read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

Meryenda po tayo! Fried Kikiam naman ngayon. Walang sauce na luto si hubbybi kaya suka at catsup nalang sawsawan namin. Super fave ni bebedragon ko to hahah simula matikman nya, nagustuhan nya. Hindi ko sya basta pinapakain ng kung anu ano kasi may allergy sya. Sa hipon at malalansa may allergy sya. Dati kapag sobrang kain ng chicken, nagkakaallergy din sya. Mahirap magpakain sa bata lalo na pag may allergy. Kaya lahat ng food na ibibigay namin sknya, chinecheck muna kasi baka mamaya may makalusot. Lalo ngayon, mahirap na maospital o magkasakit ang bata dahil sa Covid. Hindi din kasi lahat ng doctor at clinic ay available ngayon. Limitado ang galaw kaya super ingat nalang talaga. Kayo po? Nagmeryenda na ba kayo? Ano pong meryenda nya? Sa allergy, meron din ba kayong allergy? Saan at kailan nyo nalaman na meron? ❤️

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.