read.cash Log in
@Poldo

@Poldo in February 2022

@Poldo

Magandang Gabi mga kaingay nagsikain na ba lahat? Patapos na ang unang araw ng pebrero kaya kabahan na kayo may ilang days pa bago mag feb. 14.. hehe Namiss ko ung Feb. Fair sa UP ung ang daming tao, pagkain at free concert daming banda. Kaso ilang taon na ring wala dahil sa pandemic. Matapos ka na kasi covid.. kagigil ka na.

@Poldo

Good Morning fellow noisers, Alam mo ung pakiramdam ng nagpipigil ng poop. huhu hindi ko naman alam kay father earth kung anong ginawa sa gripo ang hirap pa naman ng mga saksakan ng gripo dito need pa bakbakin. Panu kaya kami nito? Pwede ba makicr sa inyo? Haha

@Poldo

Soundtrip muna at kakatapos lang maligo. Kaso habang nakikinig ako ng music nagugutom naman ako problema lang wala talaga akong salapi. Ang sarap sana ng ice cream, pizza or kaya Jollibee. Lol. Lalo akong nagutom. Kayo anong meryenda niyo dyan?

@Poldo

Pagabi na naman ano na naman kaya ulam namin? Problema namin lagi ang ulam.. haha kayo rin ba? Nung di ako naghahanap ng work ang daming opportunity ngayon na balak ko na mag-apply saka naman wala . Haaha

@Poldo

Maulang Umaga sa lahat, ang aga ko gumising kasi aalis dapat kami tapos kukunin ung cake ng aso ng ate ko 2nd Barkday kasi ngayon kaso di na tumigil ang ulan. Baka di na kami pumunta nakakatamad kasi umalis kapag basa ang daan nakamotor lang kasi kami. Kaya ito tamang nood nalang ng netflix sa phone sayang naman binabayad.. haha ingat lahat

@Poldo

Kung kailan talaga may lakad kami saka naman di tumitila ulan. Ngayon lang talaga umulan nataon na may lakad. Wala pa naman din kami maluluto sa ref. Kasi dapat aalis nga kami di naman makalabas. Hirap talaga kapag motor lang. Sana magkasasakyan naman kami .. aheee.. Ending magdelata na lang kami nito kasi un lang meron kami. Kain tayo.

@Poldo

Magandang Hapon mga kaingay Kung kailan talaga hapon na saka naman tumila tapos biglang araw .. haha di talaga kami pinaalis. Kaya ngayon lalabas na lang kami bibili ng pakain ng isda.

@Poldo

Hot afternoon sa lahat, Dahil wala akong magawa tamang ligpit ng damitan habang tumatagal pasikip nang pasikip damitan namin naipamigay na nga namin ung iba sa mga pamangkin lang. Ako kasi ung taong ayokong nakikita ung damit ko na parang binasta na lang kasi maingat talaga ako sa mga gamit. Parang ang sarap ng Milk Tea ngayon.

@Poldo

Maggagabi na pala pagkatapos ko maglinis ng damitan naisipan kong manood ng Netflix ayon di ko na namalayan na nagdidilim na pala parang yung pinapanood ko lang title ay KINGDOM nabubuhay yung mga zombies kapag magdidilim na pero pag-umaga patay lang sila. Maganda panoorin niyo kapag tapos na kayo sa All of Us are Dead.

@Poldo

Because sharing is caring para sa mga katulad kong di rin alam. Haha About wifi qr code lang to. Nagtataka kasi kami kung bakit biglang nakaconnect sa wifi namin ung kaibigan ng kapatid ng jowa ko samantalang di naman namin ikinoconnect pa tapos ngayon nadiscover namin na may ganong feature pala sa mga bagong phone ngayon na ung isang nakaconnect pwede na lang iscan kahit wala ng password macoconnect na agad. So ibig sabihin kapag may bata sa bahay nyu tapos may scammer…

