Look what I've found kanina sa paanan ng puno ng Ilang-Ilang 💓 Yung bunga ng santol na nalaglag noon sa bubong tas nung umulan nahulog lahat sa paanan ng puno ng Ilang Ilang at karamihan sa kanila ay tumubo doon. Ngayon ko lang napansin na posible pala talaga yun. Kinuha ko lahat ng may ugat pa at nilagay sa garden, maghihintay muna akong magkaroon sila ng dahon at yung may mga dahon na nilipat ko muna sa mga seedling bag kaso ayun nga naubusan sa sobrang dami. Dumating na yung Loam soil kaso naubusan seedling bag kaya ayun nilagay ko muna sila pansamantala sa plastic ng yelo 😭 habang waley pa. Nagkaubusan din kasi ng plastic cups kaya ayun tamang hanap muna ng paraan. For the mean time, ito muna... Ililipat ko na din sana yung ibang avocado ko sa ibang lalagyanan kasi halos lahat nag ugat na kaso ayun nga wala pa akong lalagyanan para sa kanilang lahat. Kaya naten 'to mga mars, can't wait na makita ko sila sa sunod na mga taon sa bahay ng mga kakilala ko or stranger na malaki na sila ☺️ Magandang Hapon po 🌳
2 comments
Go, go, go....tanim tanim para sa kinabukasan. Kung malapit lang sana ako,manghihingi ako.
Oo nga po eh totoo po thankyouuu po sa appreciation. Kahit 5 pa po bibigay kong buto sayang lang malayo😭