Magandang Gabi sa lahat siguro naman nakapaghapunan na lahat. Kanina kaya ako nakapagpost ng picture dahil may free wifi sa pet shop buti nalang dahil ang tagal namin nag-antay dahil pagdating namin dun pang-apat pa si Missy tapos Large Breed na siya kahit Shih Tzu naman di namin alam kung bakit lumaki ng todo baby namin. Haha ginawa kasi namin siyang tao talaga 3x a day tapos may meryenda pa pero sympre healthy foods lang mas magastos kapag nagkasakit kaya ingat din kami sa pagkain niya. Buti medjo mura parin sa pet shop na un kasi lahat na andun sa package nila kapag small ( 400 ) medium ( 500 ) ung baby namin large na kaya 600 pesos na.. Baby pa siya sa lagay na yan pero ilang days na lang adult na baby namin baka maging di malambing ang bilis ng araw. Makakarelate ung mga furparent dyan kung paano mag-alaga ng aso maliban sa mga nakikisabay lang at gusto lang din magpasikat na may aso rin sila.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet