read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

At dahil tanghali na ngayon, maglalabasan nanaman ang mga pagkain. Haha! Share ko lang tong gnawa kong embutido dati. Mahilig tlaga ako sa embutido, gusto ko kasi sya dahil madali sya gawin at masarap sya. Pwede nadin sya kainin after mo isteam. So pag gumagawa ako ng embutido, konti lang yung pinaka giniling na karne. Nagdadagdag kasi ako ng meatloaf o kaya maling. Kumbaga one of the extender. Malasa na kasi yung meatloaf/maling kaya dmo na masyado need iseason. Tapos imbes na tinapay, breadcrumbs ang nilalagay ko. Minsan kasi mahirap madurog yung tinapay. Hehe Tapos naglalagay din ako ng carrots kasi yan yung isa sa magpapatamis. Nilalagyan ko din ng raisins at pickles para mas lalong malasa. Sa isang halo, madami na magagawa. Pwede na sya itabi at iulam ng ilang araw matapos masteam. Ayan, nagcrave tuloy ako. Haha Happy Eating sa lahat!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.