@Poldo

Bakit kaya may mga taong punong-puno ng galit ? Hindi mo alam kung inggit o trip lang niya. May kapitbahay kami dito halos lahat ng kapitbahay ay naisa-isa na niya kaya halos wala siyang makasundo. Mapalalaki o babae, matanda at bata wala siyang pinipili. Yung kapitbahay namin kanina naglalabas ng sama ng loob kay mader sobrang kapal at sobra na raw talaga ng ugali malapit na raw niya masapak di yan titigil hanggat walang nakakatapat. Punong-puno talaga siya ng yabang. Kaya…

@Poldo

Hanggang ngayon usapan parin nila yung kapitbahay namin na Reyna raw dito. Natatawa na lang din iba naming kapitbahay nalaman na rin nila kasi nagpost siya sa facebook at NAGPABARANGAY pa. Kapal ng face. Siya yung taong walang pakisama, makasarili isipin mo un walang parking tong subd. Ung kalsada lang tlga ang gnagawa nila kabilaan nilang ipaparada mga saksakyan nila para walang makadaan. Di ba ang ganda ng ugali.! Kaya tayo mga kaingay maging mabait tayo sa mga kapitbahay…

@Poldo

Magandang Umaga sa lahat, late na ako bumangon nagcellphone muna ako dahil linggo naman rd. Pero nakapagpakain na ako ng mga doggy ngayon magluluto na ako ng ulam deretso tanghalian na ito. Haha wala ng umagahan umagahan tanghalian na deretso. Kayo ba nakapag alamusal na o naghahanda na ng pangtanghalian? Btw ingat kayo dapat aalis kami ngayon kaso ang init na tinamad na ako.

@Poldo

Magandang Hapon mga kafoodtrip, Kain tayo nitong Pichi-pichi ang sarap ang daming cheese sa ibabaw kaso medjo nakakaumay din siya. Lunch ko na to 10 mahigpit na kasi kami kumain ng umagahan kaya ngayon lang nagutom kaya ito meryenda nalang kami. Kain tayo.

@Poldo

Just got home, Ang hirap talaga magbyahe kapag nakamotor lalo kapag malakas hangin nadadala kami. Lol Kaya palagi tayong mag-iingat mga kaingay soon magkakakotse rin tayo. Nakapagmeryenda na kami bago umuwi pero nagugutom na naman ako. Kayo nagmeryenda na ba?

@Poldo

Makakahiga na rin. Makakanood na ako ng netflix para matapos ko na tong pinapanood ko na series at pampaantok ko ns rin to. Lunes na naman bukas di mo nalang mamamalayan matatapos na naman ang pebrero . Haha . Advance good night sa lahat.

@Poldo

Good Morning Everyone Hello Monday, actually maulang monday sa lahat, mag-iingat tayong lahat lalo sa mga may lakad. Sana talaga matapos na tong pandemya alam mo un ung kahit nakakalabas ka naman pero piling mo nakaisolate pa rin talaga tayo.

@Poldo

Kakatapos ko lang magpaligo ng aso ang tagal kasi patuyuin talaga ng shih zhu namin kaya ayon di ko na namalayan na 1pm na pala pero di pa ako nakakaramdam ng gutom. Hehe Magtitiklop muna ako tapos malilig na rin ako saka kami kakain. Kayo tapos na ba?? Anong ulam?

@Poldo

Dahil opisyal na nagbukas ng campaign period ipapakita ko na ang pagsuporta ko. Please lang mga kaingay positive lang kung ayaw niyo sa sinusuportahan ko respeto na lang wag na kung ano ano pa sasabihin niyo. Suportahan nalang natin ung gusto natin at tigilan nag paninira focus lang sa goal. #BBM #SARA Credits sa photo from Twitter ❤️💚

@Poldo

Good night na sa lahat Antok na ako medjo naging busy kaya di makapagpost. Bukas na lang ulit ako mag-uupdate. Nakakatuwa sa social media ngayon nag-aawayan na kasi nagagalit ung mga kakampinks kapag hindi ung choice nila ang choice mo. Respetuhan dapat ganon talaga may iba't-ibang pakbet tayo. Sana masarap tulog niyo ngayon.

