Pag pumasok ka sa UKAY BUSINESS dapat alam mo yung risk.. sa isang bale posibleng maraming magaganda pwede rin naman madaming luma o butas butas faded color o namumuti. Kailangan talaga madiskarte ka. bago mo i benta labhan mo muna para presentable tignan piliin mo yung yung my butas kung maliit kaya sulutionan kung malaki pwede din naman i design. sa faded color gaya neto ang dami namin nakuha namumuti halos ganyan lahat kaya gumawa kami ng sulution para mapaganda ulit ang kulay nya sa pamamagitan ng DYE ayan para na sila bago sayang naman puro branded pa eeh ibblack lang naman sila para tumingkad ang kulay maganda dito ang ganda ng print nila buong buo pa maibebenta pa to 100 each ngaun kesa naman hayaan namumuti ee nasa 20-30 lang mabebenta diba.
5 comments
Ang effort pero sulit naman income nyo
True, sipag at diskarte. Nakakapagod pero hindi susuko.
nagtry din kami nag-Ukay kaso napabyaan..di ko nabawi 30k naming phunan..pasaway ate ko inumpisahan lang taz tinamad na
So far samin goods naman yung last bale namin 140 pcs 40 nalang natira 4k puhunan naibenta namin ng di baba sa 70 each 120 mataas suguro naka 8k na din kami 35lang puhunan less na yung sira
matitibay mga ukay ukay sis..proud ukay user