Meryenda time! Bumili si Mister ng Ensaymada sa Bakery. Hindi ito yung legit na ensaymada na mabibili sa mamahalin café pero ito yung legit na kinalakihan kong ensaymada. Haha! Masarap ito kapag bagong luto at puno ng mantikilya at may asukal. Infairness sa binilihan ni Mister, malambot ang tinapay nya. Kahit malaki sya, nakadalawa ako. Haha! Hindi kasi sya mahirap nguyain. Pero gusto ko pa ng dagdag na mantikilya dito. Hehe! Masarap ito kapartner ng mainit na kape or tsokolate, pero ang ininom ko na partner dito ay Buko Juice na walang timplang asukal. Hays! Ang sarap tlaga kumain! Hahaha! Kain nadin po kayo!
1 comment
I'm glad you were happy with your food po