Pasok padin naman to sa Foodtrip no? Kasi pang foodtrip to ng bebe ko! Hahaha So ayun na nga! Walang magulang na hindi gagawin ang lahat para mapasaya ang anak! Two weeks ago, pinaghandaan namin yung pagpunta namin para mabisita yung bebiboy namin. Bumili kami ng maraming snacks para may makakain sya pag gutom sya. Mejo matakaw kasi sya, gusto laging may nginunguya. Hehe! Pero kahit matakaw, ayun, hindi sya lumolobo. Kasi sobrang active nya. Takbo ng takbo, talon ng talon at laro ng laro. Ang saya saya nya nung makita nya lahat ng dala namin. Kaya sabi ko pipicturan ko sya. Ang sarap makita na nakangiti at natutuwa sya. Lahat ng gastos at pagod sa trabaho ay nabura! Wala tlagang magulang na hindi kaya ibigay lahat para sa anak. Mahal na mahal ka namin anak!
3 comments
magugustuhan ng naak mo ang lahat ng mga dala ninyo na para sa kanya, ang daming pagkain na mabubusog sya kahit anong oras o araw pwede na kainin
Oo nga brader. Pang bawi lanh kasi madalas di kani magkakasama e
Oo naman ma'am.