Gusto mo yun??? December 1st na ngayon?? Sa sobrang bilis ng panahon parang yung buhay ko same pa rin last year parang walang paggalaw pero still thankful pa rin kasi di man natin nakukuha ung goal na gusto natin pero ung goal ni God para satin un ang mahalaga sa lahat. Month of Christmas na, di pa ready bulsa ko. Kayo ba ready na? Haha
@Poldo in December 2021
Tanghalian na nagluluto pa lang ako. Nakakatuwa sinaboy ko lang to dun sa harapan ng unit na walang nakatira tapos tumubo siya ng maliliit tapos iniisip ko hindi lalaki un aba di ko na namalayan may bunga na pala. Tatlo yan silang malalaki na. Upo nga pala guys yan ulam namin ngayon lalagyan ko ng sardinas. Oh jivahh di na gagastos pa sa gulay. Kung may malawak lang talaga akong lupain kokompletuhin ko ang Bahay Kubo. Kain na kayo dyan mga kaingay.
Gusto niyo ba ung lamig ngayon? Para kang nasa Tagaytay o Baguio. Kaso ang lakas lang ng hangin. Damang dama ko naman paglabas namin ngayon kasi dapat sa labas kami kakain kaso walang kuryente sa buong Tanauan buti kami sakop ng Sto. Tomas kaya Meralco ang kuryente namin. Ang sarap pa naman sana ng Lomi pero parang mas bet ko talaga ngayon Bulalo ang sarap humigop ng sabaw. Nakakatakam. Kayo ba naghapunan na? Anong ulam?
Good Night noisers, Mukhang magiging mahimbing mga tulog natin nito dahil malamig, sarap ng may kacuddle . Sa wala makontento sa unan ha . Pasasaan at mararanasan mo rin hindi nga lang ngayong gabi. Lol Salamat po pala sa mga tippers ngayon araw blessing kayo para sa iba.
Tanghalian na pala kaya nagngangawngaw na mga aso namin. Nakatulog kasi ulit ako kanina tapos napatambay ako sa unit, ang sarap kasi ng hangin dun malakas dun lang kasi may puno tapos ung mga nakatira pa dun sa likod e gusto pa ipaputol ung puno sa may ari di nila alam malaking tulong ang puno sa ating mga tao at kalikasan. Ngayon isip-isip na ng ulam . Sana masarap ulam nating lahat ngayon.
Nakaligo na ba lahat? Hehe Ako kasi hindi pa. Ang lamig ngayon ganitong panahon gustong-gusto ko ung challenge ang pagligo. Lol Maya-maya ako liligo nito kasi wala pa rin pala kami tubig. Nagugutom ako craving na naman talaga ako sa Lomi, problema lang talaga budget. Kagabi kasi kakain dapat kami kaso wala naman kuryente. Kayo ipost niyo na yang meryenda niyo.
Nasira yung pailaw namin sa may Christmas Light na umusok tinatry namin kanina dalawa ung umusoo kaya bukas aayusin na naman namin nakakapagod pa naman at yung mga kapitbahay namin sagana lang sa tingin pero sila naman may gusto nito next year talaga di na kami magkakabit nito sa harapan na lang namin. Pakita ko lang sa may Pinto at Bintana namin. Damang dama talaga namin ang Pasko. Pero bawal mamasko samin. Lol.. kayo ba mga kaingay may decor na?
Baka matulog na ako kaya bago ang lahat gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng biyayang naibigay niyo sa akin. Nawa ay mas madumami pa ang biyaya na natatanggap niyo upang mas maraming biyaya pa ang maibigay niyo sa kapwa natin kaingay. Ako'y inaantok na rin talaga may panonoorin lang ako tapos tulog na. Bukas ulit mga kaingay.
Hirapan ang batang ito sa letter B at D, pano kasi magkatunog kaya nalilito siya. Kaya nagdahilan tuloy na masakit ngipin niya pero madalas talaga sumakit ngipin niya kasi mahilig siya sa candy at chocolate. Kaya bukas na ulit kami at nagugutom na rin ako baka makain ko pa tong bata to. Haha Kapag talaga pag-aaral mga bata kating kati lahat ng pwedeng idahilan idadahilan. Hanap muna ako makakain di pa pala ako nag-aalmusal. Kasama na pananghalian ko nito. Kayo ba kumain na?
Bakit ganito ung hangin parang nanghehele, Pinipilit niya akong matulog ulit tila ba binubulong niya sa akin na, "Damhin mo ang sarap ng aking hangin, ika'y matulog nang mahimbing. Kaso hindi pwede at may ginagawa ako. Jeje Kakatapos lang namin mag-almusal/tanghalian pwede na rin meryenda to . Kayo ba busy din ba? Anong ginagawa niyo? Maya maya ay aayusin namin ung mga ilaw sa labas para mamaya okay na. Para masiyahan ulit mga bata may nasunog kasi na Christmas Light.