@Poldo

Happy Thursday everyone, February 10 na agad ang bilis ng panahon mag Valentine's Day na agad tapos magmarch na. Di mo mamamalayan 2023 na..hehe Ingat po lahat ng mga may lakad kami sana matuloy ngayon wag lang talaga iinit nang sobra. Breakfast naa

@Poldo

Kakatapos ko lang magluto ng ulam tapos perfect may nagbigay ng laing na kapitbahay maanghang anghang ang sarap. Sabi nila kapag gabi at laing binigay mga aswang daw un . Haha.. wala akong paki kahit kapwe pa yan o engkanto basta kakaon ako . Haha . Kayo ba tapos na? Ano ulam niyo??

@Poldo

Haluhalu mga kaingay mainit na tanghali sa inyo. Kaiba na ang init dito samin summer na ata. Kakatapos lang namin mananghalian maaga kami kumain kasi di pa kami nag-aalmusal.. hehe Oh jiva tipid lang. Mamaya pag-isip natin ang CANCEL CULTURE dito sa Pilipinas. Haahaa

@Poldo

Let's Eat Dinner Everyone, Medjo late na nagcrave na naman talaga ako nitong Chicken ng Onyangs Mild Buffalo at Korean Soy flavor. Pagkaing hindi ko siguro pagsasawaan. Mapaparami ka talaga ng kanin.. hehe. Ang sarap ng panahon nitong mga nakalipas na araw hanggang ngayon ang lamig sobra sumasakit ilong ko.. Makisanaol na lang kayo..

@Poldo

Good Morning Everyone, Piling ko nagiging makasalanan ako araw-araw pero pinagsisisihan ko naman at pinipilit na di na maulit. God Bless noisers ingat tayo lagi. By the way THANK YOU naman sa tumatakbong mayor dito sa Brgy namin nakadalawa na to silang paayuda at hindi basta-basta kasi maraming laman. Laking tulong din talaga. Sana may pangatlo pa at samahan na sana ng cash . Hehe.. Pagbinigyan ba kayo ng pera ng kakandidato tatanggapin niyo o hindi? Ako tatanggapin ko hindi…

@Poldo

Lunch time, Natuloy din kami dito ulit sa Laguna, buti di kami naabutan ng ulan kasi umaambon ambon na samantalang samin ni di man lang umulan. Sakto uwi namin kainan na. Kain na rin kayo mga kaingay huwag papalipas.

@Poldo

Magandang Hapon noisers, Nakatulog pala ako buti alas tres pa lang kasi papaliguan ko talaga baby namin Missy ( dog ). Buti di rin umulan kaya nagpakulo ako ng mainit na tubig tapos ngayon buti medjo di naman mainit kaya Milo tayo tapos cake.

@Poldo

Good Evening and good night fellow noisers, I'm done doing my nephew performance task. He's studying in Doha, Qatar. Hanggang dyan lang english ko. Grabe sila elementary pa lang pero tadtad na ng mga gawain kahit nung di pa online class pero sila matagal ng face to face. Ung isa namin ginawa naivideo na niya tapos may isa pa pala nakalimutan ko na pasahan na pala sila at sasauluhin pa kaya ginawa ko muna antok na rin kasi ako ngayon ko lang naalala buti iba ang oras natin sa…

@Poldo

Happy lunch late na naman kami galing pa kasi kami sa bayaran ng bill tapos naisipan ko na rin magluto ng ulam. Kain Tayo mga kaingay. Maya maya pauwi na rin kami kaso madilim ang kalangitan huwag sana umulan baka di kami makauwi mahirap kasi magmotor ng basa ang daan madulas.

@Poldo

Ilang oras na lang araw na ng mga puso, sana all may bulaklak at chocolate na matatanggap bukas.. hehe Panigurado mamumula rito bukas. Huwag niyo masyadong galingan baka manggigil pa ako.. haha Happy Valentine's na lang sa lahat baka kasi maging abala bukas. Piling may date . Lol.. Good Night Noisers Happy Heart's ❤️

@Poldo

Nakauwi na rin kami sa wakas buti di umulan makulimlim lang. Ang dami kung nakitang puso habang nasa biyahe sanaol di ba? Haha Naghihintay ako na may magbigay sakin kahit chocolate lang . Jeje Kayo ba may natanggap na? Ishare na yan.. hehe Mamaya kami lalabas sana di tumulan.

