* PAKSIW NA PATA * Share ko lang yung isa sa mga ulam na niluto noon birthday ni Tatay . Tuwing birthday nya o ano man occassion, meron nito. Kasi ito ang all time favorite nya. Naging specialty ko na nga din ito kasi nga kapag wala si Mama, ako ang nagluluto. Masarap ito kapag nakuha mo ang balanse ng asim at tamis. Pati na kapag nanuot ang lasa sa karne at kapag napalambot mo ng husto. Sobrang sarap din kapag mejo napalapot ang sabaw. Nilalagyan din namin ito ng puso ng saging bilang rekado. Mejo ingat nalang din kasi baka mapadami ang kain, masama ito sa mga taong may highblood. Hahahahahah! Share langs!
No comments yet