read.cash Log in
@Poldo

@Poldo in January 2022

@Poldo

Happy New Year ulit mga kaingay, Nawa ay maging maayos at bunalik na sa dati itong platform na ito ang noise. Yan pala ung handa namin ngayon, di ako masyado kumain kasi naumay ako, ako kasi nagluto ng mga yan kaya ata ako naumay. Pero buti naubos din kasi di ko na talaga malasahan baka nga may covid na ako . Lol.. hahaa.. Kayo ba may tira pa ba? Ubusin na at baka maboom panes na.

@Poldo

Good Morning mga kaingay, Kumusta naman nakapagtimbang na ba kayo? Haha Hanggang ngayon may handa pa rin sa ref. Namin. Kaya ako ang umaattack. Lalo tuloy ako nataba . Lol. Kayo ba may mga tira pa dyan? Hehe

@Poldo

Mukhang di naman ata matutuloy ang f2f, nalaki na ulit bilang ng positive sa covid tapos nagkalat pa si Gwyneth tinaguriang Poblacion Girl, siya ung tumakas sa quarantine niya at nakipagparty pa sa nga kaibigan kaya ayon n nagkahawaan sila. Positive pa naman siya sa omicron variant. Kaya ito kami module na ulit. Hehe .Sana naman di na magwave si Faceshield. Jeje

@Poldo

Kumusta naman mga kaingay? Hanggang ngayon may sipon pa rin ako. Kayo ba nagkasakit din? Mukhang ang daming nagkasakit ngayon kasi nagkakaubusan ng supply ng mga paracetamol at vitamins tapos tumataas na naman covid.. huhu Sana naman matapos na to kaya ingat tayong lahat.

@Poldo

Tapos na magtiklop, nagpaplano na ako mag-apply ng trabaho ako'y magsesearch muna para sa magandang company mapunta. Kailangang maging productive ako ngayong 2022 sana tayong lahat. Mawala na sana covid.

@Poldo

Meryenda Time, Dahil may bread at cheese pa kaya ito naisip ko imeryenda tapos kape, Sarap pwede na pamatid sa nagugutm kong tiyan. Kayo nagmeryenda na ba? Anong inyo?

@Poldo

Magandang Gabi mga kaingay,. Excited na ako malapit na magpasko 11 months na lang . Haha Naghapunan na ba kayo? Tamang ML lang kami dito hehe. .padaan lang ako anong mga ginagawa niyo?

@Poldo

Good Morning Noisers, Bilis ng araw Jan. 5 na agad parang kakapasko lang at bagong taon tapos ngayon 5 na di natin mamalayan February na agad. Pero ung covid nalala na naman . Hay naku . Breakfast na kayo mga kaingay ako mamaya pang 12 kakain. Nagfafasting kasi ako.

@Poldo

Magandang Gabi sa lahat, Medjo naging abala ako ngayon kasi nag-asikaso kami para sa binyagan, Naggawa rin ako ng pangtarpaulin at invitation. Ang dami ko tuloy di nagawa tapos bukas subukan ko na maghanap ng mga maaapplyan. Kaya ngayon ako babawe sa mga dapat kong gawin. Dami ko papanoorin.

@Poldo

Totoo ba to? 10k na pala ulit ang new cases sa loob lang ang isang araw? Ano na bang nangyayare di na ba talaga matatapos to? Kung kailan kasi halos bumaba ang cases nagluwag ng sobra, halos naging parang normal na pinagkaiba lang nakamask mga tao. Aminin man natin o hindi kahit may pinapatupad na protocol sa bawat establishment ay hindi rin naman sinusunod ng mga tao. Unang buwan palang ng taon to. Sana talaga maging okay na ulit tayo. Kaya kapag lalabas tayo kailangan na…

@Poldo

Patanghali na pala ang hirap ng pagfasting, 12pm pa ako pwede kumain. Mahihimatay na ata ako.. hahaa Kaya ito tamang module na kami para maaliw kaso nagtatawag na ng pagkain ilong ko. Kayo ba ay panaghalian na? Sana masarap ulam niyo. Heje.

