Pilipinas, ang Bayan Ko
ni: Pulang Rosas Ako'y isinilang sa pulong maalamat Yaong dagat at langit ay nagkaisang-palad Mumunti akong butil, libo-libong perlas Maharlika kong bayan, pinangalanang PILIPINAS! Bayan ko'y minsan ding nangarap Na muling makamtan ang kalayaang inaasam ng lahat Magkaroon ng magandang bunga ang lahat ng pagsisikap Upang mapabuti ang buhay patungong hinaharap. Ngunit nang minsang pagtapak sa dalampasiga'y sumadsad Ang mga barkong dayuhan na espada't krus ang sagisag Kultura't pamahalaang Europeo sa isipa't damdamin ay minulat Dinusta ang Pilipino, inagaw ang kalayaan— itinapon sa dagat. Nang dahil sa bayan ko naganap ang himagsikan Kumulog! Kumidlat! Nangulimlim! Sumiklab ang digmaan Dugo't pawis ay dumanak mabawi lamang ang pinahiram Muling lumipad ang agila, isang kalayaang bagong silang. Lahing Pilipino, may puso't pagkakaisa Kadugo ni Bonifacio, Rizal, Luna at iba pa Walang pinipiling sigwa, baya'y inuuna Mga puti ay pinuksa, nakamtan ang bayang malaya. ©Pulang Rosas (In connection with the 122nd Anniversary of the Declaration of Philippine Independence, June 12, 2020) Tula ng aking magaling na estudyante!
No comments yet