Unang Araw ng Simbang Gabi bawal ang umabsent kasi maging Osto-otso na lang yun. Grabe no ang bilis bilis lang ng araw nagsisimbang gabi na naman kami. Parang kailangan lang nagsisimba akong mag-isa pero ngayon may kasama na. Ayie kilig. Jeje Kayo ba anong mas gusto niyo sa Gabi o sa Madaling araw kayo nagsisimba? Dati ako sa madaling araw kaso ang hirap gumising kaya sa gabi na lang. Kwento ko lang nung di pa nag-uumpisa simbang gabi wala talagang kailaw ilaw ang simbahan sabi ni Pader pinasabik lang daw talaga mga tao tsaka ung iba raw september pa lang nagdecor na kaya ngayon pundi na pero sila kakailaw pa lang kaya buong December may ilaw pa sila.. haha ( pabiro lang un ni fr )
No comments yet