Anong masasabi niyo sa eleksyon ngayon? Grabe ang facebook ko nababalot ng Pula at Pink, sobra ang awayan. Kanya kanyang post ng fact check daw at sympre di mawawala ang fake news. Kahit mga di botante nagpopost. Andyan ung mga magkakaibigan nag-unfriendnan, kahit pamilya nag-aaway-away. Ang masaklap kahit mga kabataang wala pa naman masyadong alam o wala pang nararating sa buhay o sabihin na nating wala pa masyadong ambag sa bansa e grabe magsalita sa matatanda. Nawawalan ng respeto sa isa't isa. Di matanggap ni ganito na si ganyan ang kandidato niya kasi ang gusto ni ganto iisa sila ni ganyan. Pwede ba naman un? Kaya dun nagkakagulo. Grabe rin naman kasi ang NEGATIVE CAMPAIGNING ng ibang kandidato. Masyadong magulo kahit sino pa naman maging presidente natin tayo pa rin ang magpapatakbo ng buhay natin huwag lahat iasa sa gobyerno, huwag lahat umasa sa ayuda at libre, huwag tayong maging pabigat sa lipunan. Di talaga uunlad ang isang bansa hanggat may isang komokontra. Sistema kasi sa bansa after ng isang admin. lahat ng nagawa di ipagpapatuloy gagawa ng sarili niya kaya walang natatapos panibagong plano, panibagong budget. Kaya dalangin ko lang ay sana magkaroon ng mapayapang eleksyon lalot may isang kandidato na nagbanta na magkakagulo kapag natalo siya.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet