Calamansi juice with honey Perfect drinks if you have cough and colds. Nabili ko ito dito sa palengke namen at talagang masasabi kong fresh calamansi ang nilagay nila bukod sa mura na e masarap din sya un nga lang nakakabitin ang isang bote nasa 250ml lang ata ito. Kung may refrigerator lang samen naka pag stock na ako ng madami. Mas maganda ipabaon ito sa mga bata kesa sa c2 drink. Ang c2 kase ay unhealthy drink kaya dapat madalang lang kung uminom. #drinks #healthy #calamansi
14 comments
Oo nga minsan ko lang bigyan ng c2 mga anak ko.Lalong mas maganda yung pure na ikaw mismo nag juice ng calamansi kaso mahal naman ang honey kaya ganyan na lang bilhin hindi ka pa magtrabaho
Tama sis. Pero pag may na tiempuhan ako mura calamansi bumibili ako tapos sugar nalang nun. Pero mahal na din ang sugar ngayon. 😓
Naku mismo sobrang mahal ng asukal
Oo madalas din ako bumili ng calamansi at ako nag titimpla kaso ang mahal narin ang asukal ngayon
Oo nga sis anu mas maganda nga ang ganyan
Mainam na ang inumin na ganyan kaysa sa mga soda na gustong inumin pero kami dito sa probinsya buko ang iniinum namin
Mas masarap ang buko at talagang fresh pa.
May Ganyan din saamin sis mas mainam na yan kesa sa mga soft drinks
Oo nga lalu Sa mga bata d dapat pinaiinum nun ehh
kung me mapag stockan nga lng sis anu hehehe
Oo nga sis kaso nasira ang aming ref
mga bata magustuhan yan cgurado kz may honey :)
Oo nga gustong gusto nila ito kaya madalas din kame bumili
Mura na talaga ang 17pesos sa 250ml sis tapos lasang pure kalamansi talaga