read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

* PUNKS NOT DEAD, EMO ERA * Dumaan din ba kayo dito nung kabataan nyo? Haha! Oo, Emo/Punks ako noon. Tapos rocker din. Basta halo halo na. Naging sandalan ko ang musika nung panahon na ako ay puno ng kalungkutan. Sa panahon na ito, dun ko mas naappreciate ang lyrics kesa sa ingay na sinasabi ng karamihan. Hindi sya basta ingay para sakin. Sa bawat tunog ng string ng gitara, may ibig sabhin. Bawat titik sa kanta ay may malalim na pinaghuhugutan. Kaya kahit sinasabi ng iba na puro ingay lang ang kanta ng mga rakista, di ko sila pinapakinggan. Malalim ang bawat kahulugan ng mga rock songs pati na mga screamo songs. Hindi sila basta sumisigaw o ano pa man. Hindi basta pumapalo sa drums para gumawa lang walang kwentang ingay. Pag pinakinggan mo mabuti, tsaka ka makakarelate. Tawag ng iba noon sa amin ay adik. Adik nga sguro. Adik sa tunog at awit na nagaalis samin sa malungkot at madilim na mundo.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.