@Poldo

Nakakaantok, walang magawa tamang hanap ako ng mga pwedeng maapplayan. Maliligo na rin ako at nangangasim na. Ready na ba meryenda nyu? Hehe Kami wala pa . Parang nagcrave ako ng Milktea at Pizza .. lol

@Poldo

Fresh from the Bath, Akala ko ba Enero ang pinakamalamig na buwan sa bansa pero bakit parang hindi naman. Ang init init na. Ang sakit ang lalamunan ko tapos ilang araw narin tong sipon ko. Di naman siguro to covid.. Ngayon naman iniisip ko na ano masarap nameryenda. Kayo ba?

@Poldo

Magandang Gabi mga kaingay Tamang luto lang ng ulam. Kayo anong ulam niyo? Kami ito manok na naman. Minsan nagsasawa na ako sa baboy at manok . Parang gusto ko nmn pusa or daga.. haha charizz

@Poldo

Tulugan na antok na ako. Naiinis lang ako sa ML talo na naman.. haha Sa una ka lang papanalunin sympre matutuwa ka tapos iisa ka pa tapos matatalo sympre gusto mo bumawi pero matatalo pa rin hanggang mapipikon ka na lang . Lol. Kaya bukas na ako magbabawe..

@Poldo

Dinner time, Namiss ko talaga to, ang sarap kasi ng wings sa Onyang Wings. Umorder kami ng 12 pcs di halatang patay gutom.. hehe Mild Buffalo flavor, masarap talaga kapag maanghang. Kain na mga kaingay. Makisana all na lang muna kayo.

@Poldo

Magandang Umaga mga kaingay, magkaroon nawa tayo ng maayos at ligtas na araw. Nawa kung anuman goal natin ngayong araw ay makuha at maging successful tayo. Napapansin ko ngayon ang tagal magliwanag tapos itong aso namin 5am pa lang nagpapalabas na kaso sobrang dilim pa kaya inaantay ko pa mga 5:30 pero ang dilim pa rin talaga dati maliwanag na kapag ganon. Tapos may maaga rin nagising na bata at nilalagnat daw ito kagabi buti okay na ngayon.

@Poldo

Isang mainit na hapon sa inyo, Nakuha na namin kanina yung tarpaulin at sticker para sa souvenir, tuloy pa rin nag binyag kahit naka alert level 3 pero bawal ang inuman at videoke, wala rin bisita. Buti maayos naman ung tarp. Sa cellphone ko lang kasi nilay out wala silang reklamo sa gawa ko kasi kung magrereklamo sila, sana sila na lang gumawa. Kapag libre bawal magreklamo..haha Ito ung lay out ko first lay out naman sa mga susunod na gawa maganda na yan .lol Nagmeryenda na…

@Poldo

Just got home, Namili kami ng pang souvenirs kahit bukas na binyagan, bawal din naman kasi bisita. Bukas umpisa ng Alert Level 3 dito sa Batangas pero di ko alam kung anong meron sa alert na yan.. haha Di pa kasi naglalabas ang pamunuan ng Sto. Tomas. Pero may mga nakalagay na dito na NO VACCINE NO ENTRY.

@Poldo

Nakatapos na rin ganto na lang ginawa namin madalian na wala naman ding bisita iilan lang at bawal nga. Kaso ewan ko ba parang nag-iinvite pa sila bahala na sila kapag nahuli at magmulta pa. Basta di iami nagkulang sa paalala. Kaya makakapahinga na rin 6 am binyag bukas napakaaga. Good Night na sa inyong lahat

@Poldo

Good Morning mga kaingay, Kung anoman mga balak niyo gawin ngayon nawa ay maging successful. Stay Positive lang sa daming negative na nangyayare sa mundo. Ako'y dadaan lang ulit at magiging busy nang bahagya.

@Poldo

Di ko mapost lahat pero yan ibang handa kahapon sa binyag. Grabe akala ko talaga walang darating na bisita pero bigla silang nagdatingan. Said ang handa walang natira maliban sa cake . Hehe . Walang alert alert sa kanila. Ewan ko ba dito sa lugar namin walang kahigpit higpit kahit nung umuwi kami sa Laguna wala rin parang wala naman pagbabago talagang nasa tao na lang ang pag-iingat.

@Poldo

Ang sarap nito pwede na dessert . Hehe Ube flavor ung strawberry nito ayoko kasi parang matabang pero ito ok naman. Medjo puyat ako kagabi at bantay sa nilalagnat. Pero buti ngaun okay na sya. Nakapaglaba na rin ako kaya ito tamang ML muna ako. Naglunch na ba kayo? Ako kasi hindi pa.. hehe

@Poldo

Tamang module pa rin, mukhang wala na atang pag-asa ang face to face class. Hanggang ngayon di pa rin available ang mga paracetamol samin. Kumusta naman kayo mga kaingay? Mukhang di pa nag-aupdate si Pareng Noise.

