read.cash Log in
@Pegasus

♡Humanista Uno ♡

Bb. Abby Sa apat na sulok ng silid na aming kinalalagyan Iba't ibang personalidad ang matutunghayan Sa halos sampung buwang pinagsamahan Sadya na ngang mahirap bitawan. Simulan natin sa unang pasukan Panahong bawat isa'y nagkakahiyaan Sa bawat tinginan Tanging ngiti ang binibitawan. Ngunit sa bilis ng pagdaan ng oras,araw at buwan Mga tunay na kulay ay nagsisilabasan Mga pambabara,kopyahan,asaran at tawanan Ay sadya na ngang mahirap kalimutan. Humanista Uno, Numero unong maingay ngunit hindi dehado Humanista Uno, Aminadong magulo Pero buong klase ay talentado Mag-kakaiba man at may kanya-kanyang mundo. Nandiyan ang mga sumasatinig na mang-aawit Na kayang sumabay sa himig ng bawat maliliit na titik. Mga mananayaw na umiindayog sa ritmo ng musika Sayaw doon,sayaw dito at may papitik-pitik pa. Mga manlalarong tunay ngang mahuhusay Hanggang sa dulo nakamit ang tagumpay. Mga anino ng sining ay nandiyan na rin Patuloy na gumuguhit at talaga namang malikhain. At siyempre hindi magpapahuli Ang nag-iisang manunulat na ngayo'y sumusulat para sa kanyang apat na pu't walong kaklase Binibigyang buhay at tugma Ang mga naiwang alaala ng bawat isa. Classroom na ginawang tournament ng ML Pero panay ang pabuhat at pagiging cancer Mga supplier ng polbo,liptint at siyempre papel Mga adik na wattpader at tiktoker At di papahuli ang mga role player. Mga quiz na one for all, all for one Exam na 'we find ways' ang kasabihan. "Nandiyan na si ma'am" "Good morning ma'am,sorry I'm late" Kadalasang maririnig sabay tawanan at pikunan. Mga papasok na akala mo inosente Pero nakainom pala ang tae May mga natutulog sa klase At walang takot mag-cp. Family daw, Pero may mga pusong naliligaw Family is love daw, Kaya pala nasobrahan at may tanong na "puwedeng manligaw?" Mga umamin sa crush nila pero hindi crinushback May sumubok pero hanggang friends lang Nagbigay ng motibo pero wala din palang balak sumalo. Hay naku! Sa dalawang adviser namin na sobrang bait Magagalit saglit Pero hindi kami matiis kaya okay na ulit. Sarap sa feeling... Mga masasayang samahan, Ay magtatapos lamang sa isang paalam. Kung para sa iba ito ang pinakaworst Para sa amin ito ang pinaka the best. —

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.