read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

Ang tawag sa pagkain na ito ay Panyang. Nakatikim na ba kayo nito? Noong bata ako, lagi nagtitinda nito si Mama. Ito ay ginadgad na kamote na may asukal, harina at baking powder. Hahaluin mo lang sya at ikokorte na parang burger patty tsaka ipiprito. Kapag nakain mo na to, hindi mo aakalain na kamote sya. Hehe Paboritong paborito ko ito. Sa tuwing meron kamote akong nakikita, ito agad ang una kong naiisip na lutuin. Hindi kasi ako fan ng nilagang kamote, minsan kasi para kang mahihirinan kapag kumagat ka ng kamote. Kaya mas prefer ko ang Panyang. Haha! Try nyo nadin lutuin, madali lang to! Masarap at masustansya din! :)

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.