Ayan matapos niya magpasaway sa labas, tumatakas kasi yan kapag nakakalimutang bukas ang gate kasi mga pasaway na bata basta labas na lang. Tapos ayan nakahiga ako lalapit sakin para magpakamot ng tyan niya. Kakapahinga ko pa lang papagurin naman ako. Haha Magandang Hapon sa inyo mga kaingay. Skl yan. #Missy naming makulit.
Done cooking mga kafood trip and kanoise, Let's eat dinner, mukhang mapapaextra kaldero ako nito este rice pero asa bahay lang kami.. haha. Good luck sa high blood diba? Hehe Ang sarap sana mag-ihaw ng tilapia at bangus kaso kung maya't mayain mo pagluluto ng ganto lagot ka talaga sa kapitbahay.. lol Kain na tayong lahat bawal hindi kumain kalokohan yang diet diet.. charizzzz
Time Check : 10 p. m Bago ang lahat gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng kani-kanilang biyaya. Hulog kayo ng langit ( di kayo tinanggap kaya hinulog na lang kayo ) charizzzz.. biro lang po hinulog kayo para magpalaganap ng kabutihan. Sobrang sarap talaga matulog ngayon. Sana next year buong taon ganito lang. Parang nasa Baguio lang ang peg. Good Night na po sa lahat.
Magandang Umaga Kaingay, Grabe parang excited pa lang ako mag December nun, tapos kakasalubong ko lang Dec. 1 tapos ngayon 4 na agad. Ang bilis ng araw di pa ready talaga bulsa ko.. jeje Kayo ba planado na lahat? Btw ingat ang lahat sa panibagong araw na bibigay sa atin. Gamitin natin ito sa isang makabulong bagay.
I really don't understand our dog ( Missy ) kung kailan siya tumatanda saka naman niya naiisipang magngatngat at magpababy samin. Gustong gusto niya yan magpakarga lalo kung may karga kang iba di yan titigil sa pagtalon sayo. Tapos lahat ng maabot niya sisirain niya sa kwarto kahit sa sala basta kaya niyang kunin yung teddy bear lahat ng pwedeng sirain.. haha
Pagabi, ang lamig talaga ang sarap ng ganito lang. Kaso di pa ako nakakaligo lol. Kaya nag-ayos kami ng Christmas Light kasi nga may umusok kaya kinalas ulit namin ang haba pa naman. Aalisin lang namin yung umusok tapos ikakabit ulit yung mga di pa sira. Problema bigla naman umulan madilim na tuloy baka di namin magawa to ngayon. Sana tumila na kaya ito meryenda muna kami nagpabili ako tinapay.
Kakatapos ko lang maglabas ng mga aso, grabe yung lamig ganitong-ganito sa Baguio noon. Kung ganito lang sana kada buwan no? Ang sarap sana. Tipid na tipid kami sa electric fan ngayon. Ang sarap ng kape, pero inaantok pa ako 3am kasi ako gumising kanina gawa nag-asikaso ako ng papasok. Akoy babalik muna sa pagtulog. Ingat yung mga lalabas ng bahay.
Happy 62nd Birthday Mother. Nakatapos na rin magluto ng Spaghetti at Sopas birthday ni Mother kaya nagluto kami pero di niya alam na meron kaming niluto. Haha. Wala pa nga lang ung Cake nabili pa. Waiting pa kami. Dapat meryenda namin to e kaso nagpanigurado ang tagal pala maluto. Lol Deretso hapunan na namin to. Kain tayo mga kaingay.
May gising pa ba? Dahil di kami kumain ng gabihan, spaghetti , sopas at cake lang nilantakan namin at ang daming nangyare. Tapos nagutom na naman ako kaya ito Kape tayo at sopas natuyo na sopas ko . Hahaha kain kaingay.
Late Lunch kaingay, Dito kami ngayon sa Laguna. Walang tindang ulam labas kaya nagpadeliver na lang kami at di pa kami naglalunch. Nakaoff pa kami ng 60% sa food panda.. hehe Kain tayo mga kaingay.
Tamang nood lang nitong The House Arrest of Us ( di ko sure title basta kina Kathryn at Daniel series siya sa netflix ) Maganda ang kwento nito nakakatawa siya hindi panay iyak dito sa Kathryn. Tulad sa mga nakaraang movie niya buong movie ata umiyak nalang. Maya kasi may outing kami sobrang lamig pa naman.. hehe.