@Poldo

Gabi na naman, magkakalahati na agad ng buwan, matatapos na agad ang unang buwan ng taon. Pero parang wala pa ring pagbabago. Tapos ito sinisipon na naman ako pahirapan pa naman maghanap ng gamot ngayon. Anong hapunan niyo dyan? Parang ang sarap ang sinigang ngayon.

@Poldo

Pinilit ko nang bumangon kaya ko naman mahirap kasi kapag mas lalo mong minahal ang sakit pero kagabi sobrang lagnat na lagnat at sipon ako iniisip ko tuloy baka kay covid ako. Kaya wala akong tulog magdamag akong gising. Ang hirap pa naman magkasakit ngayon dahil walang mabili na mga paracetamol. Tapos naulan pa ngayon. Kaya magiging uso talaga sakit . Kaya ingat tayo palagi mga kaingay, may sched pa naman ako ng booster . Padaan lang ako

@Poldo

Nakakailang tissue na ako sa maghapon. Ung lagnat ko pabalik balik, taas baba kung magpapaswab ako panigurado positive ako nito. Kaya ito ako dito lang sa bahay nagpapagaling. Ingat tayong lahat parang habang natagal mas makakatakot ang covid. Kailangan natin magdoble ingat.

@Poldo

Magandang Hapon mga kaingay, Tamang pahinga lang ako maghapon medjo okay na pakiramdam kaya pahinga na lang, kaso ung mga tao dito nagkakasipon na sila.. Hirap talaga kapag sama-sama sa iisang bahay kssi nagkakahawaan. Kaya tayo ay mag-ingat na di magkasakit mahirap pa naman humanap ng gamot.

@Poldo

Malamig na hapon sa lahat, Medjo okay na ako . Thank You Lord. Ang sarap sana tumambay sa labas kaso ang lamig.. hehe Namiss ko kayo dito. Walq pa bang bagong update?

@Poldo

Yung sipon ko hanggang pasko na ata ulit. Ayaw pa rin mawala. Di ko alam kung normal pa ba to. Lahat na ata ng gamot nainom ko . Huhu Kaway kaway sa mga kagaya kong di mahihilig sa maaasim . hehe . Ang hirap ng walang wifi. Anong niloload niyo sa data mga kaingay?

@Poldo

Time to sleep, Good Night na po lahat, medjo namiss ko dito sa noise bawe na lang ako sa mga susunod na araw. Di pa rin ako iniiwan ng sipon ko kaya ang sama ng pakiramdam ko pa rin. Sabi pa naman nila kapag may sakit ka ng bagong taon magiging sakitin ka buong taon.. hahaa. Mga kasabihan na di ko pinapaniwalaan.

@Poldo

Dahil kakamulat langs, sa labas na kami kakain ng umagahan. Lomi is life pero yung sipon ko kumakapit pa rin talaga .. Nakapag-umagahan na ba lahat? Huwag magpapalipas masama yun.. Ingat lahat.

@Poldo

Kakainis ang bagal ng data sa tm, nagpaload kasi ako ng data at wala kami wifi.. huhu sayang pinaload ko. Hirap ng walang wifi tapos tambay pa dito sa labas bukas aircon na naman sa labas. .hehe. May ulam na ba kayo? Anong niluluto niyo?

@Poldo

Kakatapos ko pang magluto ng giniling na may tomato sauce. Ang dami kasi namin tomato sauce eean ko kung bakit . Lol Una ko muna pinakain mga aso tapos kami naman kapag nakaramdam na ng gutom. Kayo nakapaghapunan na ba? Kain na po tayo.

@Poldo

Yung nagpaload ka ng Data para kahit nakahiga ka sa kwarto kaso ang hina ng signal dito. Sayang load ko kayo ba ano niloload niyo? Ako ay job seeker mga kaingay baka may ibibigay kayo dyan.

@Poldo

Good Morning Noisers, Maaga kami ngayon dahil uuwi kami sa bahay sa Laguna para kunin ung aso na binili ni kuya ihahatid namin. Breakfast na kayo umorder kami ng puto at spaghetti.