@Poldo

Good morning noisers, Medjo late na ang umagahan namin. Curly spaghetti naman namiss ko to sobra. Sabi ni ate kung masarap daw to sabi ko oo. Kaso nagbago na talaga to kahit ung sauce medjo nag-iba pati ung noodles numipis. Wala talagang nagtatagal kahit na magmahal lahat mayroon at mayroon magbabago... Haha

@Poldo

Magandang Gabi mga kaingay, Dahil ginabi na kami di na kami nakauwi bukas nalang wala pa naman kami dalang damit tapos di rin namin kasama ung doggy namin panigurado malulungkot at hinahanap na kami nun kawawa naman. Padaan lang ako para mag-update sa ganap ko sa buhay. Hehe

@Poldo

Hindi na talaga bumaba BP ko naging normal na sakin ang 140/100 minsan naabot pa yan ng 150. Hindi ko naman kasi makontrol sarili ko sa pagkain. Ang hirap. Kasalanan ko rin to. Kaya simula bukas magbabawas na ako kahit paunti unti at bawas na rin sa kanin. Kayo ba mga kaingay baka may comment and suggestions kayo sakin.?!! Before kasi nung nagpapacheck ako sabi nung doc. Okay pa raw ako kasi bata pa ako pero ngayon 28 na ako hindi na ako bata.. Pero may gamot na akong…

@Poldo

Yung kagigising niyo lang pero may isang paawa effect na gusto magpalambing kaya ito tabi muna kami para himas himasin. Liligo na siya maya-maya at kakaiba na amoy dahil sa laway niya. Nakakain na pala siya at ako ng umagahan. Ingat po tayong lahat sa mga gagawin natin gawin natin kung ano ang ating makakaya sa bawat gawain. Magandang Umaga sayo na nagbabasa nito.

@Poldo

Ayaw daw niya ng kape gusto niya milk. Meryenda tayo mga kaingay maghapon akong nakatulog kasi umuulan kaso panigurado mamaya problema ko kung paano ako makakatulog nang maaga. Kayo anong meryenda niyo? Kami kape at tinapay na may cheese.

@Poldo

Naghapunan na ba kayo? Kami ito kakatapos lang, nagluto ako ng sinigang na isda pero ako nagprito ako ayoko ko kasi ng sinigang na isda sabaw lang sakin. Medjo late na kaya sa mga hindi pa nakain dyan kain na kayo.

@Poldo

Yung patulog ka nalang nabudol ka pa. Mas okay bumili ng ganto kaysa ung sa mga tabi-tabi di nga lang bago pero ang gaganda pa. Mahirap pa kasi bumili ngayon ng mamahaling damit mahirap ang buhay. Haha Pero mga branded siya kaya okay 150 isa kaya naka600 din ako . Huhu Kayo ba mahilig din magmine? Hehe May isang naglilive rin samin mga 20 50 ganon magaganda rin naman pwede pang bahay buti nga nauso tong mga gantong ukay. Yan ung apat na namine ko ang gaganda pa talaga…

@Poldo

Good Morning people in noise. Have a great day ahead. Always smile think positive. Hanggang ngayon ang toxic ng socmed lalong naging toxic, nag-aawayan lalo kung magkaiba ang sinusuportahan pero madalas mga Leni supporter ung ganon kasi ung mga BBM wala akong nakikita na nanghihikayat sila. Pero nagkakagulo talaga sila lagi sa comment. Respetuhan lang naman kasi yan kung Leni ka Good kung BBM ka good din un.

@Poldo

Tamang module pa rin kami tapos bigla na akong nagugutom. Wala pa kaming luto. Sana talaga magface to face na basta safety protocols ay ipatupad papayag na ako na pumasok to. Mga alaga ko sa tyan ang aga magutom.. haha Kayo ba ay nagluluto na?

