read.cash Log in
@Poldo

@Poldo in May 2022

@Poldo

Late dinner nagcrave talaga ako ng Greenwich kanina pa. Craving satisfied kahit medjo mahal ang isang order. Medjo masama pa pakiramdaman ko ngayon huwag sana matuluyan at mahirap talaga magkasakit. Barado na ilong ko kaagad. Gawa to panahon mainit tapos biglang uulan ng malala.

@Poldo

Kagabi grabe lamig na lamig ako lilagnat ako ng todo. Buti nalang magaling ung doctor kwak kwak ko. Inalagaan at pinunasan ako. Kaya naligo na ako ng maaga ngayon naman sipon na sipon naman ako. Hindi ko alam kung dahil sa panahon to. Kaya tayo ingat lahat. Health is wealth

@Poldo

Grabe tong pagkakasakit kahapon lang ako nawalan ng gana kumain pero ngayon gutom ako lagi. Tapos di nababa lagnat ko o may sira lang tong de battery na thermometer namin. Wala talaga akong tiwala sa mga de battery na gamit lalo ung sa pang bp. Craving ako ng Burger ng Jollibee . Haha.

@Poldo

Medjo late na pala bangon ko. Kaya ito gatas muna ako. Masama pa rin pakiramdaman ko pero mas okay na to kaysa nung nakaraan liligo na lang ako ngayon after ko mag-umagahan. Napakhirap magkasakit tapos ang init ng panahon di mo mapaliwanag nararamdaman mo. Kaya keep safe po tayong lahat mga kaingay.

@Poldo

Anong masasabi niyo sa eleksyon ngayon? Grabe ang facebook ko nababalot ng Pula at Pink, sobra ang awayan. Kanya kanyang post ng fact check daw at sympre di mawawala ang fake news. Kahit mga di botante nagpopost. Andyan ung mga magkakaibigan nag-unfriendnan, kahit pamilya nag-aaway-away. Ang masaklap kahit mga kabataang wala pa naman masyadong alam o wala pang nararating sa buhay o sabihin na nating wala pa masyadong ambag sa bansa e grabe magsalita sa matatanda. Nawawalan…

@Poldo

Nakapunta na ba kayo dito? Dito kami nagsimba nung nakaraan, malayo siya samin almost 2 hours yung biyahe depende sa trapik kami kasi nakamotor kaya medjo mabilis pa. First time ko dun mamamangha ka kasi ang laki ng Statue ni Mama Mary. Located nga pala pala to sa Batangas. Ito nga pala ang tinatawag nilang MONTE MARIA. Di lang kami masyadong nakaikot dito kasi sinumpong ako kaya umuwi agad kami after mass. Haha Balik nalang kami dito.

@Poldo

Piling ko yung pagod ko nung umattend kami sa Miting de avance sa Parañaque dala ko pa rin ngayon. Parang pagod na pagod pa rin ako tapos ang init init pa. Natapos na rin ang eleksyon actually hindi pa pala kasi nasa 98% pa lang. Nanahimik na rin fb ko wala na ung mga nagmamagaling. Tandaan kahit sinong manalong presidente kailangan parin nating siyang suportahan dahil siya ung pinili ng majority. Respeto lang yan. Kung walang pagkakaisa malabo talagang umunlad tayo. Kumusta…

@Poldo

Good Morning Pilipinas, grabe ang init ngayon ang sarap magbabad, kaso hanggang ngayon sipon na sipon pa rin ako. Hindi ko alam kung ano to isang linggo na ata to. Baka naaallergy na ako sa buhok ng doggy namin wag naman sana. Kumusta naman kayo dyan anong ginagawa niyo ngayon?

@Poldo

Grabe nagagawa ng eleksyon kahit kamag-anak mo iuunfriend ka dahil lang magkaiba kayo ng political views. Hambog masyado masakit siguro sa mata nila na talunan ung kandidato nila marami akong friend na iunfriend ako. Sorry pero di naman sila kawalan mas okay nga un ung matira ung mga totoong tao. Dapat marunong tayong tumanggap ng pagkatalo.

@Poldo

Ang init init ganto ulam namin. Haha Pero kain na tayo guys naluto ko na. Tilapia sinabawan ko na lang nilagyan ko ng gulay na pechay.

@Poldo

Sobrang init dito samin kanina tapos biglang umulan ng pagkalakas, unang ulan ata to ng Mayo, naalala ko dati kapag ganito naliligo kami tapos uniinom pa namin ung ulan kaso ngayon di na ata pwede at madumi na. Ito rin daw ung ginagawang holy water. Kayo anong paniniwala nyu sa unang ulan ng mayo?

