Luha
Sa bawat patak ng ulan Sabay sa pag tulo ng luha, Mula sa maririkit na mata, Kitang-kita ang lungkot na ndarama.� Sa bawat hikbi mula sa iyong bibig, Dahilan sa walang kwentang pag-ibig, Sa bawat hagulgol na iyong nilalabas, Parang mwawalan na ng bukas� Isang taong iyong pinagkatiwalaan, Ay siyang sumira sa iyong kasiyahan, Isang taong iyong minahal ng todo, Ay siyang nagpadilim sa iyong mundo� Pag-ibig na mapagbiro, Ay nakakawasak ng puso, Pag-ibig na may dalang kasiyahan, Ngunit may kaakibat ring kalungkutan�
2 comments
I don't understand your language.😅😅😅 Please I understand English. Buh in all nice article
Oh hehe sorry 😊