@Poldo

Good Evening and Good Night noisers, Ung kakabayad ko palang ng mga namine ko kanina 620 din un tapos ito nanonood na naman ako tamang mine na naman pero okay lang kasi kumare ko naman tulong na rin magaganda naman din kasi ung mga damit. Ngayon mga mura lang paninda niya pwede pambahay kung di maarte Makimine na rin kayo.. haha

@Poldo

Dumating na ang magpapayaman sa amin.. haha charizz Bagong acct si jowa kasi sa luma niya part time lang kaya kailangan lumago ang ekonomiya. Buhay Callboy ( call center ) Kakatapos lang namin mananghalian grabe ang init summer na ba? Stay hydrated kaingay.

@Poldo

Nakakalungkot naman pinasambot na namin yung Honda Beat namin sa iba ang daming gala at alaala rin sa motor na un kaso mahina kasi bumatak kaya nag-upgrade kami ng Click para naman di hirapan kapag naakyat kami ng Tagaytay para magbulalo. Kakatapos ko lang magligpit nagutom ako bigla gusto ko ng itlog na may balot na kulay orange in short kwek kwek.. haha. Pagbalik ni jowa ako kami bibili at maglalakad lang un kasi walang motor.. hehe...

@Poldo

Magandang Umaga sa lahat, Happy Sunday kaingay Tara kape tayo pampagising. Ingat po Tayong lahat kung may mga lakad o pupuntahan man kayo. Kami mukhang wala bahay lang wala kasi kaming sasakyan kaya tahimik lang kami dito sa bahay.

@Poldo

Kakatapos lang namin kumain tapos habang nalapangs ako napansin ko na nanganak na pala mga fishda namin. Welcome to the outside aquarium mga fish. Langoy lang kayo hanggat gusto niyo at sa susunod kayo naman ang magpaparami. Nakakatuwa at nakakarelax talaga ang mga isda lalo kapag malinis ang nilalanguyan nila. Try niyo rin mag-alaga ng mga to.

@Poldo

Magandang Hapon mga kaingay, Pagabi na naman problema na naman ang ulam. Kakatapos tapos lang namin maglinis ng maraming aquarium nanganak na kasi ung ibang isda. Buti may nagbigay ng pansit kasi nagutom talaga ako. Ngayon tiklop naman ng damit kakatapos ko lang din kasi maligo. Sipag sipagan muna . Hehe Kayo ba nakapagmeryenda na?

@Poldo

Magandang Gabi sa lahat Kapag nakikita ko talaga yung sugat ni BBM nung motorcade niya sa Caloocan nung isang araw ata to nalulungkot ako. Hindi ko alam kung dapat ba talaga umabot sa ganon ung sasaktan mo ung tao dahil ayaw mo sa kanya o dahil iba ang gusto mo? Sana irespeto na lang natin ang mga tao kung sino ang gusto nila. May nakita rin ako sa tiktok ung usapan ng tricycle driver at pasahero nito pinipilit na si Leni raw ang iboto ang daming sinasabi nung babae na…

@Poldo

Late gising kaya hinahigh blood . Haha Kain tayo mga kaingay dahil walang kanin kaya tinapay na lang with mayonnaise at itlog tsaka gatas minsan kasi di ko talaga trip ang kape. Hinihintay ko rin ngayon ung mag C.I ng motor nakapasa na kasi ako kahit walang C I kaso sa mahal na motor ako pumasa 5k ang buwanang hulog. Huwag na masaya na ako sa Click.. haha maghihirap kami ng todo.. lol. Sana maapproved.

@Poldo

Done cooking Adobo ( Famous Filipino Dish ) Ingredients Chicken (cut into serving pieces) Dried bay leaves Soy sauce White vinegar Garlic (crushed) and Potatoes( optional ) Kapag gusto niyo ng mura at wala masyadong lahok ayan adobo kami. Haha. Let's eat kaingay

@Poldo

I just want to share to you fellow noisers our new motorcycle, ang ganda talaga nito mas mabigay dun sa beat namin pinalitan namin ung beat kasi ang gaan kapag malakas ung hangin nadadala kami..lol Thank You Lord for this, Sana di magkapalya sa hulog . Haha Pauwi sana kami ngayon samin sa Laguna kaso bigla namang buhos nang malakas na ulan mukhang ayaw kami paalisin. Excited pa naman din sana akong kunin ung mga ukay na namine ko... Hehe.