Celebrating Birthday with other mother, Swimming time, grabe ang lamig. Ang sarap magswimming namiss ko maligo sa resort pero namiss ko rin dagat. Ang daming foods tara mga kaingay dito sa Seoul, Pansol Laguna. Hahaa
May gising pa ba? Andito pa rin kami sa resort, Di na ako nakatulog kaya ito ako nagvivideoke na lang para di antukin. 3am na rin namin ilang oras na lang uwi na rin kami. Kaya mamaya wala akong post mga gabi na.. hahaha
Time Check : 4:27 am Wala pa rin tulog bangag na talaga gusto ko na umuwi para makahiga na kaso ang layo pa namin. Tulog talaga ako nito maghapon sinasabi ko sa inyo. Haha Malayo layo pa biyahe sana naman di ako malaglag sa motor baka makatulog ako. Lol
Good Morning Everyone, Maghapon talaga akong di nag-cellphone kahapon maghapon lang akong tulog. Kaya ngayon lang nakapagbukas, gusto ko lang magpasalamat sa mga pa-ingat niyo sakin lahat un nababasa ko. Salamat po. Ingat po lahat.
Iba yung piling ko ngayon para akong lalagnatin na ewan tapos ang sakit pa ng katawan ko. Panu kaya kapag nagwork na ako tapos panggabi pa baka isang araw lang ako.. lol. May pananghalian na ba kayo? Kami wala pa nanghihina talaga ako.
Magandang Gabi sa lahat, Grabe ung lamig ngayon napakasarap kaso ang sakit sa ilong parang sisipunin ako. Haha Pero aminin kapag hindi na ganito ang panahon mamimiss natin yung ganito kaya ako sinusulit ko talaga. Sila mga nakajacket ako nakasando pa.. lol. Minsan lang to sa isang taon nalalamig ng ganito dahil wala naman tayo sa Baguio at Tagaytay ienjoy na lang natin .
Late Dinner, Kain tayo mga kaingay, Lomi at sympre Tapsilog. Ang sarap promise lalo ung lomi ang sarap niya ngayong malamig. Hindi ko naman to pinost para matakam kayo pero parang ganon na nga rin un.. haha. Pero ang sakit parin ng katawan ko dahil to sa kakalangoy tapos nagpalaro pa sila pabilisan ganon tapos prank lang naman pala ung prize. Pero oks lang atleast masaya ung outing namin.
Punta muna kami dun, Sa Calamba lang kami ay may aasikasuhin lang, At may kukunin na rin kami. Daming tao ngayon dito sa Meralco panu kaya kami nito. Sana mabilis lang umusad. Kailangan asikasuhin at baka mabunutan na ng kontador. Kaso mga kasama sa bahay di maaalam magtipid.
Late lunch mga kaingay, Java rice raw to. Busog lusog na naman ako nito. Kain tayo mga kaingay maya-maya ay pauwi na rin kami mainit palang kasi. Ganito kami lagi para tipid lunch at meryenda iisa na.. lol.
Grabe from 10 am to 6pm tapos Ngayon lang kami nakauwi. Yung buong maghapon namin naubos sa Meralco. Pang 3,271 ba naman kami. Tinanong ko yung guard mga 2 to 3 hours lang daw aba 4 to 5 hours pala tapos pagpasok mo sa loob mahaba pa rin pala ang pila. It's a prank . Lol. Tapos natiming naman uwi namin labasan ng mga company sa FPIP kaya ayon sobra yung traffic jam buti nakamotor naman kami kaya kahit papanu nakakasingit Balik ako maya mga kaingay nag-update lang ako lowbat…
Mga kaingay pahelp ano kaya to Enable to complete previous operation due to low Memory daw ako. ( Di ko natandaan yung sinabi ) Hindi ako makapagpost ng picture at kusa siyang naghohome. Di naman to sa phone kasi malaki pa naman space nito. Please help po kung anong tinutukoy nito. Di talaga ako makapagpost ng picture.
Happy Friday People, Nakatulog na ako kagabi kaya di ako nakareply sa inyo. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng sumagot dun sa tanong ko at sa lahat ng tips niyo. Gustong gusto ko ung panahon ngayon para akong nahohome sick pero nasa bahay naman ako. Nahohome sick ako sa kabataan ko sa lugar na kung saan ako sinilang at lumaki. Namimiss ko ung Leyte, ung mga tao dun, ung kabataan ko. Huhu.
Mahilig din ba kayo sa mga Beauty Pageants? Ako kasi oo support ko ang MU at ME. Puyatan mamaya na kasi ng madaling araw ang PRELIMINARY ( 1am ) at NatCos ( 3am ) Puyatan na ito kaya need matulog ng maaga tapos alarm na lang. Ewan ko ba kahit may replay naman pero pag alam mong replay na lang ang boring manood kapag ganon. Hehe. Meron na pala tayong 4 Title sa MU at sana makalima na tayo.