@Poldo

Late dinner, di ko na namalayan ung oras di kasi ako nakakaramdam ng gutom panu nagmeryenda ako ng kikiam. Haha .pero kailangan ng kumain at baka maubusan pa ng kanin mahirap na.. Kain tayo mga kaingay

@Poldo

Maghapon umulan kaya malamig lamig ang panahon ngayon. Di man lang kami nakapagbeach tag-ulan na ata. Haha Medjo busog pa at galing kami sa berdeyhan Mamaya na lang maghapunan kapag nakaramdam ng gutom. Anong balita dito mga kanoise parang wala atang nagaganap na update ngaun?

@Poldo

Patulog palang di na talaga nakapaghapunan nakaidlip na ako kanina tapos ngaun ayaw naman ako dalawin ng antok pero need na matulog at maaga pa sa Meralco bukas. Wala rin kami Wifi kanina kasi nagpintura kami ng kwarto sa di sinasadya nababa ko ung sa aircon(nakalimutan ko tawag) tapoa un di na gumawa ung modem nasira ata. Kaya ngayon nagpaload pa ako ng data buti may mura naman akong nabibilhan 1gb for 12 pesos. Di ko pala alam kung mura na yan. Hehe.

@Poldo

Good Morning, sabi mawawala na raw ang Mobile Legend naglaro ako nito kahapon ata after mag end season. Medjo tinatamad na rin kasi talaga ako maglaro nito. Tambay muna dito sa parlor tapos deretso uwi sa Los Baños may dadaanan lang kami tapos uwi na. Nagbreakfast lang kami dito.

@Poldo

Malamig na gabi sa lahat, Masarap matulog ngayon di kainitan, Huwag lang talaga uulan bukas at may lakad kami. Nakapaghapunan na ba lahat? Di kami nakapagluto dahil walang bibili at naulan nga kaya itlog is life.

@Poldo

Rainy afternoon everyone, Ang perfect ng coffee sarap humigop habang malakas ang patak ng ulan. Wala nga lang tinapay kasi di makalabas. Wala tuloy mameryenda. Kayo kumusta naman? Anong ganap?

@Poldo

Tulugan na, good night sa lahat, dahil umulan nung hapon ayown ang lamig ngayon mapapasarap ang tulog. Kaso nagbago ng oras ng pasok si boss 1am ko sya gigisingin hanggang 10am pasok nya kaya kailangan mag alarm.

@Poldo

Kanina habang nagluluto ako nanonood ako ng SeaGames volleyball Thailand vs Philippines, naiinis lang ako parang napakahina ng team Ph nilalampaso lang sila ng kalaban. Tapos ung coach ayaw ipasok si Valdez kairita lang manood pero buti na lang atleast pang rank 3 ang PH overall sa Gold. Kayo ba nanonood din ? May live sa yt at fb.

@Poldo

At dahil umuulan nagcrave talaga kami nito, Ito ung luma naming kinakainan na malapit lang samin masarap din naman siya at mura pa. Lomi at Canton. Sarap kaingay tara kain tayo baka di na naman kami makakain nito ng hapunan. Sarap talaga nito tamang tama sa maulang panahon.

@Poldo

Tulugan na pero medjo di pa ako inaantok kaya baka maglaro muna ako or manood sa yt Naghapunan na ba kayo? Ako kakatapos tapos lang. Solo mode ako kumain kasi tulog pa si boss gisingin ko nalang sya mamayang 12:30 para kumain gising niya un kasi 1am pasok niya sa work. Advance good night na sa lahat ❤️

@Poldo

Hello mga kaingay bukod sa noise ano pa mga pinagkakakitaan niyo dyan na earning app? Ung legit sana at ung nakapagcash out na kayo. Salamat sa sasagot.

@Poldo

Maulang Gabi mga kaingay, Dahil maulan at tag-ulan na tipid na sa kuryente dahil iwas aircon ang baby namin, hindi siya hingal na hingal dahil malamig ang panahon ganon din naman kami. Kaya itong baby namin maghapong tulog sarap buhay babangon na lang para kumain at umihi ayaw gawin nag trabaho niyang Lambingan kami. Hehe.

@Poldo

Late lunch mga kaingay, Inadobo ko nalqng ung manok na nasa ref. Mahal kasi kapag ibang luto pa kailangan magtipid. Kayo ba kumain na? Sinigang mix pala nilagay ko dyan kasi ayaw nila ng suka.

@Poldo

Grabe napakadilim ng kalangitan, Kawawa naman ung mga kabataan dito kasi may liga dito sa subdivision namin laging di natutuloy gawa ng ulan ngaun pamangkin ko may schedule ngayon kaso mukhang uulan pa nga sana matapos game nila bago ang lahat. Sayang naman uniform nila di nagagamit sa laro. Gusto ko sana manood kaso huwag na lang at baka maabutan pa. Anong meryenda nyu? Dun pa naman maraming paninda.

