MASARAP NA NOCHE BUENA Magandang umaga noise friends! Sa nakalipas na dalawang taon, marami sa atin ang nakaranas ng epekto ng pandemya. Walang mayaman at walang mahirap, lahat tayo pantay pantay na naapektuhan. Dalawang pasko at dalawang bagong taon ang nagdaan at lumipas sa ating “new normal” na buhay. At sa mahigit dalawang taon na nakalipas, may mga kapatid tayong minorya na mas lubhang nakaranas ng kahirapan at pasakit dahil sa pandemya. May mga ilan na nakabalik na sa trabaho ngunit mas marami pa rin ang nananatiling dumadaing sa hirap lalo na ang mga kapatid na nasa kabundukan. Karamihan sa mga katutubo mula sa bundok ng Florida Blanca bumaba sa kapatagan ng San Fernando kapag malapit na ang pasko. Madalas ang ibang katutubo ay nagbabahay bahay o di kaya ay kumakatok sa mga byaherong nasa sasakyan tapos kakantahan ka nila ng Christmas Carol para may maipambili sila ng pagkain para sa Noche Buena. Masaya sila kapag hinuhulugan ng barya yung mga baso na daladala nila kasi makakabili na sila ng bigas at asin pangkain na pagkakasyahin sa buong araw. Sa nakalipas na tatlong pung taon, nakakaakyat kami ng pamilya ko sa bundok ng Florida Blanca Pampanga para bisitahin ang mga katutubo at dalhan ng konting pagkain para sa Noche Buena. Pero mula ng nagsimula ang pandemya, nahinto ang aming pag-akyat. Pero ngayong pwede na at maluwag na ang lahat, gusto sana namin ulit makaakyat at muling makatulong sa kanila. Naisip ko na mas marami makikinabang at matutulungan sa muli naming pag-akyat kung gagamitin ko ang social media accounts ko para humingi ng tulong sa mga gustong mag-abot ng donations at assistance. Last 2019, nakapamahagi po tayo ng 450 Noche Buena package sa mga katutubo. Para po sa mga interesado at nais tumulong, tumatanggap po kami ng in-kind donations kagaya ng mga sumusunod: 1. Tubig na maiinom 2. Bigas 3. Noodles 4. Canned goods 5. Kape, Gatas, at Asukal - Saan maaaring dalhin: Juliana Subdivision Covered Court, City of San Fernando Pampanga MGA DETALYE NG KAGANAPAN: Saan: Brgy. Camachile, Florida Blanca Pampanga Kailan: December 18, 2022 (Linggo) Huling araw ng pagtanggap ng mga donasyon: December 16, 2022 (Biyernes) DISCLAIMER: Hindi ko po nais maghatid ng poverty porn. Ang layunin ko po ay gamitin ang aking social media accounts upang makapanghikayat sa mga nais tumulong. P.S. Pictures uploaded with consent. Mga cousins and Lola ko po yan mga nasa picture
18 comments
God bless you, beautiful souls!
Malaking bagay ang mga ganyang pagkakataon na mabigyan ng maagang aginaldo ang ating kababayan iba din kasi kapag nakakapag bigay sa mga kababayan natin
Tama po kayo. Sina lola more than 30 years na ginagawa nila ito. May small community sila which is catholic missionaries kaya every december umaakyat sila sa mga kapatid natin aeta para mag bigay ng food packs. Kame naman ay taga balot. Na stop ng 2years dahil sa pandemic
Marami nga po ang hanggang ngayon ay hirap makabangon dahil sa epelto ng pandemya.
Tama ka. Kaya sina lola ay aakyat ulit ng bundok para makapag bigay ng mga food packs
Kahit nakabalik na sa trabaho ang karamihan hirap pa rin makarecover talaga sis noh?
Oo sis parang asawa ko lang. Nasabi na sa private hospital sya nag work pero sobrang baba padin ng sahod, importante may work
Ganon din sa mister ko sis. Mas mataas pa ang bilihin kesa sa sahod hays
Ang galing naman sis. Iipon pa ako para amakapag bihay din . Gusto ko man yumulong dyn kaso dmi din need tulungan sa locality ko. Sna amakapag pasaya tayo ngayong pasko
Pwede naman tayo kahit sa small na paraan. Kahit saan lugar dami padin nag hihirap
Poo nga sis. Depends how our heart will help
Good afternoon
Noche Buena malapit na mate.
Wow sarap sa pakiramdam talaga ang nakakatulong🙏
Tama ka nga sis
Magandang layunin yan sis malaking tulong na rin ang maipamahagi sa mga katutubo.
Tama nga po
pero aminin nating lahat. marami paring nakakaranas nang kahirapan ngayon. lumala pa ngayong taon dahil nag mahalan halos lahat nang bilihin. Pero yung sweldo kontinlang ang itinaas