Aba may paayuda buti na lang di pa kami natutulog. Kain tayo guys burger. Parang di pa ako inaantok mukhang tuloy tuloy na ako nito hanggang Preliminary ng Miss Universe kaso 1am pa yun.. hehe Papainggitin ko na lang kayo. Oh siya matulog na tayong lahat.
Magandang Umaga mga kaingay, Puyat ako dahil sa panonood ng Preliminary ng #MissUniverse. Mga 1:30 am na nagstart at 3 am natapos pero tuloy tuloy na yun hanggang National Costume pero di ko na pinanood dahil di ko na talaga kaya yung antok kaya natulog na ako nagising naman ako ng 6am para ilabas mga aso akala ko tapos na #NatCos pagbukas ko ng YT sakto malapit na tawagin #Philippines. Buti natulog muna ako.. hehe Monday na pala Final dito sa Pilipinas.
Good Afternoon kaingay, Ayan bagong ligo ang Missy namin kaya natulog na. Ako rin medjo inaantok dahil sa pagpupuyat sa MU. Kaya soundtrip lang muna ako ngayon habang naglalaro ng Mobile Legends.
Magandang Gabi kaingay, Kain tayo ulam namin ngayon ay Sinigang na Tilapia Paborito nila talaga ang isdang to. Sarap ang asim, sarap ng sabaw higupin. Tamang tama sa malamig At naulan na panahon. Pahinga lang saglit tapos maglilinis na ng katawan para makahiga na. Tang nood lang MPK.
Tulugan na. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng blessing na natanggap ko Ngayon ng araw. Sobrang thank you sa inyo kahit papano nagkakalaman wallet ko dyan na lang ako umaasa .haha Ewan ko ba kasi dito kay Noise kung kailan magpapasko saka naman nagdamot.. lol. Good Night po.
Naramdaman niyo rin ba yung lindol mga kaingay? Lakas manghele sarap pa naman ng higa ko. Ingat lahat sana walang naapektuhan nung lindol. Paalis kami mamaya wala pa yung inaantay namin. Kaya tamang nood lang ako ng series.
Grabe ala singko na pala pero di pa kami nagtatanghalian. Pero di naman ako nakakaramdam ng gutom. Lol Nag-aya na ako kumain sa labas kaya naligo na at kskain kami mamaya ako mang-iingit sa inyo.
Kakauwi lang namin galing sa kainan, di kasi kami nagtanghalian kaya sa labas na kami kumain. Tipid na kami, tanghalian na hapunan pa.. hehe Nagcrave rin talaga ako ng sisig kaso sa kagutuman di ko na napicturan nung di pa nagagalaw.. Nagbago kasi ng time ng pasok kanina kaya nakatulog lang maghapon. Kain na kayo mga kaingay SISIG AT PANSIT BIHON.
Sunday Habit. Now watching KMJS GRABE ANG GAGANDA NG BAHAY SA LUCBAN, QUEZON. Sayang walang Pahiyas Festival. Sana makapunta dun kapag okay na lahat. Kayo ba nanonood din? Di talaga buo ng linggo kapag di nakakapanood nito. Photo from KMJS FACEBOOK PAGE.
Ang aga aga namin nagsigising dahil sa Miss Universe buti naman pasok sa Top 16 si Beatrice Luigi Gomez laban Philippines. Grabe kabang kaba kami kasi pang 14 na ata tinawag si Bea . Haha. Nanonood din ba kayo? Photo from ABS CBN
Top 10 na si Bea, Next top 5 na.. sana naman . Dasal tayo mga kaingay .. hahaa Ang ganda naman ng gown niya e laban na laban
After Miss Universe deretso ligo tapos umalis na kami at baka maabutan pa ng ulan buti di naman kaya di nakapag-update. Hehe Kahit di nanalo Philippines sobrang layo ng narating niya ngayon na lang ulit nakapasok sa Top 5 kaya CONGRATS TO BEATRICE LUIGI GOMEZ PHILIPPINES MISS UNIVERSE 2021 TOP 5. 👏 🌈 Maglulunch na rin muna kami
Kakauwi lang namin galing Laguna, Umalis lami maglulunch kaya kumain lang kami ng fillet sa mcdo malamanan lang tyan kasi crave ko talaga Lomi, Tapos naulan pa lalo akong nagcrave tapos sarado pa. Kainis . Huhu Kaya umuwi kaming sawi nagpabili nalang ako ng burger burgeran at kikiam.. Kayo anong meryenda niyo?
Lumindol na naman dito samin kakalindol lang kahapon ata yun. Napapadalas ang paglindol dito samin. Btw kakatapos lang namin maggabihan di ko na napicturan ulam namin at ginising lang ako deretso kain na napagod ako kanina sa pag-alis namin.