@Poldo

Good evening everyone, Sinong naglalaro o may gumagamit nitong Honeygain? Kumusta to paying pa ba siya? Matagal na ako nag-install nito binalik ko lang ulit. Hehe Hindi ko alam kung matakaw ba to sa data at kung malakas makasagap ng signal sa wifi. Let me know po sa mga may app nito kung worth it ba siya or not.

@Poldo

Good Morning noisers, Lumindol na naman pala dito samin. Ano na naman kaya dahilan? Huwag naman sana dahil sa Bulkan na naman. Madalas dito samin ako una o ako lang nakakaramdam ng lindop pero ngayon di ko naramdaman mahimbing siguro tulog ko. Kaya ingat po tayong lahat lalo ngayong maulan Nawa'y walang napinsala si lindol. Have a nice day sa lahat.

@Poldo

Maghapong tulog tapos tutulog na naman. Haha Nalabas lang ata ako ng kwarto para umihi at kumain at magpakain ng aso. Pwedeng pwede talaga ako sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother. Hehe Btw kapag ung pamangkin ko ayaw matulog ito mga pampatulog nila. Jaja Mga nagsasalita yan kaingay ng 'Huy Bata Matulog ka na kung hindi ka pa matutulog kakainin kita". Pipikit agad promise. Lol.

@Poldo

Maghapon kami naglinis at nagligpit ng mga aquarium nilipat namin ung pwesto para lumuwag naman. Tapos may laban sila sa court pagpunta namin tapos na talo naman sila tambak. Haha Sa susunod na laban na lang ulit kami manonood.

@Poldo

Tambay lang dito sa Parlor, tahimik ang aming baby, panu di naman mainit kahit walang aircon di tulad sa bahay parang sinisilaban kaya kailangan nakaaircon sa umaga. Himalang di umulan kahapon ngayon naman sobrang init sana kahit kumulimlin man lang.

@Poldo

Tulog na ba lahat? Tambay muna dito sa labas grabe init sa loob namin di kasi nakakalabas ang init, Sana mauso ung pwedeng tanggalin ung bubong ng bahay ung parang sa mga kotse. Haha Ang problema ko pang dito malamok baka madengue na naman ako. Ang bango pa naman ng dugo ko.

@Poldo

Kain tayo mga kaingay, ito na lang natira sa ulam namin bago ko naisipang picturan. Pero binili lang namin yan sobrang di mo talaga kasi kakayanin magluto sa bahay kapag katanghalian para lang naggym. Haha Ngayon naambon na dito samin pero kahapon umalis kami grabe talaga ung init ni hindi man lang kumulimlim.

@Poldo

Nakapaglaba na ako kaya naisipan ko nang panoorin tong More Than Blue ni Jc Santos at Yassi Pressman. 2019 pa to pero Ngayon lang ulit nagtrending. Maganda pala siya nakakaiyak, maganda ung kwento. Marami talaga tayong movie na di mo akalaing maganda kasi kapag tagalog iniisip agad korny. Panoorin niyo promise ang ganda meron sa facebook

@Poldo

Ayan kakatapos lang maligo ng baby namin, Matagal talaga ang liguan session namin kasi ang haba ng buhok niya matagal iblower, dapat talaga ipapagroom na namin kaso wala pa sa budget 600 kasi bayad sa kanya, kaya ginawa namin sabi ko umorder na lang ng panggupit para kami na lang maggugupit kasi ang mahal talaga magpagroom. Ayan tulog na siya, bukas kasi aircon at grabe ang init sa labas. Kaya ako kulong din dito sa kwarto manonood na lang ako ng movie tapos kapag tinamad ML…

@Poldo

Nanood kami ng liga kanina nung unang laban nila talo tapos di pa kami umabot pagdating namin tapos na kanila 1st quarter pa lang pero lamang na sila buti naman at panalo sila naman ang lumamang. Di nasayang panonood namin. Hehe Minsan masaya rin manood ng liga huwag lang talaga magkakagulo. Kayo ba may paliga rin dyan sa brgy nyu?

@Poldo

This cloud is so beautiful, di ko alam kung ano ang tawag sa formation nito pero grabe ung ganda mapapatigil ka talaga para kuhanan ng litrato. Actually ngayon lang ako nakakita nang ganito. Mahiig kasi talaga ako magpicture ng mga ulap lalo na moon pinakapaborito kong subject un.

@Poldo

Piling fresh ang baby namin kami na naggroom sa kanya, umorder na lang kami sa shopee ng razor kasi 600 pesos ang pagroom sa labas, laking tipid na to. Masusunod pa kami sa gusto naming itsura tulad nito di ko pinagupitan mukha niya. Pero di pa perfect gupit first timer.. haha