@Poldo

Isang maulang umaga sa lahat, Ingat po tayo palagi manatili tayong tuyo. Di na kami nakauwi samin dapat kahapon pa madulas daw kasi ung gulong ng motor kailangan daw talaga palitan un tsaka wala pang papel. Kain tayo umagahan kaingay wala na akong picture basta pandesal with peanut butter, pancit canton at milo di ko trip ang kape ngayon... Haha

@Poldo

Good Morning abot pa ba? Haha Pero maglulunch na kaya lumabas kami para bumili ng gulat isda kasi puro kami bili lang ng luto at panay karn at manok. Kayo ba anong niluluto niyo? May nakasalubong akong kakilala kanina ang laki ko na raw masyado.. hahaa Panu ba kasi magdiet tapos kakain na naman ako ng panaghalian.. lol

@Poldo

Good Night everyone, Nakauwi na pala kami ulit ng Batangas kasi kailangan daw ulit ako dun sa motor umuwi kami tuloy agad kahit napakainit pagkarating namin sabi ko mga 4pm kami magpunta dun kaso tinamad na ako tapos nakatulog kaya bukas na lang.. haha sayang tuloy uwi namin ang bilis di pa dapat kami uuwi e. By the way ako'y matutulog na at antok na antok na talaga ako.

@Poldo

Cook Time, For todays ulam let's cook Pusit Actually di ako mahilig sa squid kasi nandidiri ako lalo sa galamay sila lang kakain sabaw lang akin ewan ko ba basta nakakadiri talaga haha Ito lang ingredients Squid Garlic and Onion Paminta Siling green Toyo at suka Asin Mabilis lang to lutuin bawal tagalan at nakunat nagiging parang goma. Happy Lunch

@Poldo

Done cooking kaya nauna na kumain ang dalawang bagets, ang dalawang walang kabusugan tapos mga napakaenergetic. Buti talaga di sila nagkakasakit dahil ata sa mga luto ko.. lol. Tinola niluto ko para mas lalo silang pagpawisan. Hehe Kayo ba ay kumakain na? Kain na kayo mga kaingay ako diet konti lang dahil di na bumababa blood pressure ko. Ayaw pala nila kumain sa mesa mga piling Korean sila..

@Poldo

Good Afternoon everyone, Kakatapos lang namin maglunch galing kasi kami sa labas, Tapos naisipan na rin namin bumili nitong #SaintRocheDogShampoo nitong nakaraan kasi ibang shampoo ginagamit namin ayon ang daming pangit sa balahibo sa baby namin shampoo lang dapat tapos nakita ko tong snacks bone siya binili ko na rin tapos suklay dapat kaso wala ung parang metal kaya sa shopee na lang. Sa totoo lang may budget din talaga doggy namin. Haha Tapos minsan ung pangkain namin sa…

@Poldo

Magandang Hapon sa lahat, Sadyang kakagising lang grabe ung pawis ko nanlalaban ung init ..haha Ngaun naman ito nagugutom ako parang ang sarap ng pizza tapos malamig na malamig na coke kaso walang pambili. Lol Kayo anong meryenda nyu ipost na yan. Mag-iimagine na lang muna ako.

@Poldo

Good Evening everyone Tamang luto nitong Paksiw first time ko magluluto nito bahala na kung anong magiging lasa. Haha tapos magpiprito na lang ako ng manok kasi di nakain jowa ko nito.. lol Ilang minuto pa bato pinapakuluan or paano malalaman kapag luto na? Need help..

@Poldo

Monday Module, Kagagaling lang namin sa school para pumirma ng waiver na napayag kami sa face to face. Alert Level 1 na rin kasi siguro go with the flow na lang talaga kasi mukhang matatagalan pa talaga tong covid mas maigi na rin na nasa school sila para mas matutukan di rin naman siguro papabayaan ng paraan na magkasakit sila. Full capacity na sa lahat pinagkaiba na lang nakaface mask. Good Luck na lang talaga sating lahat doble ingat na lang tayo. Module while nakasalang…