Good Night na po sa lahat, Yung patulog na lang naisipan ko pa maghanap ng night market kaso di naman un uso dito kaya nag-aya ako kahit sa 7/11 na lang kaso walang makasama. Haha Bigla kasi akong nagutom. Kaya maganda talaga ung kahit papanu may stock kahit noodles or biscuit. Itutulog ko na lang to.
Ang sarap tumambay sa labas ang lakas ng hangin madadala ka . Haha Sana laging ganto yung parang kalma lang malakas hangin tapos malamig pero wag ganto kalakas ung tama lang . Haha. Pumasok na ako kasi kukunin ko mga sinampay baka mamaya nasa kapitbahay na lahat.
Kakauwi lang namin bumili kami ng oil, Module time muna kami, kaso bigla naman akong inantok, mabilis lang kami nito dahil antok na antok talaga ako.. haha Buti na lang talaga maalam tong tinuturuan ko dahil kung hindi naku mag-iinit ulo ko..lol
Magandang Gabi sa lahat, Kakatapos lang namin maghapunan, Kayo ay tapos na? Nung pauwi na kami sarado yung isang way tapos parang may ganap so dahil maritess kami ayon may zumba pala sa plaza. Parang di na talaga pandemic mga walang face mask tapos wala na talagang social distancing ang dami pang tao. Umalis agad kami kasi alam niyo na yun. Hehe.
Patulog ka na lang napanood pa ako ng mukbang. Haha May tiktok ako pero di na ako ganon kaactive kasi iba na tiktok ngayon pagalingan na kaya nood nood lang tapos ayon nga may mukbangers kaya binisita ko yt nya tapos natakam lang ako. Sa yt pa naman once nanood ka ng about food sunod sunod na ganon lalabas.. lol. Nagutom lang tuloy ako. G o o d N i g h t na mga kaingay para mawala tong gutom ko.
Good Morning noisers, Kakatapos ko lang magluto ng sinigang na tilapia paborito talaga nito. Nakakatuwa kapag nakikita mo silang nasasarapan sa niluto mo. Haha Kain na kayo mga kaingay. Di na ako nakapagpicture.
Kakatapos lang namin maglunch kaya module na para di makalabas tong batang to at gustong gusto lumabas kainit. Kayo ba naglunch na? Sana naman di dumating si bagyo ng Odette baka biglang mag SS un malakas pa naman.. hehe ( pangalan ng hero sa ml ang bagyo ) Padaan lang ako mga kaingay
Unang Araw ng Simbang Gabi bawal ang umabsent kasi maging Osto-otso na lang yun. Grabe no ang bilis bilis lang ng araw nagsisimbang gabi na naman kami. Parang kailangan lang nagsisimba akong mag-isa pero ngayon may kasama na. Ayie kilig. Jeje Kayo ba anong mas gusto niyo sa Gabi o sa Madaling araw kayo nagsisimba? Dati ako sa madaling araw kaso ang hirap gumising kaya sa gabi na lang. Kwento ko lang nung di pa nag-uumpisa simbang gabi wala talagang kailaw ilaw ang simbahan…
Magandang Umaga Kaingay, Natuloy pala talaga yung bagyo. Ingat po lahat ng dinadaanan ng bgyo ngayon. Sana ay nakapaghanda at nasa mabuting kalagayan kayo. Pasalamat na lang kami dito sa lugar namin ay tahimik lang ang paligid at makulimlim. Dasalin po natin ito. Galing sa Twitter
12 na pala pero di pa ako nakakaramdam ng gutom. Haha Ang sakit kasi ng tiyan ko ilang araw na tong ganto. Ininuman ko na naman ng gamot. Kayo ba ay nagtanghalian na? Sanaol may ulam no? Hehe.
Meryenda Time Tinapay at Softdrinks kayo dyan. Kayo anong meryenda nyu dyan? Grabe ung mga kumakalat na video ng bagyong Odette ang lakas sana naman di un totoo. Ingat po tayo dito samin makulimlim lang.
2nd Day of Simbang Gabi. Ang sarap talaga laging lumabas ng simbahan after mass. Naabutan nga lang kami ng ulan. Di kaya ito na yung bagyong Odette? Ang lakas kasi ng ulan kaya sumugod na kami di na kami sumilong dahil alam naming matagal to titila pauwi na rin naman kami. Signal #1 pala kami. Ingat tayong lahat buti full pa naman ako.
Good Night mga kaingay, Apat na beses na pala nagland fall yung bagyo grabe ang lakas niya pala talaga. Ang lakas din ng hangin dito samin. Sana talaga mawala na tong bagyo, sana okay lang lahat. Dasal po tayong lahat. Ipagdasal natin ung mga lugar na dinadaanan ng bgyo.
