read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

Hugot muna tayo! Share ko lang tong quotes na nagustuhan ko sa wattpad. So eto na nga, minsan sobra sobra tayong nagmamahal na wala na tayong ibang nakikita kundi yung mahal nalang natin. Napapabayaan na natin yung sarili natin at mga gusto natin gawin dahil sa labis na pagmamahal. Kaso nga lang, tama sa pakiramdam, masarap sa pakiramdam. Pero mali padin e. Hindi dapat ganun. Dapat alam padin natin ang importansya ng sarili natin kapag nagmamahal tayo. Hindi dapat nawawala yung pagmamahal sa sarili. Para kung sakaling saktan tayo, alam natin kung paano umiwas. Pag iniwan tayo, kaya natin mag isa. Pero ewan ko, madali kasi minsan sabhin diba? Pero mahirap naman gawin. Eh bahala na. Magmahal nalang tayo sa paraan na alam natin. Basta magmahal tayo. Wag natin titigilan magmahal kahit pa masaktan tayo. ❤️

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.