@Poldo

Nakauwi na kami naihatid na namin ung aso, napakacute dahil ang baby pa 2 months old pa lang dahil nakadata lang ako kaya di ko mapost. Pero bukas iniinvite kami ng ate ko at birthday ng anak niya punta raw kami sa Tagaytay kaso parang tinatamad naman ako maggagala bukas at wala ako susuotin .. lol... Bahala na bukas kapag nagbago pa isip ko. Magandang Gabi pala sa inyo

@Poldo

Buti nakikisama data ko ngayon nakagawa ako ng paraan nilagay ko sa taas ung isa kong phone dun ko nilagay pamsamantala ung sim ko na may data tapos nakahotspot ako . Haha Wag lang sana malolowbat pa phone ko. Dalawa kami nagamit naku sana naman tumagal yung 5gb ko wala pa akong pangload... Hehe.. Baka naman kaingay pangdata lang ..

@Poldo

Gala muna us dahil birthday ng pamangkin ko. Late lunch kami wala pa talaga kaming pupuntahan kung saan na mapadpad dun kami. Galang gala. Ingat us

@Poldo

Kakauwi lang namin galing Sta. Cruz ang layo ng kinainan namin.. hehe . Grabe busog much ang layo lang talaga pero solb naman. Tambay muna kami dito sa garden di lang talaga ako makapagpost ng picture.

@Poldo

Nakakaantok din pala mga tunog ng sasakyan. Haha Tambay lang kami dito sa garden. Pero pauwi na rin kami, di ko pa sure kung uuwi na rin kami pa Batangas. Pero baka umuwi na rin kami at kawawa ang mga furbabies namin..

@Poldo

Ito yung mga pagkain namin kanina kaso di ko napicturan yung iba malayo kasi sa upuan ko. Birthday kasi ng pamangkin ko 19th bday niya. Sinigang na hipon Fried Calamares Barbeque Sisig Dumayo pa kami ng Sta. Cruz para lang kumain hindi naman kasi talaga dyan ang punta namin sa Isdaan o Kamayan maganda kasi ang view kaso punuan. Minsan okay lang din dumayo basta masarap ung pagkain kasi kapag hindi naku nakakadisaappoint lang.

@Poldo

Kain tayo mga kaingay, pahabol sa bahay. May cake na may lalantakan na naman ako mamaya nito expected ko na madadagdagan na naman taba ko nito.. lol Mukhang tanggap ko na, di ako papayat sa 2022

@Poldo

Good Morning kaingay, Nakauwi na rin kami ng Batangas, ang init grabe kahit maaga pa nakakasunog na agad sa balat. Dala namin ung tuta ni Kuya dito muna siya hanggang matapos turok niya sa Vet. Kaso ang daming kuto kaya sa susunod na araw kailangan madala na sa vet para mabigyan na ng tamang gamot. Skl Ingat po tayong lahat mga kaingay parang normal na talaga sa labas.

@Poldo

Punta muna kami ng pet shop magtatanong ng sabon para sa aso bawal pa pala ng gamot kasi baby pa depende raw kasi sa kilo. Tapos ipapagroom na lang din namin ung baby naman namin mag 1 year old na kasi siya sa 31st. Ang bilis adult na agad ang Missy namin. #FurParent #FurBaby

@Poldo

Dito na kami sa Pet Shop dito namin siya iginala . Hehe Ang laki siguro ng galit samin nito ni Missy . Pero igagala naman namin siya after nito at kahapon nga di namin siya isinama gabi na raw natulog at nag-aantay daw samin. Kawawa naman.

@Poldo

Magandang Gabi sa lahat siguro naman nakapaghapunan na lahat. Kanina kaya ako nakapagpost ng picture dahil may free wifi sa pet shop buti nalang dahil ang tagal namin nag-antay dahil pagdating namin dun pang-apat pa si Missy tapos Large Breed na siya kahit Shih Tzu naman di namin alam kung bakit lumaki ng todo baby namin. Haha ginawa kasi namin siyang tao talaga 3x a day tapos may meryenda pa pero sympre healthy foods lang mas magastos kapag nagkasakit kaya ingat din kami sa…

@Poldo

Good Morning mga kaingay, Nakapagpakain na pala ako ng mga doggy at nakapaglinis ng bahay at sympre nakakain na rin ako. Hehe Kaya ngayon ito hilata na muna tinapos ko lang ung series na pinapanood ko. Ingat lahat ng mga lalabas ng bahay

@Poldo

Late dinner, kayo ba? Wala kami maisip na ulam e nagcrave din naman ako ng meatloaf at beef na lucky me. Ayon solb. Ngayon kahiga na manonood naman ng vlog hanggang antukin.