Alam kong di maganda umaga pero magandang umaga pa rin sa lahat. Ang lakas ng bagyong odette di pa yan sa lugar namin tumama panu na lang ung mismong lugar . Sana okay lahat. Nakakatakot ung hangin dito samin malakas talaga kagabi pa. Ingat tayong lahat mga kaingay lalo sa mga nasa part ng Visayas ingat kayo. Dasal lang
Lumalakas ang hangin at ulan dito samin. What more pa kaya sa mismong dinadaanan ng bagyo. Ingat Tayong lahat Tamamg module lang kami sakto bawal lumabas dahil walang magawa ang bata kaya sabi magmomodule kami. May lunch na ba kayo? Anong ulam?
3rd Night of Simbang Gabi, Thanks God at bago pa kami umalis hanggang makauwi ay wala ng ulan. Mukhang wala na si Bagyong Odette sana naman lumabas na siya ng PAR at tuluyan ng malusaw. Kumusta naman kayo may naapektuhan ba sa inyo kaingay? Sana okay lang kayo.
Magandang Umaga sa lahat mukhang wala na si Odette sana naman last bagyo na un. Ingat po tayong lahat palagi may bagyo man o wala Ipagdasal din natin ung mga nawalan ng mahal sa buhay. Kain na rin kayo umagahan.
4th Night Simbang Gabi.. Ilang night na lang makokompleto ko rin ang SG. Sinama namin pamangkin namin kanina, goods naman at mabait siya sa simbahan. Di na namin siya tinuturuan kasi nagmamasid siya sa palagid tapos ginagaya lang niya yung ginagawa namin. Nagtanong pa siya kung bahay ba raw un ni Lord sabi ko OO kaya siya mabait. Naikwento ko lang kasi alam niya at kilala niya si Lord.
Good MorLunch hehe., Tamang laba muna ako kaya di makaupdate, Namali pa ata ang yuko ko ang sakit ng likod. Iba na talaga kapag tumatanda na. Umuulan naman kung kailan naglalaba ako walang pakisama.. lol
Bat kaya ganon ung subs. Ko nagfreeze ng ilang buwan di na nadadagdagan pero ngayon biglang nabawasan?! Di na ata talaga okay sa acct ko ang noise. Wala na rin naghaheart sakin. Wala na rin nagcocomment. Wala na rin akong earnings. Parang bumabalik ako sa umpisa. Ang sad lang na ganito nangyayare sa acct ko pero clueless ako kung may violation ba ako o ano.. Kailangan ko na atang magpakabusy sa ibang bagay.
5th night of simbang gabi, Akala ko talaga di kami makakasimba kaya medjo nalungkot ako kasi di namin mabubuo , kanina kasi naglaba ako tapos namali ung pagyuko ko kaya sumakit ung likod ko ng sobra tapos umuulan pa pero pinilitvko talaga bumangon buti nakisama kaya pag-uwi nilagyan ko na lang ng salonpas, buti may raincoat kami kaya kahit naulan walang makakapigil samin. 5 out of 9 God Bless kaingay
Magandang Hapon kaingay, Nagtanghalian na ba kayo? Kami ito pakain pa lang bumili lang kami. Nagrerebond kami Ngayon dito sa bahay sana maganda maging kalabasan. Mamaya ko pipicturan magrebond na kayo dito samin.. hehe
1 am na pala di ko na namalayan ung oras. Post ko lang ung 6th night namin ng simbang gabi Sana may gising pa . Hehe. Ang daming tao kanina last mass kami nagsimba kasi nagrebond pa tapos maaga rin kami nagpunta para kahit papanu sa unahan naman kami nung nakaraan kasi nakatayo kami at late na. Good night sa inyo
Naglunch na ba kayo? Kain na kayo mga kaingay, Ang gulo talaga kapag maraming bata sa bahay lalo kapag nagkasabay sabay ng iyakan.. haha nakakairita. Nakakairita rin ung panahon napakainit kung kailan malapit na. Magpasko saka naman naging summer ulit.
Just got home, Naisipan namin mamili kanina ng damit, shorts at anek-anek. Grabe ung tao nag-uumapaw sa lahat ng mga bilihan. Wala na talagang pinagkaiba noong normal pa maliban lang sa nakaface mask mga tao. Christmas feels ganito. Kaso wala pa kaming nabibili pangregalo para sa mga bata wala pa budget..hehee
Ikapitong Gabi ng Simbang Gabi, Mukhang mabubuo ko ngayon SG for the first time walang balakid kaya nakakapagsimba. Nakakatuwa ung kanina sa may likod namin may kasama kasi siyang bata habang naghohomily si Fr pinapaliwanag niya ung sinasabi. Kayo ba wala pang absent? Congrats
Good Night na po sa lahat Share ko lang to kinakain namin tuwing nagsisimba bukod sa mga kakanin. Iba pa rin talaga ang mga tusok tusok isang tindahan palang yan na nabilhan nagiikot pa kami . Haha Imbes na simba lang napapagastos talaga dapat may budget din . Hehe Dynamite, Kikiam, fried siomai, at hotdog sandwich
Ang sarap ng ganito ang tahimik ng bahay walang mga batang sawayin. Dumating kasi si kuya ipinamili lahat ng damit para sa pasko. Kaya sobrang dami nila dun. Ang sarap ng bangon ko tahimik, walang maingay, walang nagsisigawan, nag-aaway... Lol Mag-uumagahan palang ako. Kayo ba ay kumain na?
