* FRESH MELON JUICE * Malapit na mananghalian! Bumili si Tatay ng 2 cute na melon. Hiwain ko daw at kayurin para gawing juice. Ang sarap ng kain nanaman kasi masarap ang inumin! Hahaha! Mas masarap lalo pag malamig. Sobrang init pa naman ngayon. Ang ganda ng loob ng melon kahit pa nga maliliit ang mga ito. Maliit pero hindi pilit ang pagkahinog. Ang sarap din ng laman ng niyog. Masarap papakin at nakakabusog din. Tamang tama ang inumin na ito kasi isda ang ulam namin. Bagay na bagay. Tara na guys, mangan!
No comments yet