#Throwback! Nakakamiss na kumain sa labas. Yung tipong walang harang at talagang makakachika todamax ka. Parang bet ko magsamgyup! Kaso naman, ang hirap na kasi mag dine in sa labas e. Maiinip kalang kasi magfifill out pa ng form, tas naka facemask at faceshield pa. Ang daming proseso! At ang masaklap pa nga kapag may barrier sa pagitan nyo ng kasama mo. Hehe Anyways, itong picture na ito ay kuha nung New Year. Nag samgyup kami dito sa bahay kasi ang theme namin ay Korean New Year. Mas madali din kasi magsamgyup e. Marinate lang ang karne at salang sa grill. Ang sarap kapag may tunaw na cheese! Mas malinamnam yung karne! Sana matapos na covid at makapag samgyup na ulit sa labas!
No comments yet