Nagdatingan na ang mga bagets, Kaya makakarinig ka na naman ng iyakan sa sala. Hehe Ang liligalig. Kaya ako'y maliligo na muna at inaantok talaga ako para makatulog muna ako para di antukin mamaya sa pagsimba.
Hot afternoon kaingay, Nakatulog na rin kahit papano. Ready na sa pagsimba mamaya 8th night na ang bilis lang pasko na. Kaso wala pa ako pamasko. Parang ang sarap maging bata kapag pasko. Tapos mga kabataan ngayon magmamadali tumanda. Heje Kumusta kayo nakapagmeryenda na ba? Kami mamaya na lang sa simbahan ulit.
Tamang handa na ng susuotin para magsimba. Naubusan na ako ng susuotin.. jeje Panay labahan na lahat ng damit, ang hirap kasi nanaba ako kaya wala mga nagkakasya sakin na damit. Lamon pa more 8th night na.. sana kayo rin naka8th na.. Update ako mamaya.
Ika-walo ng gabi ng simbang gabi, Isang araw na lang makokompleto ko na. Ang saya ko. Pag ako nagsisimba ang dami ko talagang napupuna. Una sa lahat ung mga magulang na pinapabayaan ung mga anak nila na gawing playground ung simbahan dapat turuan natin ung mga bata na kapag nasa simbahan ay magdasal at tahimik lang kasi kahit bata naman sila natuturuan naman sila. Pangalawa ung mga kwentuhan nang kwentuhan ung tipong gusto mong magfocus makinig kay fr kaso mas malakas pa ung…
Good Aftie sa lahat, Dito na kami sa Laguna nagpapakulay at Brazilian ng buhok kasi kapatid ko kaya maaga kami umalis at uuwi rin kami agad mamaya. Dito na rin kami kumain .. haha pagkain lang lagi dinadayo namin dito . Lol Kayo may ulam na ba?
Isang mapagpalang umaga sa lahat, Bisperas ng Pasko na ang bilis lang talaga ng araw pero di pa kami ready di pa kami namimili ng panghanda bahala na mamaya. Sobrang saya ko pala dahil nakakompleto ko ang Simbang Gabi di ako nakapost dito dahil antok na antok ako, kumain lang tapos nsglinis ng katawan nahiga na agad ako tapos nakatulog na.
Namamasko po Kumakatok po ako sa mga puso niyo basta po bukal sa puso niyo.. ANG PASKO AY SUMAPIT TAYO AY MANGAGSIAWIT NG MAGAGANDANG HIMIG DAHIL SA DIYOS AY PAG-IBIG NG SI KRISTO'Y ISILANG MAY TATLONG HARING NAGSIDALAW AT ANG BAWAT ISA AY NAGSIPAGHANDOG NG TANGING ALAY. NAMAMASKO PO HAHAAA Medjo magigising busy na kasi kami ngayon pa lang kami mamimili.. hahaa.
Busy na ba ang lahat? Hehe Kami magiging abala talaga kasi kami ang taya kapag pasko. Ngayon nga e kakauwi lang namin sa pamimili ng handa at mga pangregalo grabe lang ubos pera . Haha. Napakadaming tao sa labas promise pero bet ko ung ganto kasi dama ko na holiday ngayon.. jeje Advance Merry Christmas sa inyo mga kaingay .
Makakapagpahinga na rin sa wakas, Grabe ung pagod ko from pamimili to pagluluto to pag-aayos ng decor to pagbabalot ng regalo tapos pagliligpit kasi need lahat maipasok sa ref at panisin ung mga niluto ko gawat may mga gatas. Butos na lang ulit mga kaingay di ko na talaga kaya ung pagot at antok bukas na ako magpopost ng mga picture. Pikit na maya ko. M E R R Y. C H R I S T M AS sa inyo mga kaingay
M E R R Y C H R I S T M A S NOISERS Buti nagbalot kami ng mga candy kahapon ang daming namamasko na mga bata kasi kung peperahin mo naku mamumulubi ka talaga. Kaya maya-maya ay tatakas na kami . Chariz Napagtanto ko lang ang sarap maging bata kapag ganitong pasko. Hehe Basta huwag lang natin kalimutan ang TUNAY NA DIWA NG PASKO. Happy Holidays everyone. Sending Love from me @PORU
Ngayon lang ako makakapag-update at kahapon panay tulog at kain lang kami, Ngayon dapat aalis kami kaso nag-uulan naman kaya di malungkot ang mga bata kasi sabi namin wag gumastos at aalis nga kami para mabili nila mga kailangan nila kaso bigla namang umulan. Isa pa sobrang sama ng pakiramdam ko parang lalagnatin ako na may kasamang sipon.. huhu wag naman sana.
