Share ko lang yung binili ko sa Shopee na ginamit ko pang PRANK nung birthday ng Mama ko. Masyado na kasi gasgas yung Money Pulling Cake, Lobo na Pera at yung Payong na may Pera. Kaya ang ginawa ko ay itong Snake Prank. Akala mo simpleng lata lang ito ng Potato Chips. Pero pagbukas mo may bubulaga sayo na plastick na mukang Ahas na sawa! Hahahaha! Naisip ko ito kasi takot si Mama sa ahas, so sure na magugulat sya. At dnaman ako nagkamali kasi nagtitili sya. Haha! Sa dulo ng lata, dun namin nilagay yung Ang Pao na may pera. Oh dba? Haha! Aatakihin ka muna bago mo makuha yung cash gift. Haha! Sa mga gusto bumili, hanapin nyo lang sa Shopee using the keyword “Snake Prank”. Less than 100 pesos lang ang bili ko dito, 89 pesos yata. :)
1 comment
Hindi pala pwede sa mga may sakit sa puso. Haha. Pero bet ko 'to. Mahanap nga. 😂