@Poldo

Ang mahal magload kapag data lang. Kakapaload ko lang ulit 3gb nga lang kasi wala na ako budget. Haha Ang poor ko sa data tagal kasi bumalik ng wifi .. huhu ang hirap kapag tipid, kaya tipid din sa panonood di tuloy makapagnetflix sayang binabayad. Kaya ngayon lang ako nakapagparamdam. Kumusta naman ba maghapunan niyo mga kaingay wala pa rin bang bago dito?

@Poldo

Buti pala nagpunta kami sa barangay para kumuha ng brgy clearance tapos sinabihan kami ni ate na magpa national id. Na raw kami at last day na. Ang pagkakataon talaga kasi binabalak na talaga namin magpa id buti hindi na kami napalayo. Btw magandang morning wala ulit picture kasi data is life.

@Poldo

Magandang Gabi mgs kaingay siguro ung iba sa inyo ay tulog na at patulog na ako naman ito nakakaramdam ng gutom.. haha Di kasi kami kumain ng hapunan tinamad ako kasi piling ko busog pa ako . Ang sana lumabas kaso walang mailabas na pera . Lol .

@Poldo

Good Morning sa lahat, medjo late na pero ingat lahat. Kakagaling lang namin sa 7/11 kumain kami ng unhealthy food doon ung mga murang iniinit na pagkain ang init na kasi e paglabas ng subd. Un ang pinakamalapit kaya no choice.. hehe okay naman mga fud dun mas lamang nga lang kanin.. lol.

@Poldo

Magandang Umaga sa lahat, Ang sarap talaga gumising kapag maayos ang tulog mo piling mo ang aliwalas ng kapaligiran para kang nalutang sa sigla.. hehe Sa sobrang daming negatibo ngayon kailangan natin maging positibo lamang sa buhay. Mag-iingat ang lahat.

@Poldo

Pagabi na naman kaya naman nagugutom na naman mga alaga ko sa tyan.. haha Isipin na naman kung ano ulam. Ang hirap kasi magluto lalo na kung walang laman ang ref. Lol Kayo nagluluto na ba?

@Poldo

Patulog na la ang ako nagtext pa tong si NDRRMC. Kaloka ka naman mareng Bulkang Taal. Mukhang may binabalak ka na namang masama ah. Please lang di pa tapos si pareng covid tulog ka na lang muna mahimbing. Ingat po tayong lahat. Good Night

@Poldo

GoOd Morning mga kaingay, Linggo nga pala ngayon kaya pala labanan na naman ng mga tugtugan maya maya may magvivideoke pa dyan. Nalilito na naman tainga ko kung anong tugtog pakikinggan ang sakit sa tainga.. ang sakit din sa ulo . Lol. Ingat po tayong lahat mga kaingay. Kain na po kayo umagahan.

@Poldo

Andito pala kami ngayon sa Laguna, kasi aalis ate ko bukas walang magbabantay sa aso nila. Dati aso ang nagbabantay ng bahay ngayon pati aso bantayin na rin .. haha Kami rin sa baby namin di kami makaalis ng di siya kasama kasi hinahanap kami nalulungkot siya kapag naiiwanan namin. Magandang Gabi pala sa inyo manonood kami ngaun ung trending na palabas na naman sa Korea series sa Netflix.

@Poldo

Medjo antok na ako pangalawang episode pa lang ako nitong #AllOfUsAreDead ang ganda same as Train to Busan lang ang peg pinagkaiba lang nito sa School naman. Bukas na ulit ung ibang episode di ko na talaga kaya pa makaisa. Kayo ba nanonood din nito? Anong masasabi niyo??

@Poldo

Happy 1st Barkday sa Baby Missy namin, at belated kay Luna. Ang bilis ng panahon parang kailan lang tuta pa sila. Di ko matanggap na adult na sila ang bilis. More life sana sa kanila. Love na love namin mga yan si namin tinuring na hayop. Da best din kasi maglambing at magpawala ng stress. Iba yung pagmamahal at loyalty nila. Share ko lang po. Magandang Gabi 💛