Good Night na sa lahat, Hirap ako makatulog ang sama pa naman ng pakiramdam ko pero nakainom na ako ng gamot. Nawa ay bukas okay na ako. May parang tumutusok sa may bandang kilay ko sa gitna dun nasakit parang tinuturok ng karayon. Gusto ko na matulog kaso hirapan ako . Huhu
Maulang Umaga sa lahat, Ang bigat ng katawan ko sobra, sipon na sipon ako buti wala na ako lagnat. Pero masama pa rin pakiramdam sana mamaya okay na ako. Mag-uumagahan palang ako. Kayo ba?
Good Morning mga kaingay 2 days straight na na umuulan, di ko alam kung may bagyo ba o ano?! Meron ba? Parang napapansin ko kada magbabagong taon masama panahon at naulan. Ingat po tayong lahat
Nakatapos na rin kami maglinis ng kusina tinapon namin mga kalat na dapat nang itapon. Nagpalit din kami ng renolyom wala pa kasing pangtiles. Para ka ng makakahinga sa kusina . Haha Dami naman pagod kaya naliligo na. Nakakagutom nga lang makapagmeryenda pagkatapos maligo.
Gabihan na sila, Wala kasing tigil kakatahol si Luna kaya maaga sila kakain ngayon kasi di yan titigil 7:30 kasi dapat kain nila. May veggie sila Ngayon para healthy, kami nakagulay din sinamahan ko ng atay. Kayo anong ulan niyo?
Naglalaro rin ba kayo ng ML? Haha Ako kasi oo tapos stress na stress ako . Lol Lalo kapag sunod-sunod pagkatalo nakakagigil talaga. Ngayon naman ako ay manonood ng Doraemon the movie sa Netflix tapos ung inaabangan ko namang series. Kaya maaga ako maggogood night
Kakatapos lang namin kumain, Kayo ba ay naglunch na? Ilang araw na lang 2022 na . Grabe malapit na talaga akong mawala sa kalendaryo. I can't Ni isa sa mga goal ko wala pa akong nakakamit.. Pero laban lang.
Dinner for tonight HOTDOG, Ewan ko ba parang naumay pa rin ako kaya kailangan mamiss ko mga ulam para sa bagong taon makarami.. haha Kain na rin kayo mga kaingay. Naulan na naman sana naman di na umulan sa new year lagi na lang kasi naulan.
Magandang Umaga sa lahat, Happy Thursday, It's throwback thursday Ingat ang lahat sa pagpasok sa work o kung saanman ang lakad kape mo na tayo para siguradong gising ang diwa. Isang araw araw na lang bagong taon naaaaa... Dama niyo na ba? Kami kasi oo at panay torotot na.. lol
Yung noise ko naging normal socmed ko na lang, Halos wala na akong earnings, swerte ko na kung may piso ako sa coins pero madalas wala. Kaya niyong mga nakaraan ung payment thru paypal mga pinagkaabalahan ko na lang. Pero malay ko naman next year bumalik ung dating naabutan ko dito. Sana nga bumalik ung ganon. Share ko lang sa inyo tong Money Rawr.
Friday December 31 Last Day of 2021 Grabe lang ang bilis ng panahon. Sobrang bilis tapos inagawan pa tayo ng covid. Sana sa 2022 mapalitan lahat ng saya pero sana natututo at magbago na tayo sa mga masasama at maling gawi natin. Good night sa lahat.
Last Day of 2021 Magiging busy na naman ako kaya ngayon palang babatiin ko na kayo HAPPY NEW YEAR MGA KAINGAY, NAWA SA BAGONG TAON MAS MARAMING BLESSING ANG DUMATING SA ATIN. INGAT PO TAYONG LAHAT LALO SA MGA MAGPAPAPUTOK.
KAKATAPOS KO LANG MAGLUTO NG IBANG LUTUIN AT MAGGAWA NG MGA DESSERT KONYARE LIKE SALAD AT GULAMAN, NAKAPAGSHANGHAI NA RIN, SILA NAMAN ANG TAYA SA SINUKMANI, TAPOS MAMAYA NAMAN MAGLULUTO NG SPAGHETTI AT ULAM. TAPOS GRAHAM PA RAW MAMAYA KO NA LANG GAGAWIN PAGOD NA TALAGA AKO. PILING KO UNG BAHAY NAMIN LUMIPAT SA TABI NG RILES . HAHAHAA