Maulan na hapon! Mejo nagugutom ako at walang makain. Bumili pa kasi si Mister ng pwede kainin. Kaya para idamay ko kayo sa gutom ko, sabay sabay tayo magutom hahah! Eto share ko lang yung handa namin nung Father’s Day. Ako lahat ang nagprepare nito katulog si Mister. Ang mga niluto namin ay Creamy Lengua, Paksiw na Pata, Cheesy Baked Lasagna, at yung tinurbo na Chicken. Ang daming cake kasi yung dalawang maliit ay para sa Mister ko at sa Kuya ko. Hindi na nailagay yung cake na para kay Tatay kasi nauna na nyang kainin. Yung Sansrival Cake naman ay request ni Mama. Haha! Sabay sabay tayo magutom habang nag aantay ng makakain. Hehe!
No comments yet