ay ubos na po. Haha. 1st time ko ito natikman pero maulit pa sana.. ang sarap nya lalo sa kape.. πrelate for sure yung mga mahilig sa kape jan with chocolate .
Good morning noise fam... Last day na messy hair ko ito.. after 2 years ay magpapaayos na ulit ako ng hair kasi na stress na ko at di ko na cia mailugay dahil super wavy na nya. Buti malapit lang ang salon dito kaya makakauwi ako pag need na magdede ng baby. Haha
Good evening Pilipinas.. Mag 8pm na po ako nakatapos sa pagpaparebond, kakatapos ko lang kumain.. Tumagal ng 9 hrs ang pag aayos ng buhok ko dahil nga sa 2 years na ang nakalipas ng huli akong nagpaayos ng buhok dahil nga sa pagbubuntis ko.. buti nalang ganon padin ang presyo, sulit naman ito for me sa halagang 1500 dahil tumatagal ng 1 year bago ko ulit ipaayos. Ang gaan bigla ng pakiramdam ng ulo ko.. Happy padin ako sa result. Hehe
Cold cold morning noise family.. Super cold today kaya ang sarap kumain at matulog.. haha. Nag luto na ko ng breakfast at kakain nadin kami ng mga bata.. tapos nadin naman ako mag walis walis at konting ligpit kaya after eat ay mag hihiga higa muna kami. Stay safe po sa lahat..
Merienda time.. Maraming makakarelate sa ating mga Pilipino dito.. haha. Namiss ko itong pancit canton with boiled egg.. eh sa tingin ko bitin pa kaya may tasty din.. iniiwasan ko kumain ng pancit canton pero okay nadin siguro paminsan minsan.. ang sarap kasi.. π
Good morning with unexpected blessing.. Nakareceived ako 50 pesos from paymaya this morning. Di ko po talaga ito expected kasi nga ulang months nadin the last time na nag invite ako ng friend na nag download ng PAY MAYA APP.. 100 pesos pa nga each invite noon kaya nakaipon din ako ng 1200.. Meron parin palang ganito now pero 50 pesos naman cia.. kaya yung mga wala pa pong app jan download na po kayo and magkakaroon din po kayo ng 50 pesos.. please use my invite code..β¦
Snack time habang naggagayak ng dinner.. Minsan namimiss ko din mga chichiria plus softdrinks, madalang kasi talaga kami magganito sa bahay. Lalo pa may mga bata.. perp kung minsan lang naman ay di naman siguro masama, babawi nalang din sa inom ng tubig.. hehe . Dinner nga pala namin ngaun ay ginisang sardinas na may sayote.. π
Watching unang hirit.. Sobrang natuwa ako dito sa mga boys na ito na nakacostume pang girl tapos yung dance nila ay pang sexbomb.. haha Katulad ko din ba kayo na ang lakas ng dating saken at tuwang tuwang ako sa mga lalake na ang galing sumayaw at kahit pang babae ang steps mas lalo ako natutuwa? Hehe.
Ano kayang puede ko pa gawin dito? Wala naman na kong app na makakapag dagdag dito. Nasa 200 plus ito nung isang araw eh.. may nakipagpalit lang sa gcash kaya nabawasan.. haha.. baka po meron jan may need. Presyuhan nyo na po. #paypal
Pinalinis muna namin si buddy bago ang lahat.. haha.. kailangan malinis at makintab cia sa pagsalubong sa year 2022. Nagpagupit nadin si hubby at bumili nadin kami ng ilang foods na lutuin para sa bahay pero son kami mag celebrate talaga sa house ng mama at papa nya.. meron lang kaming konting food sa bahay namin ay okay na.. Sana po ay safe nating salubungin ang taong 2022..
Happy new year from our FAMILY to yours noisers.. May the positive vibes remain around us. Hope that we're all be safe and healthy. #welcome2022 #NewYearWithLove